Nagbabalik-acting na si Marian Rivera, sa possible project nila ni John Lloyd Cruz: “DongYan [project] muna tayo...priority ko si Dong.”

As for teleseryes, tila may mga hinihintay pang signs si Marian Rivera bago tuluyang tumanggap ng alok ukol dito. “Kaya nga sabi ko ayokong magsalita ng tapos. Baka naman in time na p’wede na ‘kong mag-soap-opera, medyo maluwag na. ‘Yung mga lock-in, hindi na gano’n katagal like one month...baka naman a week na lang, days na lang.”

Photos: Rose Garcia & @marianrivera

As for teleseryes, tila may mga hinihintay pang signs si Marian Rivera bago tuluyang tumanggap ng alok ukol dito. “Kaya nga sabi ko ayokong magsalita ng tapos. Baka naman in time na p’wede na ‘kong mag-soap-opera, medyo maluwag na. ‘Yung mga lock-in, hindi na gano’n katagal like one month...baka naman a week na lang, days na lang.”

Sa mismong araw na pumirma ng kontrata ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang face of Kamiseta Skin ay siyang araw din na naging fully vaccinated na against COVID-19 ang panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

Ayon kay Marian, hindi raw naging mahirap sa kanila ni Dong na kumbinsihin ang anak na magpa-bakuna dahil excited na raw talagang itong makapag-face-to-face classes. 

“Noong una, sa car lang kasi, parang pinuntahan siya sa car ng pedia niya. So hindi naging mahirap para sa kanya. Ngayon, binidyo siya ni Dong, parang ganu’n-ganu’n lang kaya hindi naging phobia sa kanya.”

“Hindi naging mahirap sa kanya kasi looking forward siya na makapag-face-to-face na sa school.

“Sabi ko sa kanya, ‘Anak, hangga’t ’di ka pa fully vaccinated, hindi ka pa p’wedeng pumasok sa school.’ Kaya sabi niya, ‘Mama, I want na the vaccine and I want to go to school na.  

“Ayaw naman naming ipagkait kasi iba pa rin ang bata kapag may kasamang classmates niya.”

At kung wala naman daw magiging side effect kay Zia ang second dose ng vaccine niya in two days, papasok na raw ito agad. 

“Kasi, lahat ng classmates niya nasa [face-to-face] school na. Dalawa na lang silang naiwan online.

“But no chaperone. Ida-drop mo lang siya and sila lang talaga ang nandoon.”

Hindi ba siya napa-praning na iiwan na niya si Zia sa school at ma-expose na sa ibang tao? 

“Well, kailangan ko sigurong i-overcome kasi ‘yung anak ko, malaki na siya. Ayoko naman na nasa bahay lang siya. Gusto ko rin naman na ma-experience niya ang totoong buhay sa labas.” 

Aminado naman si Marian hindi pa rin naman daw niya alam ang mararamdaman kapag iniwan na nga ang anak sa school dahil dati raw, may plus one or chaperone na ina-allow. 

Noong magkaroon ng kasagsagan ng omicron variant sa bansa, isa ang pamilya nina Marian at Dingdong, kabilang ang dalawang anak na sina Zia at Sixto na nag-positibo sa COVID-19. 

Sinasabi na kapag nagka-COVID na, may immunity na raw ang katawan. 

“Harinawa, sana…” umaasang usal ng celebrity mom. “Kasi, may mga kilala ako na nagkaroon, pero still nagkaroon pa rin. Sana sa case namin, e, plus-plus na immunity.” 

Isa si Marian sa talagang sobrang naging maingat na lumabas ng bahay mula nang magkaroon ng pandemic. Kaya marami ang nagulat nang magpakita siya sa naging face-to-face contract signing niya with Kamiseta Skin. 

“Bukod sa s’yempre, nakapagpa-booster [shot] at nagkaroon din kami [ng Covid], mababa na ang cases, wala na tayong nababalitang namamatay at si Miss Cris [Roque of Kamiseta], ini-assure niya... binigyan niya ’ko ng assurance na safe kapag nagpunta ako,” sey niya. 

Pero hinay-hinay pa rin naman daw siya paglabas.

“Meron pa rin s’yempreng work sa bahay at hindi mawawala ’yon. May mga endorsements na gusto nila, gano’n pa rin.” 

Pero ang sigurado nga ay ang sitcom na pagsasamahan nila ni Dingdong. 

“Tapos na ’yung script niya, finalizing the cast and then finalizing the dates. But may mga dates na kami. Reading and then after the reading, ready to roll,” nakangiting sabi niya. 

Sa tanong kung sa teleserye ay handa na rin ba siyang sumabak?

“Kaya nga sabi ko ayokong magsalita ng tapos. Baka naman in time na p’wede na ‘kong mag-soap-opera, medyo maluwag na. ‘Yung mga lock-in, hindi na gano’n katagal like one month, baka naman week a na lang, days na lang.” 

May bali-balita rin na magsasama daw sila ni John Lloyd Cruz sa isang show. 

“DongYan muna tayo, DongYan muna,” nakangiting sabi niya. 

What about guesting sa sitcom ni John Lloyd sa GMA-7?

“Priority ko si Dong,” nakangiti pa ring pagtutuldok niya sa topic.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.