Nadine Lustre, saludo sa tibay ng loob ng mga online content moderators; “Ang hirap po nu’ng trabaho nila.”

Dahil madaling maapektuhan sa mga napapanood na videos online ay hindi umano kaayanin ni Nadine Lustre ang maging isang online content moderator in real life dahil sa dami ng distrubing videos and online materials na sinasala ng mga ito.

PHOTOS: Viva Films

Dahil madaling maapektuhan sa mga napapanood na videos online ay hindi umano kaayanin ni Nadine Lustre ang maging isang online content moderator in real life dahil sa dami ng distrubing videos and online materials na sinasala ng mga ito.

Humahanga daw ang singer-actress na si Nadine Lustre sa katatagan ng loob ng mga online content moderators pero hindi daw n’ya nakikita ang kanyang sarili na papasukin ang ganitong ng trabaho sakaling hindi siya naging artista.

Sinabi n’ya ’yan sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kamakailan kung saan ay napag-usapan ang upcoming movie n’ya na Deleter na kalahok ngayong taon sa paparating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Gaganap si Nadine bilang isang online content moderator na may itinatagong dark past sa nasabing psychological tech thriller movie.

Kaya naman natanong namin ang talented Viva actress kung halimbawang hindi s’ya naging artista at dumating ang chance para makapagtrabaho s’ya bilang online content moderator ay papasukin ba n’ya ito. 

Hindi po,” matigas na iling ni Nadin. “Ang hirap po nu’ng trabaho nila.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang mga online content moderators kasi ang sumasala sa mga graphic photos and videos and other online materials na nakikita ng audience sa isang website o social media platforms. 

At ayon kay Deleter director Mikhail Red, ang Pilipinas ang tila nagiging content moderator capital of the world dahil ina-outsource tayo ng ibang bansa. 

P’wedeng maging stressful ang trabahong ito dahil kailangan nila ng mabilisang desisyon kung appropriate ba ang isang content o bina-violate nito ang terms of service o patakaran ng isang site. 

Bukod pa doon, kailangan nilang maialis agad ang mga disturbing photos and videos bago pa ito kumalat at mapanood ng publiko. Kaya naman babad sila sa mga disturbing online materials.

Kaya nga po sinasabi ko na iba ’yong lakas ng loob ng mga content moderators and nakaka-bilib po sila. As in, saludo po ako sa kanila kasi ang hirap po talaga n’yan,” lahad pa ni Nadine. 

Madali daw kasi s’yang maapektuhan sa mga videos na napapanood n’ya.

Ako nga po, ano lang, e, kahit animal lang na makita kong may sugat [sa social media], hindi ko na po kinakaya. Naaapektuhan na po ako, napi-feel bad na po ako,” paliwanag pa n’ya. 

How much more pa daw ang mga napapanood na videos ng mga moderators araw-araw. 

E, ’yong mga content moderators po, kung ano-anong inappropriate videos [ang nakikita], minsan violent pa. Ang daming harmful content nilang nakikita. Hindi ko po kaya, as in. Hindi ko po ’yon kakayanin,” saad pa n’ya. 

Nagkuwento pa s’ya sa karanasan niya nang kausap n’yang content moderator. Bahagi ito ng naging paghahanda niya sa role. Aniya, na na-trauma daw ang nasabing kausap dahil sa napanood nito. 

May nakausap po kasi akong content moderator. Medyo matagal din po s’ya doon sa company nila, e. As in, traumatized pa rin s’ya until now,” pagbabahagi ni Nadine. 

Medyo kinulit ko s’ya. Tinanong ko s’ya kung ano ’yong content na pinaka na-realize n’yang ayaw n’ya talaga. Nu’ng kinuwento n’ya, umiiyak s’ya. So, hindi ko ma-imagine kung anong mararamdaman ko kung ’yon ’yong work ko.

Samantala, napuri ni Direk Mikhail Red ang husay ni Nadine dahil naibigay umano ng aktres ang tamang emosyon at expression sa mga eksena kung saan kailangan n’yang umarte na mag-isa. 

Sa post production pa kasi ilalapat ang lahat ng graphics at effects sa mga eksena. Kaya imagination lang ni Nadine ang pinagana niya that time.

Ayon naman kay Nadine, nasubok nga raw sa pelikula ang imagination skills n’ya. 

Na-challenge po talaga ako kasi pati ’yong creativity and imagination ko ginagamit ko po dito,” k'wento ni Nadine sa amin. 

“As in, wala akong kabatuhan [ng dialogue]. Parang magbibigay lang ng cue si Direk. ‘Oh, ito ang nakita mo. Ganito ang nangyayari sa [computer] screen.”

Ganu’n pa man, nag-enjoy naman daw s’ya kahit na maraming beses na paulit-ulit kinunan ang kanyang mga eksena. 

Sanay na po ako. Ganu’n naman pag ano talaga. Kailangan paulit-ulit, especially, dito po one cam kami. Okay naman po. No complaints. As in, nag-enjoy po talaga ako,” pagtatapos n’ya.

Kasama ni Nadine sa pelikulang Deleter sina Louise delos Reyes, McCoy de Leon, and Jeffrey Hidalgo, at mapapanood ito simula December 25 in cinemas nationwide.

 

YOU M AY ALSO LIKE:

Nadine Lustre, ni-real talk ang mga nagsasabing tumanda na ang kanyang mukha

Nadine Lustre, handa bang tanggapin ang titulong Horror Queen?

Nadine Lustre, gustong i-delete ang gastadora phase sa kanyang buhay

Nadine Lustre, hindi ide-delete sa memory ang nag-viral niyang stolen shot habang bumibili ng lechon sauce sa Siargao

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.