Clueless daw ang actress-singer na si Nadine Lustre kung saan nanggagaling ang palagiang tsika na buntis umano s’ya.
Ito ang sinabi n’ya sa isang episode ng Cosmo Confessions na in-upload on YouTube kamakailan. Isa kasi ang aktres sa mga itinanghal na Cosmopolitan Women of Influence ngayong 2023.
Sa nasabing video nga ay natanong s’ya kung ano ba ang “craziest rumor” tungkol sa kanya ang kanyang narinig o nabasa.
Ayon sa multi-awarded actress, ito daw ’yong palagi s’yang naiisyung buntis.
“That I’m pregnant and this happens every year. I don’t know why, I don’t know how,” sagot ni Nadine.
Parang pinangungunahan na daw s’ya ng mga tao sa balitang ito kahit na wala pa itong katotohanan. Hindi naman umano n’ya itatago sa publiko kung sakaling buntis nga s’ya.
“Like, people just decide that I’m pregnant every year. I don’t even look like it. I mean, if I am pregnant though I will happily announce it to the world,” pagtitiyak n’ya.
Pero sa ngayon, wala pa daw s’yang maia-announce.
“But sadly, guys, I’m not pregnant. And I’m not pregnant every year,” she concluded.
Matatandaang napa-tweet pa ang talented actress noong April 2022 tungkol dito.
“How TH am I pregnant every year,” she wrote on her Twitter post.
Noong October 2019 naman sa taping ng Your Moment ay natanong din ng press people si Nadine tungkol dito.
Pansamantala kasing nagpahinga that time ang aktres bago sumalang as one the judges ng Kapamilya reality show.
“Ha? Buntis ako? Ba't 'di ko po alam na buntis ako? Talaga ba? Hindi naman,” natatawang sagot n’ya.
Nagpahinga lang daw s’ya saglit at may mga bagay na inasikaso kaya s’ya pansamantalang nawala.
“Taon-taon tuloy-tuloy din po ako, e, [sa work]. I think, deserve ko naman magpahinga. And then, meron din po kasi akong kailangang asikasuhin outside po sa showbiz,” paliwanag pa n’ya.
“Saan galing? Saan po galing? Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana wag nang paniwalaan, ’di ba?” pagtatapos ni Nadine.
YOU MAY ALSO LIKE:
Nadine Lustre, aminadong na-frustrate noon dahil hindi natapos ang pag-aaral
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber