Muni-muni ni Rabiya Mateo isang linggo matapos mabigo sa Miss Universe: “That night wasn’t meant for me...[pero] lalaban pa rin tayo sa buhay.”

PHOTOS: @themissuniverseph & @rabiyamateo on Instagram

PHOTOS: @themissuniverseph & @rabiyamateo on Instagram

Muling naglabas ng kanyang saloobin ang naging kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo isang linggo matapos s’yang mabigo sa nasabing prestigious beauty pageant.

Matatandaan na noong grand finals ng Miss Universe last May 17 ay matagumpay na nakapasok sa Top 21 si Rabiya kung saan nakapagpakitang gilas s’ya sa swimsuit round. 

However, hindi na s’ya nakausad pa sa Top 10 kaya hindi na s’ya nakarampa para sa everning gown competition. Eventually, ang pambato ng Mexico na si Andrea Meza ang kinoronahang Miss Universe 2020.

Sa kanyang latest Instagram post ngayong araw, May 25, sinabi ni Rabiya na walang dapat ipag-alala ang kanyang mga fans dahil naka-vacation mode na daw s’ya sa ngayon. 

“I can’t believe it’s been one week already,” panimula ng Ilongga beauty queen sa kanyang IG post. “For those who were asking how am I, you have nothing to worry. I’m enjoying my mini vacay here in the US. Just few more days and I’ll be working again.”

Kalakip ng kanyang post ay ang series of photos kung saan suot n’ya ang Sarimanok-inspired gown na ginawa ng Dubai-based designer na si Furne One

“This orange gown was my gift to Iloilo City,” pahayag ni Rabiya.  "The details at the bottom is connected to Dinagyang festival which we celebrate every January.”

Pag-amin pa n’ya, inasam daw n’ya na matawag sa Top 10 para mairampa ang gown pero hindi nga ‘yon ang nangyari at maluwag n’ya daw na tinanggap ‘yon.

“I was waiting for that moment, I’ve been trying to imagine myself walk in this gown if ever I enter the top 10. It didn’t happen but I am still blessed. 

Pagpapatuloy pa n’ya, “It was heartbreaking at first but I realize every girl in the competition also made sacrifices and it’s all about destiny. That night wasn’t meant for me.”

Pinasalamatan din ni Rabiya ang designer na si Furne One, Miss Universe Philippine franchise executive Albert Andrada, at mga designers at stylists na tumulong sa kanya on her pageant journey. 

Dagdag pa n’ya, “I failed to bring home the crown but I gained the hearts of millions of Filipinos, and that makes me a winner. 

“Salamat Pilipinas! Lalaban parin tayo sa buhay!” pagtatapos ni Rabiya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Sa mga naglabasang report kamakailan ay posibleng sa July pa uuwi ng Pilipinas si Rabiya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bilin ni Shamcey Supsup kay Rabiya Mateo: "Don’t think anymore...It’s gonna fly by so fast. So, I just want you to savor every moment in the Miss Universe competition."

Rabiya Mateo, kinilig sa surprise video greeting sa kanya ni Kathryn Bernardo

Manny Halasan, kinikilabutan sa tuwing maiisip na nakapag-collab pa rin sila ng late designer na si Rocky Gathercole kahit papaano para sa national costume ni Rabiya Mateo

Patikim ng international fashion designer na si Furne Amato sa gown na isusuot ni Rabiya sa Miss Universe finals: “[The] gown is like energy. May energy s’ya.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.