Nadine Lustre, pormal nang ibinida ang rumoured boyfriend na si Christophe Bariou sa Instagram

Isang collage photo ng dalawang polaroid snaps ang in-upload ng aktres sa IG kagabi, January 12, kung saan makikitang magkasama sila ng Filipino-French businessman.  Wala namang paliwanag o paglilinaw si Nadine sa caption maliban sa inilagay n’yang magic hat at magic wand emojis. Pero sapat na ’yon para dagsain ng suporta ang aktres at si Bariou. Hinuha ng fans, subtle way ito ni Nadine to announce na si Christophe na nga ang nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

PHOTOS: @nadine on Instagram

Isang collage photo ng dalawang polaroid snaps ang in-upload ng aktres sa IG kagabi, January 12, kung saan makikitang magkasama sila ng Filipino-French businessman. Wala namang paliwanag o paglilinaw si Nadine sa caption maliban sa inilagay n’yang magic hat at magic wand emojis. Pero sapat na ’yon para dagsain ng suporta ang aktres at si Bariou. Hinuha ng fans, subtle way ito ni Nadine to announce na si Christophe na nga ang nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

Matapos lumabas at pag-usapan sa social media ang bali-balita tungkol sa kanilang relasyon last year, heto’t nag-post na ang actress-singer na si Nadine Lustre ng photo n’ya sa Instagram kasama si Christophe Bariou.

Isang collage photo ng dalawang polaroid snaps ang in-upload ng aktres sa IG kagabi, January 12, kung saan makikitang magkasama sila ng Filipino-French businessman. 

Mukhang noong salubong sa Bagong Taon kinunan ang kanilang mga litrato. May fireworks kasi sa background habang sila naman, all smiles and check-to-check, ay parehong may hawak ng champagne glasses.

Wala namang paliwanag o paglilinaw si Nadine sa caption maliban sa inilagay n’yang magic hat at magic wand emojis. Pero sapat na ’yon para dagsain ng suporta ang aktres at si Bariou. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

At press time nga ay meron ng mahigit 706K hearts and 11.8K comments mula sa mga fans ang nasabing IG post. 

Unang napabalitang nagdi-date sina Nadine at Christophe noong August 2021 nang makuhanan silang dalawa ng photos habang magkasama sa Siargao kung saan matagal na namalagi ang aktres para magbakasyon.

Makalipas ang ilang buwan ay sa isang mall naman sa Makati na-spot-an ang dalawa na magkahawak-kamay. 

Nitong Disyembre naman, nag-join forces sina Nadine at Christophe sa kanilang relief operations for the typhoon victims sa Siagao matapos itong hagupitin ng bagyong Odette.

Makikita naman sa Facebook post ng Daddy Ulysses ni Nadine na kasama ng family nila si Christophe na nag-celebrate nitong Bagong Taon kung saan nga kinunan ang kanilang photo na siyang ipinost ng aktres kagabi. 

 

Goodbye 21. Hello 22. Happy New Year ❣

Posted by Ulysses Lustre on Friday, December 31, 2021

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.