Ms. Gloria Sevilla, pararangalan sa 42nd Gawad Urian bukas

Ms. Gloria Sevilla, pararangalan sa 42nd Gawad Urian bukas

Gaganapin bukas, June 18, at 5:30 p.m. sa UP Film Center ang ika-42 na Gawad Urian, na ibinibigay ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ang pinakamatanda at prestihiyosong film critic group sa bansa.

Si Dulce, kasama si Joanna Ampil, the UP Singing Ambassador and Jem Cubil, ang siyang magsisipag-handog ng musical numbers. Si Ms. Ampil ang Gawad Urian Best Actress winner last year para sa pelikulang Larawan, habang si Jem Cubil, isang young male artist, ang siya namang umawit ng theme songs ng mga pelikulang Meet Me in St. Gallen and Sid & Aya, na kapwa nagkamit ng nominasyon sa taong ito.

Ang pagpili kay Dulce bilang special performer this year, bukod sa pagiging isa sa pinaka-mahusay na performers ng kanyang henerasyon, ay bahagi ng selebrasyon sa pagkakapili kay Ms. Gloria Sevilla bilang recipient ng Natatanging Gawad Urian, ang katumbas ng Lifetime Achievemnent award ng ibang award-giving bodies. Sina Dulce at Gloria ay kapwa Cebuanas.

Marami ang natuwa sa pagkapili kay Ms. Gloria Sevilla. Siya ay kinikilala bilang Queen of Visayan Movies dahil sa paggawa niya ng mga Cebuano films, kasama ang husband niyang Matt Ranillo, Jr. Magkatulong sila sa pagpapalaganap ng Visayan Films, at matagumpay naman ito. Ito ang simula ang pag-boom ng Visayan films, na nagbunga nang pagyabong ng regional cinema.

Isa sa kontribusyon niya sa industriya ay ang kanyang pagwawagi ng Best Actress mula sa FAMAS para sa pelikulang Badlis sa Kinabuhi, na ang dialog ay Cebuano.

Kabilang sa mga expected presentors for the 42nd Gawad Urian ay sina Jimmy Fabregas, who has won several Gawad Urian both for music and supporting roles; Ricky Davao, who has Best Actor and Best Supporting Actor awards from Urian; Mon Confiado; mother-and-daughter tandem Bing Pimentel and Max Eigenmann; siblings Jak Roberto and Sanya Lopez; newbie actor Tony Labrusca; and Christian Bables, who was the Gawad Urian Best Supporting Actor for 2017. 

Sina Manunuri Butch Francisco and Ms. Cherie Gil, will co-host the program. The ceremonies will start at 5:30 in the afternoon although the public will be allowed inside the venue at 4:00 pm.

Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay binubuo nina  Chairperson Rolando B. Tolentino, Grace Javier Alfonso, Patrick Campos, Gary Devilles, Butch Francisco, Shirley Lua, Bienvenido Lumbera, Miguel Q. Rapatan, Nicanor G. Tiongson, and Tito Genova Valiente. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sarah and Kathryn bested acting heavyweights in the 35th Star Awards

Nadine Lustre "really grateful" for back-to-back awards

FAMAS win ni Nadine, na-predict ni James

Anne Curtis honored as first female recipient of FPJ Memorial Award

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.