Movie icon Ernesto Fajardo a.k.a. Don Pepot, pumanaw na sa edad na 88

Taong 2005 nang gawaran s’ya ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa FAMAS Awards sa di matatawarang kontribusyon n’ya sa Philippine film industry. Ang pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako noong 2012 ang huling proyekto ng movie icon.

PHOTOS: @itsmepape on Facebook

Taong 2005 nang gawaran s’ya ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa FAMAS Awards sa di matatawarang kontribusyon n’ya sa Philippine film industry. Ang pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako noong 2012 ang huling proyekto ng movie icon.

Nagluluksa ngayon ang local movie industry dahil kakapasok palang ng taong 2022 ay isa na namang Pinoy movie icon ang namaalam. Ito ay ang veteran comedian na si Ernesto Fajardo o mas kilala sa showbiz bilang si Don Pepot. He was 88 years old. 

Ibinahagi ng anak n’yang si Michael Fajardo ang malungkot na balitang ito kagabi sa kanyang Facebook post. 

Ayon kay Michael, pumanaw ang beteranong komedyante actor kagabi due to acute respiratory failure na kumplikasyon ng Covid-19.

“Our beloved Ernesto ‘Don Pepot’ Fajardo passed away yesterday at 8:32pm due to acute respiratory failure; covid confirmed critical,” pagbabahagi n’ya sa kanyang FB post.

“His wake will be at Solennelle Funeral Homes at Valenzuela, along Maysan Road.”

Narito ang ibinigay n’yang schedule para sa mga nais magbigay ng kanilang final respect sa yumaong haligi ng kanilang pamilya:

January 20, 2022 - Day 1: Family members only

January 21, 2022 - Day 2: Relatives & Friends

January 22, 2022 - Day 3: Open to the Public

 

Our beloved Ernesto "Don Pepot" Fajardo passed away yesterday at 8:32pm due to acute respiratory failure; covid...

Posted by Michael Fajardo on Tuesday, January 18, 2022

Before succumbing to death, nagkaroon pa ng fundraising at gig-for-a-cause sina Michael last December para makalikom ng pera para sa medications at medical expenses ni Don Pepot after nitong ma-ospital due to pneumonia. Pero sadly ay binawian na s’ya ng buhay kagabi. 

Malaki ang naiambag ni Don Pepot sa industriya ng Pelikulang Pilipino mula nang maging pumasok s’ya sa showbiz noong 1964 at mapasama sa mahigit isang daang pelikula. 

Maliban sa pag-arte sa harap ng kamera, naging writer at radio host din s’ya during his prime.

Taong 2005 nang gawaran s’ya ng Lou Salvador Sr. Memorial Award sa FAMAS Awards sa di matatawarang kontribusyon n’ya sa Philippine film industry.

Ang pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako noong 2012 ang huling proyekto ng movie icon.

Rest in peace, Don Pepot.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.