Hindi raw sila parehong materialistic ng boyfriend niyang si James Reid, say ni Nadine Lustre. Hindi raw sila mahilig magpalitan ng mga regalong material kundi more on gestures ang pagpaparamdam nila ng pagmamahal sa isa’t isa.
Gaya nalang daw noong third anniversary nila as couple noong February 11, mas pinili nilang i-treat ang isa’t isa sa isang relaxing vacation sa The Farm at San Benito, isang luxury resort spa sa Batangas. Mas trip daw nila ang gano’n kesa sa mga material na regalo.
Mas itinuturing daw niyang best gift ni James sa kanya ay ang suporta nito sa lahat ng mga ginagawa niya at pinagdadaanan. Pinaka-na-appreciate daw niya ang pagiging sandalan ng nobyo lalo na noong mga panahong down na down siya,
“’Yong binibigay niyang suporta sa akin especially no’ng namatay nga po ’yong brother ko,” pagre-recall ni Nadine. “Sobrang hirap…para akong baliw no’ng time na ’yon.”
[Nadine younger brother, Isaiah Lustre, passed on on October 8, 2017.]
Pero off hand, isa raw sa pinaka-memorable na material gifts ni James sa kanya ay ’yong necklace na ang pendant ay ang crafted na salitang “always.” Iyon nga lang, hindi sinasadyang naiwala niya ito sa Japan noong October 2017.
“Nag-shoot po kasi ako,” muling balik-tanaw ni Nadine. “And then nilagay po siya [necklace] sa tissue tapos nilagay sa bag ko. E, tapos, nag-Japan po kami…naitapon ko po yata ’yong tissue na ’yon na nasa bag ko?”
Hindi naman daw nagalit o nagtampo si James sa kanya. Siya pa nga daw ang nag-overthink kung tutuusin sa hindi sinasadyang pagkawala ng kwintas.
“Ako po ’yong na-frustrate kasi ako po ang ano…’yong mga bagay po na binibigay sa akin, very sentimental po sa akin…”
Saglit na nakausap ng pikapika.ph si Nadine sa media press conference ng pelikula niyang Ulan na ginanap sa The Felicidad Mansion in Quezon City last February 23. Incidentally, ang Ulan, na first movie niya without her real-and-reel loevteam partner na si James Reid, is showing in cinemas March 13.