Nanay Rosario ni Vice Ganda, gusto ng apong “tagapag-mana” mula sa kanya at ang wish nitong surrogate mom ay si Kaye Abad!

PHOTO: Vice Ganda on YouTube; INSET: @kaye_abad on Instagram

PHOTO: Vice Ganda on YouTube; INSET: @kaye_abad on Instagram

Anak daw na magiging tagapagmana ang hiling ni Nanay Rosario Viceral para sa anak n’yang komedyante na si Vice Ganda

Sa second part kasi ng vlog entry ni Vice na in-upload sa YouTube last March 14—kung saan naka-tsikahan ng It’s Showtime co-host ang nanay n’ya habang nagluluto sila ng spaghetti—ay marami silang na-cover na topic, kabilang na nga ang hiling ni Nanay Rosario na apo mula kay Vice. 

Unang itinanong ng komedyante sa ina ay kung nalungkot ba ito noong hindi n’ya itinuloy ang pag-aaral ng law noon. Iyon daw kasi ang pangarap nito noon para sa kanya. 

’Di ba, sabi mo dati nakikita mo ako na parang magiging abogado ako? So, nu’ng hindi ako naging abogado nalungkot ka ba?” tanong ni Vice sa ina.

Medyo nalungkot kasi almost patapos ka na, anak, e. Hindi mo pa tinapos,” sagot sa kanya ng kanyang nanay. “Ikaw pa naman ang pinakamatalino. May scholarship ka...kaya sayang.

Sayang?” singit ni Vice sa ina. 

Sabi mo babalik ka [sa school]. Hindi ka naman bumalik. Sabi mo, ‘Bata pa ako, ‘nay!’ Babalik ako,’” pagpapa-alala pa ni Nanay Rosario sa ipinangako ni Vice.

Sey naman ni Vice, baka hindi daw nila naranasang magkaroon nang magandang bahay kung hindi n’ya iniwan ang pag-aaral para magtrabaho sa mga comedy bars and later on ay pasukin ang showbiz. 

‘Nay, sa palagay mo kung bumalik ako, may ganito tayong bahay ngayon?” natatawang tanong n’ya sa ina. 

Sinang-ayunan naman ito ng nanay n’ya at sinabing, “‘Yon nga lang, hindi ako naglululundag, hindi ako nagtatatawa o ano.”

Hindi man daw s’ya expressive ay proud daw s’ya sa na-achieve ng kanyang bunsong anak kahit malayo ito sa pinangarap n’ya para dito noon. 

“Silent lang ako but within my heart nagdadasal ako, anak,” lahad ni Nanay Rosario. “Nagpi-praise ako [sa D’yos] na kahit hindi ganu’n ang in-expect ko sa aking anak, naging maganda ang tinahak n’ya, ang gusto n’yang maging… Puro pasasalamat, anak, kasi nakita ko naman.

Dagdag pa n’ya, hindi daw s’ya makapaniwala noon na naging artista si Vice. Nagtatrabaho kasi s’ya sa US noon nang magbukas ang mundo ng showbiz sa komedyante. 

Hindi naman ako naniniwala na artista ka dahil ako naman nu’n hindi naman ako mapanood ng TV sa Amerika,” sey pa n’ya. 

Bira naman ni Vice sa kanya, “At tsaka hindi ka naman mukhang artista nu’n kaya hindi mo in-expect na magiging artista din ako.

Natawa sila pareho sa joke niya. 

Pero naging artista ka din naman, ‘di ba?” pagbibiro pa ni Vice sa ina. “Kalaban ka nga lang ni Batman pero at least sikat ka naman.

Hanggang sa naging seryoso na ang kanilang usapan.

“Proud ka naman sa mga naging desisyon ko sa buhay, nanay?” tanong pa ng comedian-TV host.

“Proud ako kasi ‘yon naman ang pangako mo sa akin na, ‘Nay, minsan lang kumatok ang kapalaran.’ Kaya [pinili] mo na, nand’yan na ‘yong trabaho,” sagot naman sa kanya ni Nanay Rosario.

Muli na namang silang nauwi sa katatawanan nang pabirong nagtanong si Vice. 

Kung nagpa-pekpek ako, anong gagawin mo?” pambasag n’yang tanong sa ina. 

Sagot naman nito sa kanya, “E kahit na ayaw ko, anak, kung gusto mo, anong magagawa ko? Katawan mo ‘yan.

Pero dito [sa leeg] ko ipalalagay, okey lang sa inyo?” pagpapatuloy na joke ni Vice. 

Saglit namang natahimik ang nanay n’ya at sinabing, “Sa leeg? E di unique?”

At sa puntong ito na itinanong ni Vice sa kanyang ina kung gusto ba nito na magkaroon ng apo mula sa kanya. 

‘Yong totoo, gusto n’yo magkaroon ng apo sa akin?” tanong ng Viva artist.

Sey naman ni Nanay Rosario, gusto daw sana n’ya ng magiging tagapagmana ni Vice lalo pa’t malaki ang naipundar n’ya. 

Gusto ko nga, anak, kasi iniisip ko sayang itong mga ipinundar mo, anak, na walang magmamana,” pagtatapat ng nanay n’ya.  

Tagapagmana talaga ang iniisip mo?” natatawang balik naman sa kanya ni Vice. 

Oo. Ay kanino mapupunta ito?” saad nito sa kanya. “Kami nama’y patanda na. Maliban du’n sa dalawang pamangkin mo… Pero iba talaga, anak, ‘yong may sarili ka [na supling].”

Naihalimbawa pa nito ang businessman at tinaguriang “Lord of Scent” na si Joel Cruz na may walong surrogate children.

Kaya nga… Si Joel Cruz ba ‘yon?” dugtong pa ni Nanay Rosario. “Nu’ng nabalitaan ko, sabi ko, ‘Ay naku. Sana si Tutoy [nickname ni Vice] ganito din. Ang ku-cute ng mga anak.’

At bilang katuwaan, natanong ni Vice ang kanyang ina kung sino sa mga artista ang gusto nitong maging nanay kunwari ng kanyang magiging anak.

Kunwari may isang artistang babae na mabubuntis ko… Ay nakakadiri ‘yong thought,” napaiwing sey ni Vice. “Sino ‘yong artistang gusto mong [maging nanay ng anak ko]? Ano lang ‘to ha, tsikahan purposes lang naman.

Tugon nito sa kanya, “[Anong] pangalan nu’ng artista? ‘Yong simpleng-simple lang s’ya na gusto mo din nu’ng araw?” 

Kaye Abad?” ani Vice. 

Oo, si Kaye Abad,” sagot ni Nanay Rosario. 

“Kaye Abad, alam mo na. Beke nemen p’wede nating pagbigyan ang nanay ko. Charot lang!” pabirong pagtatapos ni Vice.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda learns about BTS belatedly and gets hooked instantly

Ion Perez slams critics saying he is likely to cheat on Vice Ganda, says he also hurts for his mom being called “mukhang pera”

Regine Velasquez surprises Vice Ganda, other It’s Showtime hosts as participant in ‘Hide and Sing’ segment

Vice Ganda, nanibago sa kanyang Pasko na walang MMFF entry

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.