Nanay ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco, nakaka-relate daw sa nararamdamang sakit ng Mommy Divine ni Sarah Geronimo

PHOTOS: Pempengco Relucio Racky & Sarah Geronimo Facebook Page

PHOTOS: Pempengco Relucio Racky & Sarah Geronimo Facebook Page

Isa rin pala sa mga sumubaybay sa mga balita tungkol sa kasalang Matteo Guidicell at Sarah Geronimo ang nanay ng international singer na si Jake Zyrus na si Raquel Pempengco.

Ngayong araw, February 28, nai-share ni Mommy Raquel sa kanyang Facebook account ang kanyang sentiments sa mga panyayari na waring indirectly ay inire-relate niya sa nagaganap din sa kanila ng estranged child niyang si Jake.

May pagkaka-hawig kasi ang ilang bahagi ng buhay nilang mag-ina sa sinapit ng relasyong Sarah at Divine Geronimo.

Kapwa singers sina Jake (dating Charice Pempengco) na nakilala sa pagsali-sali sa mga singing contests. Kapwa umangat sa buhay dahil sa gabay ng magulang. At kapwa din nailayo ng kapalaran sa kani-kanilang ina dahil sa pag-ibig.

Ani Mommy Raquel sa kanyang post, masaya siya sa bagong yugto ng buhay ni Sarah pero, bilang isang ina, ramdam din daw n'ya ang pinagdadaan ngayon ng nanay nito na si Mommy Divine.

"Happy ako kasi nahanap na ni Sarah G ang hapiness nya, yun nman ang importante," panimula ni Mommy Raquel. "In a way napakalaking sakripisyo nya na sa pamilya nya ang nakatulong ng 15 years..."

Gayunpaman, her heart goes out as well daw para sa Mommy ni Sarah.

"Pero bilang Ina napakasakit ang pinagwalang bahala ka ng isang anak.

"Sana sinabi na lang ni Sarah in a nice way na nasa tamang edad na po ako...kahit sa gusto o ayaw nio nagpapaalam lang ako bilang respeto."

Palihim na ikinasal si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli last February 20, 2020. Kasama sa pinaglihiman nila ang nanay ni Sarah na si Divine Geronimo na matagal nang tumututol sa pagmamahalang AshMatt. Sumugod at nagwala si Mommy Divine sa pinagdadausang ng wedding reception, kung saan na-akusahan pang nanuntok ang mister ni Sarah’ng si Matteo.

Matatandaang madalas ding magka-sigalot sa pagitan ni Mommy Raquel at ng anak n'yang si Jake Zyrus. At kabilang sa mga naging issue na nila ay pera at mga masasakit na akusasyon laban sa isa’t isa. Halimbawa ay ang paninirang-puri umano ni Jake sa sariling ina sa programan Maalaala Mo Kaya na ipinilabas noong January 2018 kung saan tila lumabas na abusado ang si Mommy racquel sa kanyang anak.

"Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Mommy Devine," dagdag pa ni Mommy Raquel.

"Bilang isang ‘anak’ nagrebelde din ako... Bilang isang ‘ina’ nasasaktan din ako.”

Tinapos n'ya ang kanyang sentimental Facebook post with: #justsaying at #respect.

 

Happy ako kasi nahanap na ni Sarah G ang hapiness nya, yun nman ang importante. In a way napakalaking sakripisyo nya na...

Posted by Pempengco Relucio Racky on Thursday, February 27, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.