Monching Gutierrez and former wife Lotlot de Leon reunite onscreen after 20 years; “Masayang-masaya ang mga anak namin.”

Pagbibiro ni Lotlot de Leon, dapat daw talagang nerbiyosin ang dati n'yang mister na si Moching Gutierrez nang magkasama silang movie sa isang project after 20 years. “Kung nininerbiyos ako kasama s’ya [Monching]? S’ya talaga ang ninerbiyosin sa akin. Hahaha!” birong banat niya na ikinatawa ng lahat sa grand media conference at pilot screening ng The Write One.

PHOTOS: Tom Pornel

Pagbibiro ni Lotlot de Leon, dapat daw talagang nerbiyosin ang dati n'yang mister na si Moching Gutierrez nang magkasama silang movie sa isang project after 20 years. “Kung nininerbiyos ako kasama s’ya [Monching]? S’ya talaga ang ninerbiyosin sa akin. Hahaha!” birong banat niya na ikinatawa ng lahat sa grand media conference at pilot screening ng The Write One.

Inamin ng aktor na si Ramon Christopher Gutierrez, na kilala rin sa palayaw n’yang Monching, na nakaramdam s’ya ng nerbiyos nang muli silang nagkatrabaho ng dati n’yang misis at dati ring ka-loveteam na si Lotlot de Leon.

Sinabi n’ya ito sa naging grand media conference and pilot screening ng upcoming TV series nilang The Write One nitong March 11.

Gaganap sila sa serye bilang mga magulang ni Liam, ang lead character na gagampanan naman ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

At dahil ito ang unang beses na magkakasama sila ni Lotlot sa isang project after so many years ay natanong ng entertainment press kung ano ang naramdaman nila noong nagkita sila sa set on their first taping day.

Dito ay umamin si Monching na nakaramdam nga s’ya ng nerbiyos na muli n'yang nakasama ang dati n’yang asawa sa isang proyekto. 

Okey, magaling. Okey naman. S’yempre, nu’ng una nininerbiyos ako. Kasi matagal kaming hindi nagka-work, ’di ba? So, baka hindi na sanay, ganu’n,” natatawang pag-amin ng aktor. 

Ganu’n pa man, happy naman daw s’ya na nabigyan silang muli ni Lotlot na chance para makatrabaho ang isa’t isa, pati na rin ang mga kasamahan nilang artista sa show. 

Masaya naman talaga ako. I’m happy to be working s’yempre with Lot again. Di ba, alam mo ’yon? Saka s’yempre, kayong lahat, ’di ba? Masayang-masaya. Saka napakaganda ng project,” lahad pa n’ya.

Pabiro naman ang naging sagot dito ni Lotlot.

Kung nininerbiyos ako kasama s’ya [Monching]? S’ya talaga ang ninerbiyosin sa akin. Hahaha!” birong banat ng premyadang aktres na ikinatawa ng lahat. 

Pero pagseseryoso n’ya, maayos naman daw ang naging takbo ng mga eksena nila ng dati n’yang mister.

At saka never naman daw naging iba ang aktor sa kanya dahil may pinagsamahan sila at may apat silang anak.

“No, everything was smooth. Prior to this project naman, we have four children between us. I’m sorry for all the personal ano ha. Excuse us. But we never have a problem,” pagtitiyak pa n’ya.

Kung meron man daw na pinakamasaya sa reunion project nilang ito ni Monching, iyon daw ay walang iba kundi ang mga anak nilang sila Janine, Jessica, Diego, at Maxine.

“So, this is actually a blessing. Masayang-masaya lahat ng anak namin,” pagbabahagi pa ni Lotlot.

Para sa kanya, biyaya raw na maituturing ang mabigyan ng trabaho lalo na sa panahon ngayon, and at the same time, kasundo pa n’ya ang mga katrabaho n’ya. 

“It’s always a blessing to have a project, but it’s a double blessing if you’re working with the right people and kung maganda ang outcome ng project,” paliwanag pa ng aktres. 

Hindi naman daw s’ya nagdalawang isip nang i-offer sa kanya ang proyekto at sinabihan s’yang makakasama n’ya dito ang kanyang former husband. 

“When this was presented to be, and I heard about the story, I said, ‘Why not?’ And then they said Mon is going to be there, I said, ‘Why not?’” pagre-recall ni Lotlot.

“And it’s been twenty years this year since we’ve done anything together on screen. So, bakit hindi na lang natin iisa.

Pagbibida pa n’ya, maganda ang working relationship nila ng kanyang co-actors pati na rin sa team behind the camera.

“It’s so nice to be able to work with all these young actors and our production, our director na sobrang nakalatag lahat ng plano nila. Ang ganda ng lahat. Smooth-sailing lahat,” pagmamalaki n’ya.

“And then I think today, correct me if I'm wrong, mas na-inspire tayong lahat after we saw this beautiful trailer that was presented to all of you today. 

“So, congratulations to the whole team. Congratulations to Viu for putting up such a wonderful project along with GMA, of course. Congratulations,” pagtatapos n’ya.

Mapapanood ang The Write One, na kinatatampukan ng real life couples na sina Ruru Madrid and Bianca Umali, at Paul Salas and Mikee Quintos, simula March 18 sa streaming platform na Viu, at sa March 20 sa GMA Telebabad.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine Gutierrez, masayang napagsama ang mommy Lotlot at daddy Monching sa isang family vacation getaway

Janine Gutierrez, aminadong ginusto niya noon na magkabalikan pa ang mga magulang na sina Lotlot at Monching

Dating mag-asawang Lotlot de Leon at Monching Gutierrez, saglit na nagpakilig

Lotlot de Leon, dinepensahan si Matet at mga kapatid: “Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.