Nagbabalik-showbiz na si Michelle Aldana, na-excite apihin si Jean Garcia; “It's an honor na masasampal at masasabunutan ko si Ms. Jean.”

Dahil kontrabida si Michelle Aldana sa Nakarehas Na Puso, siya ang mang-aapi at mananakit kay Jean Garcia na kilala sa showbiz na isa sa mahuhusay na kontrabida. "It was really terrifying for me, ’yun ang word, kasi natakot ako. Hindi pa ako nakipagsampalan nang ganyan. "The last time yata na nakipagsampalan ako was with Miss Sharon Cuneta [sa movie na Wala Nang Iibigin Pang Iba]. Itong si Miss Jean, e, pinapanood ko nga yung Lolong at saka napanood ko siya dati as Madam Claudia [Buenavista sa teleserye na Pangako Sa 'Yo]. So, may kaba, pero napaka-supportive talaga niya.”

Photos: @therealmichellealdana

Dahil kontrabida si Michelle Aldana sa Nakarehas Na Puso, siya ang mang-aapi at mananakit kay Jean Garcia na kilala sa showbiz na isa sa mahuhusay na kontrabida. "It was really terrifying for me, ’yun ang word, kasi natakot ako. Hindi pa ako nakipagsampalan nang ganyan. "The last time yata na nakipagsampalan ako was with Miss Sharon Cuneta [sa movie na Wala Nang Iibigin Pang Iba]. Itong si Miss Jean, e, pinapanood ko nga yung Lolong at saka napanood ko siya dati as Madam Claudia [Buenavista sa teleserye na Pangako Sa 'Yo]. So, may kaba, pero napaka-supportive talaga niya.”

Maganda ang showbiz comeback ng former beauty queen-actress na si Michelle Aldana after 24 years.  

Si Michelle ay gaganap na Doris, ang babaeng sisira sa isang masayang pamilya sa bagong GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso kunsaan kasama niya sina Jean Garcia at Leandro Baldemor.

Ang unang offer ng GMA kay Michelle ay ang teleserye na Love You Stranger.

"'Yung character na binigay sa akin sa Love You Stranger, I was really, really looking forward to doing it, tapos hindi nga natuloy. Then they offered me this one [Nakarehas Na Puso], and it's such a big role na kontrabida. I've never done kontrabida before. So it's a chance for me na masubukan ito.

"So, I said to myself, this is a big opportunity and a learning phase for me. Anything, any kind of project where I learn things is quite good to me.

“Marami naman mga project na ipinapasok dati pa, pero nang ibigay sa akin ito, nabasa ko ’yung synopsis. Nakita ko ’yung role. Sabi ko, ito na talaga. It’s very challenging kasi hindi pa ako nakaarte ng isang kontrabida na sobrang kontrabida, and this is my first teleserye.

“Noong umalis ako in 1998, telemovies pa lang. Tapos ito, ang haba. Makikita mo talaga ang back story ng bawat karakter. So, sabi ko, gusto ko ito. Maganda ito, subukan na natin," pahayag ni Michelle.

Nabanggit din ng 41-year old beauty queen-actress na nasa tamang edad na raw ang mga anak niya at panahon na para mag-explore ulit siya ng bago sa kanyang sarili.

"Malalaki na rin ’yung mga anak ko. Pupuwede na akong magpabalik-balik dito sa Pilipinas. Meron talagang time sa lahat at ito na siguro ang oras.

“Kung tuluy-tuloy na ba ito? Well, I look back kasi kailangan naman natin makita ’yung history para matuto tayo, pero I always take one step forward at nakatingin ako sa hakbang ko. Sa present moment muna ako. Titingnan ko muna at ini-enjoy ko. We’re still taping. Marami akong natututunan.

"I don't want to jump the gun. Let's see what happens after this, and then we'll see from there."

Dahil kontrabida si Michelle sa teleserye, siya ang mang-aapi at mananakit kay Jean na kilala sa showbiz na isa sa mahuhusay na kontrabida. 

"It's an honor na masasampal at masasabunutan ko si Ms. Jean. It was really terrifying for me! 

"It was really terrifying for me, ’yun ang word, kasi natakot ako. Hindi pa ako nakipagsampalan nang ganyan.

"The last time yata na nakipagsampalan ako was with Miss Sharon Cuneta [sa movie na Wala Nang Iibigin Pang Iba]. Itong si Miss Jean, e, pinapanood ko nga yung Lolong at saka napanood ko siya dati as Madam Claudia [Buenavista sa teleserye na Pangako Sa 'Yo]. So, may kaba, pero as I’ve said, napaka-supportive talaga niya.

“Tinuruan niya ako kung papaano kami hindi magkakasakitan at kung papaano namin madadaya sa kamera. So, I’m really really grateful kasi talagang I feel I’m in safe hands kay Jean."

Hindi nga raw nahihiyang magpakilala si Michelle sa mga co-stars niya sa teleserye dahil alam niyang hindi siya kilala ng mga ito.

"Since I left 24 years ago, ang dami ng bagong artista ngayon at hindi rin nila ako kilala talaga. Wala rin kasing pinapalabas na shows from the Philippines sa South Africa. So, I really have to introduce myself to them. 

"Ang nakakatuwa pa sa mga bagong artista ngayon, ang gagaling nilang umarte. Nakakahawa ang energy nila sa lock-in taping namin."

Ang iba pang kasama ni Michelle sa Nakarehas Na Puso ay sina Vaness Del Moral, Edgar Allan Guzman, Claire Castro, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio, Chanel Latorre, Marnie Lapuz, Analyn Barro, at Dang Cruz. 

Unang nakilala si Michelle noong manalo ito bilang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific 1993. That same year, napanalunan ni Michelle ang title na Miss Asia Pacific na ginanap ang pageant dito sa Pilipinas.

Pinasok ni Michelle ang pag-aartista pagkatapos ng kanyang reign noong 1994. Unang pelikula niya ay leading lady siya ni Da King Fernando Poe, Jr. sa pelikulang Hindi Pa Tapos Ang Laban. Noong 1996 ay nagbida siya sa pelikulang Segurista na dinirek ni Tikoy Aguiluz.

Naging contract star si Michelle ng Viva Films at lumabas siya sa mga pelikulang Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko; Ober Da Bakod: The Movie; Marami Ka Pang Bigas Na Kakainin, Ang Tipo Kong Lalake (Maginoo Pero Medyo Bastos), Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, Extranghero, Wala Nang Iibigin Pang Iba, Mauna Ka Susunod Ako, at Hawak Ko Ang Buhay Mo.

Taong 1998 nang iwan ni Michelle ang showbiz at nagpakasal ito sa kanyang German boyfriend na si Christoph Heinermann in 2001. Meron silang dalawang anak.

Sa Germany tumira ng apat na taon si Michelle bago sila lumipat ng South Africa.

Nag-divorce sina Michelle at Christoph noong 2009 at nagpakasal ulit si Michelle in 2014 sa British-South African boyfriend niyang si Edward Burke at nagkaroon sila ng isang anak.

Habang nasa South Africa si Michelle, hindi nito nalimutan ang acting at na-cast pa siya sa 2014 South African TV series titled Generations: The Legacy kunsaan gumanap siya bilang isang Chinese immigrant. Gumawa rin siya ng ilang TV commercials doon.

"Ang buhay ko sa South Africa, mostly, I ran an agency for actors and models. So, I do workshops, and I'm the director of operations, so ako rin sa operations niya. We do a lot of international films and international TV commercials. So, HBO projects, Cinemax projects. Currently, 'yung mga talents namin are shooting American Monster and Warrior," kuwento ni Michelle.

Huling pag-uwi sa Pilipinas ni Michelle ay noong 2016 nang maging host ito sa coronation night ng Miss Asia Pacific International na ginanap sa Puerto Prinsesa, Palawan.

May sariling YouTube channel si Michelle kunsaan pinapakita niya ang ilang magagandang lugar sa Pilipinas.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.