Mr. Fu, malaki ang pasasalamat kay Cristy Fermin sa mga naitulong nito sa kanya noon at sa pagtatanggol sa kanya ngayon

PHOTOS: @mrfu_mayganon on Instagram

PHOTOS: @mrfu_mayganon on Instagram

Pinasalamantan ng radio and TV personality na si Jeffrey Espiritu - o mas kilala sa bilang Mr. Fu - ang kanyang nanay-nanayan na beteranang showbiz news writer at radio talk show host na si Cristy Fermin. 

Ito ay matapos na ipagtanggol s'ya nito laban sa tinatawag ni Cristy Fermin na umano ay “power tripping" ng actress- host na si Kris Aquino

Nag-ugat ang lahat sa offer kina Mr. Fu, talent manager/showbiz writer na si Lolit Solis at showbiz columnist Cristy Fermin na maging part ng digital talk show ng tinaguriang Queen of Talk na si Kris Aquino.  

Ang tatlo ay kasalukuyan ng mga hosts ng successful online show na Take It... Per Minute (Me Ganon?) na naka-Live sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon tuwing Martes ng tanghali.

Nasa 20 minutes umano dapat ang magiging segment kung saan ilalagay silang tatlo na magkakaroon ng interaction with Kris habang nasa ibang studio naman ito. 

Ayon sa pahayag ni Cristy sa radio show n'ya na Cristy FerMinute, kasama daw sa first meeting si Mr. Fu noong pinaplantsa pa ang project. 

However, after daw na maibigay ang demands nila, nag-text daw si Kris na gusto daw nitong sina Lolit at Cristy na lang ang isama sa show dahil nga nagkasama na rin sila sa mga shows before. Nakasama ni Kris si Lolit sa Star Talk at si Cristy naman sa The Buzz

Ang ikinasama daw ng loob ni Cristy ay ang pahayag ni Kris na ayaw nitong makasama sa show si Mr. Fu dahil hindi n'ya daw kilala ang radio-TV host at hindi nila ito ka-level.

"Sabi ni Kris Aquino, kami lang daw ni Manay Lolit ang gusto n'yang makasama. Hindi daw n'ya kilala si Mr. Fu at hindi namin ka-level," k'wento pa ni Cristy last November 4. 

At dahil dito, hindi na tinantanan ni Cristy Fermin ang pagtatanggol kay Mr. Fu at pagtira kay Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, November 6, ikinuwento ni Mr. Fu ang mga naging pagtulong sa kanya ni Cristy mula pa noon. 

"[N]agsisimula palang akong radio jock isinusulat nako ni nay cristy sa mga column nya," panimula ni Mr. Fu. "[P]inupuri nya trabaho ko kahit hindi pa nya ako nakikilala nang personal."

Nagsimula daw ang kanilang pagkakaibigan nang makiramay ang radio DJ and TV host kay Cristy nu'ng pumanaw ang nanay nito.

"[U]na naming pagkikita nung makiramay ako sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina. simula noon, naging nanay ko sya. 

"[S]ya ang nagrekomenda sakin sa TV5 ni sir MVP at ipinakilala kay @iamnoelferrer na naging manager ko noon. 

"[L]ahat ng talk show nya sa TV5 dati, isinasama nya ako bilang co-host. Nung simulan nila ni nay @akosilolitsolis ang programang take it per minute ng PSN, binisita ko sila para icongratulate. hindi nanaman nya ako kinalimutan."

Ito rin daw nang dahilan kung bakit s'ya napasama sa online show nila na Take It...Per Minute (Me Gano’n?).

"Inirekomenda nya ako ulit na mapasama sa show nila at idugtong ang linya kong ‘may ganon’ sa titulo ng programa."

At eto ngang may issue na bumabalot sa kanila, nagpapasalamat daw si Mr. Fu kay Cristy sa pagtatanggol nito sa kanya.

"[M]araming beses na nya akong ipinagtatanggol at ngayong may isyu, hindi pa rin sya nagsasawang ipaglaban ako. 

"[M]araming salamat nay sa pagmamahal at pagpapahalaga mo sakin bilang katrabaho, bilang anak. (at ito ay hindi produkto ng hype. produkto ng hype?!) i love you nay! #cristyfermin #mayganon" pagtatapos ni Mr. Fu.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

nagsisimula palang akong radio jock isinusulat nako ni nay cristy sa mga column nya. pinupuri nya trabaho ko kahit hindi pa nya ako nakikilala nang personal. una naming pagkikita nung makiramay ako sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina. simula noon, naging nanay ko sya. sya ang nagrekomenda sakin sa TV5 ni sir MVP at ipinakilala kay @iamnoelferrer na naging manager ko noon. lahat ng talk show nya sa TV5 dati, isinasama nya ako bilang co-host. Nung simulan nila ni nay @akosilolitsolis ang programang take it per minute ng PSN, binisita ko sila para icongratulate. hindi nanaman nya ako kinalimutan. Inirekomenda nya ako ulit na mapasama sa show nila at idugtong ang linya kong "may ganon" sa titulo ng programa. maraming beses na nya akong ipinagtatanggol at ngayong may isyu, hindi pa rin sya nagsasawang ipaglaban ako. maraming salamat nay sa pagmamahal at pagpapahalaga mo sakin bilang katrabaho, bilang anak. (at ito ay hindi produkto ng hype. produkto ng hype?!) i love you nay! #cristyfermin #mayganon

A post shared by Mr. FU (@mrfu_mayganon) on

 

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis, aminadong posibleng na-i-miscommunicate kay Cristy Fermin ang pag-ayaw umano ni Kris Aquino kay Mr. Fu; dahilan para mag-back-out si Cristy

Pika's Pick: Mr. Fu, touched sa hindi pang-iiwan sa kanya nina Lolit Solis at Cristy Fermin sa gitna ng alok na talk show with Kris Aquino

Talk show with Kris Aquino, tinabla nina Lolit Solis at Cristy Fermin dahil kay Mr. Fu

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.