Music industry nagluluksa sa pagpanaw ni Razorback drummer Brian Velasco

PHOTOS: Brian Velasco Facebook Page & Razorback Facebook Page

PHOTOS: Brian Velasco Facebook Page & Razorback Facebook Page

Tinanggal na ng Facebook ang diumano’y recorded FB Live feed ni Brian Velesco, 41, drummer ng 90s OPM rock band na Razorback, kaninang mag-a-alas-diyes ng umaga, January 16.

 

Sa nasabing Facebook Live na ito ay kinukuhanan diumano ni Brian ang sarili habang nagpapatiwakal. Isang balita ito na gumimbal sa local music world, kung saan kilala si Brian bilang talented at tahimik na dummer.

 

Sa kasalukuyan ay wala pang official statement ang pamilya Velasco ngunit ayon sa tweet ng The Philippine STAR kaninang 1:33 PM, humihingi umano ng privacy ang pamilya habang sinusuong nila ang matinding pagsubok na ito.

 

Samantala, kanila lamang hapon ay pinalitan ng Razorback ng solong litraro ni Brian ang profile picture ng kanilang official Facebook page, kasabay sa pag-post nila ng same happy picture ni Brian sa kanillang timeline kalakip ang message na ito:

 

“Today we lost our brother....and our hearts are broken.....we love you and we will always miss you Bri.” #rzrbk 

 

 

Today we lost our brother....and our hearts are broken.....we love you and we will always miss you Bri. #rzrbk

Posted by Razorback on Wednesday, January 16, 2019

Hindi pa tukoy ang dahilan ng naging akto ni Brian pero hinihinalang dala ito ng depression, na isa sa mga pangunahing dahilan ng mga suicide attempts sa kasalukuyan.

 

Ayon sa report ng CNN Philippines na may titulong “Suicide prevention: Music, mindfulness and talking can save a life” na nailathala online noong June 14, 2018, “Suicide is linked to depression, a clinically diagnosed mental illness which affects at least 300 million people worldwide, according to the World Health Organization. A media report citing the Philippine Psychiatric Association estimated that one in five adult Filipinos have mental disorders.”

 

Samantala, nakikiusap ang ilang Netizens na tigilan na ang pagpapakalat ng suicide video ni Brian, and instead ay mas palaganapin ang mga hotlines na maaring tawagan ng mga taong nakakaranas ng depression.

 

Ilan sa mga ito, which we also excerpted from the CNN Philippines report, ay ang mga sumusunod: (02) 804-HOPE (4673); 0917 558 HOPE (4673); at 2919 (toll-free number for all GLOBE and TM subscribers).

 

Maaari ding bisitahin ang mga sumusunod na local websites na nakatutok sa mental-health awareness gaya ng: Silakbo PH at PRISM. 

 

pikapika condoles with the family of Brian Velasco.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.