Nagbigay ng paliwanag ang actress-TV host na si Myrtle Sarrosa kung bakit hindi s’ya nagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pulitika.
Natanong kasi s’ya tungkol dito ng entertainment press sa virtual media conference noong March 1 para sa endorsement renewal niya with Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners.
Marami kasi ngayong artista ang very vocal sa pagpapahayag ng kanilang political stand on social media. Pero tila nananatiling tahimik pag dating sa bagay na ito si Myrtle.
Sagot ni Myrtle, nasa dugo na daw n’ya ng pulitika dahil ang lolo at tatay daw n’ya ay kapwa naging mga public servants na sa hometown nila.
“Actually, coming from a political family… ’yong grandfather ko was a mayor sa Barotac Nuevo, Iloilo for over a decade. ’Yong father ko was the number one councilor sa Barotac Nuevo, Iloilo,” panimulang pagbibigay-background ng Kapamilya-turned-Kapuso star.
Maging s’ya daw mismo ay may first-hand experience na when it comes to public service.
“I was previously SK (Sangguniang Kabataan) Federation president [sa] Iloilo, so, I’m very much close to the government and ’yong heart ko talaga nand’un sa pagtulong sa iba’t ibang tao,” patuloy niya.
“Even in what I’m doing right now, dito sa mga school tours namin [with Megasoft Hygienic Product, Inc.], ’Yong ginagawa ko talaga is getting closer to people at sa mga taong humihingi ng tulong sa akin.”
However, magiging conflict of interest daw kung mag-eendorso s’ya ng kandidato habang nagho-host s’ya ng isang pambatang programa sa Kapuso network.
“The reason why I’m not speaking up in terms of politics is because bilang artist din sa GMA, because nagho-host ako ngayon—for a month—sa iBilib which is a kid’s show din,” paliwanag ng aktres.
“Nag-isip ako, sabi ko, ‘Pag ganito kasi ’yong nire-represent kong shows, hindi kasi ako p’wede mag-side [sa sinumang tumatakbo for the national positions].”
Paglilinaw naman n’ya, meron naman daw s’yang opinyon pag dating sa pulitika pero mas mabuti daw na sa kanya na lang muna iyon.
“I respect din ’yong iba’t ibang opinion ng tao. Meron akong opinyon but I’d rather keep it to myself as naniniwala ko na we just respect the choices of each and everyone,” pagtatapos ni Myrtle.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber