Tungkol sa ultimate sacrifice ang pelikulang More Than Blue na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at JC Santos.
K’wento ng dalawang taong may lihim na pagmamahal sa isa’t isa pero kontra ang tadhana sa kanila. JC, who is playing K, learns na may cancer siya and will soon die from it. Thus, he’s pushing Cream (Yassi) away para hindi tuluyang mahulog sa kanya at para hindi niya ito masaktan ng labis sa nakatadhanang pagkawala niya.
He even went as far na itulak itong magmahal ng iba para siguruhing maganda ang magiging future nito pag wala na siya. Cream then falls for John Louis (Diego Loyzaga). Kakayanin kaya ni K?
Sa premise palang na ’yon, alam mong tearjerker ang pelikula.
In real life, aminado sina Yassi at JC, pati na rin ang co-star nilang si Ariella Arida, na baka hindi nila kaya ang ganoong klase ng sacrifice na ginawa ni K.
“Baka hindi ganoon ang gawin ko,” says JC, referring sa ginagawang pagpapa-ubaya ng character niyang si K sa pelikula.
“Ako rin, Ako rin po,” Yassi seconds. “Agree ako kay JC kasi ito ’yong lagi naman pinag-uusapan sa set lalong-lalo na doon sa towards the latter part of the film. ’Yong parang ang dami-dami mong sina-sacrifice para sa taong mahal mo. Pero ’yong totoo is dalawa kayong nagsa-sacrifice, e, because you don’t wanna hurt each other kahit anong mangyari.
“And siguro, you wanna just keep the love that you have, parang saved in a box na gusto ninyo siya doon matapos. Alagaan siya kung sino man in the future kasi parang sa’yo hindi ka nagiging selfish. ’Yon ang pagmamahal na meron si K pati na rin si Cream, alam mo ’yon?
“So, ako personally hindi ko po alam kung kaya ko po ’yon. Hahaha!”
But that doesn’t mean, hindi pa nila narasanang magsakripisyo in the name of love. Definitely, may kanya-kanyang karanasan sila when it comes to that thing called pag-ibig.
“Ako nag-plano na ako tumira sa ibang bansa,” pag-amin ni JC. “Nag-decide na akong mag-stay sa Hongkong. Hahaha! Mag-a-asawa na ako. I was 25 then and yeah, eventually may nangyari tapos nanaig ’yong pangarap. Pero plano ko nang mag-stay. Hindi na ako babalik ng Pilipinas kahit kelan. Hahaha!”
Meaning, hindi naka-tadhana. Ang nakaguhit sa palad niya ang maging isang mahusay na artistang nakakatawid both sa indie at mainstream, at maging sa teatro na siyang roots niya.
“Ako po, tiis and sacrifice I think,” lahad naman ni Yassi. “S’yempre marami rin akong nagawa for love. Sobra nga po, minsan naiisip ko parang masyado yata.”
Aniya, the simple act of focusing on your partner is equivalent to sacrificing your time for other people and things.
“Kasi that’s time, e, diba po? Parang time that you lost for your family, time that you lost for other opportunities...and lahat naman tayo gusto nating may mapuntahan ’yong mga sacrifices from our past loves kasi yan po ’yong iniisip natin na pang-forever na katulad nung kay JC diba?”
Pero kung nagkatuluyan man daw o hindi, dapat ay walang regrets dahil ang mga seemingly “sayang” ay may nai-ambag naman sa pagkatao at buhay mo, ani Yassi.
“Pero hindi mo rin maiisip na sayang kasi it brought you to a certain point in your life...changed your mindset or may lesson kang natutunan. So, for me, ’yong mga tiis and sacrifices na ’yon is worth it pa rin.”
Sa part naman ni Ara Arida, wala pa naman daw siyang naranasang give-up-you-all moment na kagaya ng kay JC. Pero gaya kay Yassi, time din ang tingin niyang malaking sacrifice ng isang nagmamahal.
“Thankfully naman...parang in fairness naman sa tadhana ko, medyo umaayon naman siya sa kagustuhan ko.
“Siguro ’yong masasabi ko lang na sacrifice ’yong time talaga minsan. ’Yon ’yong nasa-sacrifice natin ’yong oras dahil sa kanila. So, kung like the big deal like kagaya din nu’ng nangyari sa movie kay Q and Cream, wala pa naman po. Ipagpe-pray ko na walang ganon.”
Save the date for the #WasakPusoDay this November 19, 2021 and stream the Philippine adaptation of More Than Blue on Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, at Europe.
Vivamax is available online at web.vivamax.net.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber