Myrtle Sarrosa, maraming nabigyan ng pagkakakitaan during the pandemic through play-to-earn gaming

Kamakailan ay nag-contract renewal ang cosplayer/gamer at Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa bilang brand ambassadress ng Sisters Sanitary Napkin. Ika-sixth year na niya ito with Sisters kaya nga ang biro niya, “Mas matagal pa siya sa lahat ng relationships ko combined. Haha!”

Photos: Courtesy of Megasoft

Kamakailan ay nag-contract renewal ang cosplayer/gamer at Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa bilang brand ambassadress ng Sisters Sanitary Napkin. Ika-sixth year na niya ito with Sisters kaya nga ang biro niya, “Mas matagal pa siya sa lahat ng relationships ko combined. Haha!”

Kamakailan ay nag-contract renewal ang cosplayer/gamer at Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa bilang brand ambassadress ng Sisters Sanitary Napkin. Ika-sixth year na niya ito with Sisters kaya nga ang biro niya, Mas matagal pa siya sa lahat ng relationships ko combined. Haha!”

“Ang dami nang pinagdaanan ng love life ko, ’yong Sisters never natapos...tuloy-tuloy lang. Sobrang blessed ko.”

And at present, wala daw siyang love life dahil sa showbiz commitments at pag-o-online game palang ay ubos na ang oras niya. Iyan ang tsika niya sa pa-virtual media conference sa kanya ni Ms. Aileen Go ng Megasoft Hygienic Products, manufacturer ng Sisters Napkins.

Baka naman daw kasi intimidated sa kanya ang mga lalaki dahil masyado siyang achiever, sundot ng isang entertainment press.

“Feeling ko, in a relationship dapat walang inggitan o walang nai-intimidate,” sakay naman ni Myrtle. “Rather than that, dapat sinu-suppport ang isa’t isa sa lahat ng dibs ninyo. And hopefully ganoon ’yong makuha ko if ever na magkaroon ako ng relationship.”

Urot naman ni Ms. Aileen, na kung tawagin ni Myrtle ay Big Sis, suwerte raw ang sinumang makakatuluyan ni Myrtle.

“Kung anuman man yan, future husband, future boyfriend...sobrang lucky kasi ang bait-bait niya [Myrtle],” say ng Megasoft VP. “Aside s’yempre sa pagiging beautiful physically and sobrang sexy.”

Pero tila wala doon ang isip ni Myrtle sa ngayon. Ang importante lang for her ngayon ay ang stable relationship niya with Sisters at sa mga tao behind it dahil hindi nga raw siya iniiwan.

“Althrought out my growth, even after PBB, nag-Your Face [Sounds Familiar] ako...ang dami nang naging transitions in my career, hopping to GMA... pero nandito pa rin ang Sisters at all-out support sila sa lahat ng ginagawa ko.”

Samantala, nahingan din ng update si Myrtle tungkol sa naging kalagayan ng cosplay at gaming industry, kung saan kapwa siya aktibo, during the pandemic. At ayon kay Myrtle, lumaylay ng slight ang mundo ng cosplay dahil nakasalalay ito sa mga live events,  pero mas bumongga naman daw gaming industry kaya’t maraming siyang naging raket.

“Actually, eto ’yong nakakatawa, e, no’ng time na naging digital lahat, nag-grow ’yong gaming and cosplay industry,” k’wento niya. “Not just that, pati ’yong NFT (Non-Fungible Token) world (na may kinalaman sa mga bitcoins).

“Before no’ng into games ako, konti palang ’yong opportunities, hindi pa ganoon ’yong dami ng taong interested in it. But because everyone was stuck at home [during pandemic], parang nag-open ’yong iba’t ibang opportunities. For example, sa mga play-to-earn games.

“Although konti lang ’yong cosplay events, never naman huminto kasi everyone is always interested into the next thing when it comes to cosplay, gaming, and such.”

Naging edge daw niya na isa siya sa mga naunang pumasok sa cosplay at online gaming world kaya’t nari-reap na niya ang rewards ng pagiging pioneer ngayon.

“So, ako naman, sobrang blessed ko kasi when you’re early into the [digital] space, you’re really rewarded. So, ngayon naka-open din ako ng iba’t ibang mga opportunities for work sa mga people na interested sa mga play-to-earn games. And nakakatuwa kasi marami akong nabigyan ng trabaho during the pandemic for gaming.”

Meaning, namuhunan siguro siya at ipinalalaro sa iba kaya’t hati sila sa kita.

Moreover, nagtayo na rin daw siya ng sariling production team for her online content creation needs dahil hindi na raw niya kayang solohin. Iba pa nga naman kasi ang for gaming at iba pa for vlogging.

Kaya paano nga ba magkaka-boyfriend?

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Myrtle Sarrosa, tahimik sa mga usaping pulitika dahil umano sa conflict of interest

Myrtle Sarrosa, napaluhod sa tuwa nang malamang siya ang ipinalit kay Kim Domingo sa Jennylyn Mercado-Xian Lim teleserye

Myrtle Sarrosa, nagka-chronic intestinal disease dahil sa sobrang karne at kape

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.