Myrtle Sarrosa will be bridesmaid at Alodia Gosiengfiao's wedding; says hindi siya inggit kahit malamig ang Pasko niya

Unlike her friend at kapwa cosplayer na si Alodia Gosiengfiao na naghahanda na para sa kasal with fiancé na sa Christopher Quimbo, zero ang lovelife ni Myrtle Sarrosa. Kuntento na raw muna siyang mag-abay kay Alodia tutal ay busy naman siya. "Hindi ako naiinggit kasi busy din naman ako...wala akong time sa lovelife. Darating din tayo diyan," natatawang saad ni Myrtle.

Photos: Rommel Gonzales / @myrtlegail / @alodia

Unlike her friend at kapwa cosplayer na si Alodia Gosiengfiao na naghahanda na para sa kasal with fiancé na sa Christopher Quimbo, zero ang lovelife ni Myrtle Sarrosa. Kuntento na raw muna siyang mag-abay kay Alodia tutal ay busy naman siya. "Hindi ako naiinggit kasi busy din naman ako...wala akong time sa lovelife. Darating din tayo diyan," natatawang saad ni Myrtle.

Isa si Myrtle Sarrosa sa mga Sparkle GMA Artist Center artists at nagpapasalamat si Myrtle dahil sa tiwala sa kanya ng GMA Network.

“Sobrang nagpapasalamat ako especially during the time of the pandemic kasi nag-sign ako prior sa lockdown and to be under the Sparkle management sobrang grateful  ko na despite everything that’s happening to the world I have a family that would take care of me and a management na binibigyan ako ng napakaraming opportunities.

“And lagi kong sinasabi na ako 'yung type of person na hindi ko sinasayang 'yung lahat ng mga opportunities na binibigay sa akin,” pahayag ni Myrtle.

At isa sa mga opportunities na ito ay ang pagpirma niya ng kontrata bilang bagong celebrity endorser ng Guitar Apparel, isang undergarments brand.

Present sa naturang contract signing ni Myrtle si Arnold Chua na President ng Guitar Apparel at Renze Banawa, ang Sales Manager ng Sparkle GMA Artist Center.

Bukod dito, blessing din para kay Myrtle ang makasali sa na-postpone na Love.Die. Repeat., ang unang teleseryeng pagbibidahan nina Xian Lim at Jennylyn Mercado. Tuloy na tuloy na kasi ito next year.

At dahil busy siya, hindi raw niya ramdam na malamig pala ang kanyang Pasko. Wala kasing lovelife ang actress-gamer na isa ring tanyag na cosplayer.

Unlike her friend at kapwa cosplayer na si Alodia Gosiengfiao na naghahanda na para sa kasal niya sa kanyang fiancé na sa Christopher Quimbo na malamang daw ay magaganap sa February 2023 na kung saan ay mag-aabay siya.

(Sina Alodia at Christopher ay na-engaged nito lamang July 2022.)

Wala ba siyang nararamdamang inggit?

"Hindi ako naiinggit kasi busy din naman ako...wala akong time sa lovelife. Darating din tayo diyan," natatawang pagtatapos ni Myrtle.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Myrtle Sarrosa, maraming nabigyan ng pagkakakitaan during the pandemic through play-to-earn gaming

Myrtle Sarrosa, tahimik sa mga usaping pulitika dahil umano sa conflict of interest

Myrtle Sarrosa, napaluhod sa tuwa nang malamang siya ang ipinalit kay Kim Domingo sa Jennylyn Mercado-Xian Lim teleserye

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.