Nadine Lustre, gustong i-delete ang gastadora phase sa kanyang buhay

When asked if there's a part of her past that she wanted deleted, Nadine Lustre says it should be the time when she was an all-out spender. "Feeling ko ’yong paggastos ko before nu’ng younger pa ako. I guess, back then, gusto mo lang mag-spend nang mag-spend on anything. May it be like, pag lalabas ka, kukuha ka ng table or alcohol or something random. Tapos ngayon pag iniisip ko s’ya, ‘Bakit nga ako gumastos para doon? Parang sayang.’”

PHOTOS: Viva Films & @nadine on Instagram

When asked if there's a part of her past that she wanted deleted, Nadine Lustre says it should be the time when she was an all-out spender. "Feeling ko ’yong paggastos ko before nu’ng younger pa ako. I guess, back then, gusto mo lang mag-spend nang mag-spend on anything. May it be like, pag lalabas ka, kukuha ka ng table or alcohol or something random. Tapos ngayon pag iniisip ko s’ya, ‘Bakit nga ako gumastos para doon? Parang sayang.’”

Kung may power lang daw mag-delete ng bahagi ng kanyang nakaraan, isa raw sa tatanggalin o babaguhin ni Nadine Lustre  ay ’yong panahon na siya ay naging gastadora.

Inamin n’ya ito sa harap ng entertainment press sa naging media conference nila kamakailan para sa upcoming horror movie nila'ng Deleter na official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year.

Natanong kasi ng press people silang mga cast members, base sa title ng kanilang pelikula, ay kung ano ba ang gusto nilang i-delete sa kanilang mga past.

Dito sumagot si Nadine at sinabing gusto n’yang burahin ang mga panahon na naging gastador siya. 

"Feeling ko ’yong paggastos ko before nu’ng younger pa ako," natatawang sagot ng aktres.

Wala daw kasi siyang kontrol sa pera niya before. Shopping galore at pala-labas daw kasi siya noon.

"I guess, back then, gusto mo lang mag-spend nang mag-spend on anything. May it be like, pag lalabas ka, kukuha ka ng table or alcohol or something random," lahad pa niya. 

Pero ngayong nag-mature na siya, kinukuwestiyon daw niya ang sarili kung bakit siya naglabas ng pera sa mga ganoong bagay noon. 

"Tapos ngayon pag iniisip ko s’ya, ‘Bakit nga ako gumastos para doon? Parang sayang,'" pag-amin ni Nadine.

Natuto naman daw siya sa phase ng buhay niyang iyon kaya masinop na daw siya sa paghawak sa kanyang pera ngayon.

"Kasi now, I guess, mas nagiging maingat na ako when it comes to spending," saad niya.

"Pero ngayon pag iniisip ko ang pinagkagastusan ko dati, ‘Bakit ko nga binili ’yon? Bakit ko nga ba ginawa ’yon?’ So it’s more on that," pagtatapos n'ya. 

Sa pelikulang Deleter ay gaganap si Nadine bilang online content moderator si Lyra. Isa sa mga namamahala sa pagpi-filter sa mga in-upload na graphics sa mga hawak na social media platforms ng pinapasukan n’yang kompanya.

Unknown to her co-workers ay meron s’yang dark secret na pilit n’yang dini-delete, na later on ay makakaapekto sa kanyang buhay at trabaho.

Kasama ng aktres sa upcoming psychological tech horror movie sina Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon, at Louise delos Reyes.

Mapapanood ang Deleter starting on Christmas day, December 25, in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre, handa bang tanggapin ang titulong Horror Queen?

Nadine Lustre, ni-real talk ang mga nagsasabing tumanda na ang kanyang mukha

Nadine Lustre, may napaiyak na fan sa Pampanga

Exclusive: Nadine Lustre, aminadong naging “greedy” din noon sa mga materyal na bagay pero....

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.