Nakapag-last shooting day na ang Ulan ng Viva Films na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino na first time maging mag-on-screen partner.
Ang Indak naman, also by Viva Films, ang pinagkaka-abalahan ni Nadine ngayon, kung saan first time din niyang magiging on-cam ka-tandem ang versatile na si Sam Concepcion.
Excited ang dalawa sa project lalo pa’t sesentro ang kwento nito sa sayawan na pareho nilang hilig. Kaya’t kung ang rea-life boyfriend daw ni Nadine na si James Reid ay panay ang hataw sa mga parkour at martials arts training para sa Pedro Penduko, si Nadine naman daw ang magsisimula nang sumabak sa matinding dance training kahit pa marunong na siyang sumayaw. Mala-La La Land at Step Up kasi ang magiging atake ng pelikula.
Island girl si Nadine sa istorya habang leader ng isang dance group si Sam na naghahanap ng bagong miyembro. Nadine’s character will find herself and her place in the world through dancing kumbaga.
Off-cam and in real life ay matagal nang magkaibigan sina Nadine at Sam. In fact, even now ay bilang sila sa iisang barkadahan. Kaya naman hindi nila maitago ang excitement over the fact na finally ay magbibida sila sa isang malaking film project. Pero nang tanungin kung meron ba silang kissing scene—at kung meron, ay kung ready ba sila—ay tila natigilan at na-asiwa ang dalawa.
Naganap ang maikling pakikipagtsikahan sa dalawa during their storycon na ginanap kamakailan lang sa opisina ng Viva Films.
Inalam nila kay Direk Paul Basinilio, na noon ay nakikinig sa kanila, kung meron ba o wala, pero non-commital si Direk sa naging tugon nito.
Here’s the video: