Nathalie Hart at Ella Cruz, kapwa na-trauma matapos manakawan

PHOTOS: @iamnathaliehart & @ellacruz on Instagram

PHOTOS: @iamnathaliehart & @ellacruz on Instagram

Nakaranas daw ng trauma ang mga aktres na sila Nathalie Hart at Ella Cruz nang minsang silang manakawan sa magkahiwalay na insidente.

Ito ang ikinuwento nila Nat (nickame ni Nathalie) at Ella sa virtual media conference kahapon, January 20, ng pelikula nilang umiikot ang story sa nakawan, ang STEAL under Viva Films and Bluart Production.

Dito ay natanong sila ng entertainment press kung naranasan na ba nilang manakawan in real life. At dahil doon ay napa-throwback ang dalawa. 

Hindi man n'ya tinukoy kung kailan eksaktong nangyari ang incident pero ayon sa kwento ni Nathalie, naganap daw iyon nu'ng umuwi s'ya sa bansa mula India, kung saan saglit siyang nanirahan kasama ang estranged na niya ngayong partner at ama ng kanyang anak.

"'Yong sa 'kin kasi, pagbalik ko ng Pilipinas, kakabalik ko pa lang nu'n, I didn't have support system so I hired two people na hindi ko talaga sila kakilala," pagre-recall n'ya. "I hired them from the agency.  Tapos nagulat na lang ako nawalan na ako ng Rolex watch."

Hinala ng sexy drama actress, isa sa dalawa n'yang kasambahay ang posibleng tumangay ng mamahaling relo. 

Kaya naman ngayon, natuto na daw s'ya at nagpakabit na ng CCTV camera sa bahay nila para namo-monitor n'ya ang mga nangyayari.

 "Parang sa akin lang, nawala na, e. So, ano’ng magagawa ko? Ang sabi ko na lang, next time hindi na ako mawawalan. Ang ginawa ko na lang ngayon, meron na akong camera," pagbabahagi pa ng aktres. 

"I understand that people would not like my system of work. Pero now whatever I do with my life kailangan may camera so that's how it is.

"Kasi para sa'kin...I mean, I trust those people pero gusto ko pa rin na merong camera. So 'yon na 'yong ginagawa ko ngayon. Talagang may ebidensya."

Kay Ella Cruz naman, bagama't hindi n'ya idinetalye kung saan at kailan, hindi daw n'ya inaasahan na mawawalan s'ya ng pera sa set habang nagti-taping. 

"Minsan kasi 'pag nagte-taping, ako 'yong nagda-drive," panimula ng actress-dancer. "And meron ka 'di ba isang bag na laging dala? Usually, ang ginagawa ko, 'yong wallet ko iniiwan ko palagi sa car ko. And s'yempre, kapag nagti-take ka [ng eksena] iniiwan mo lahat ng gamit mo sa tent, hindi mo nakikita, doon sa standby area."

Dahil kampante, umorder pa daw ng pagkain si Ella para sa mga kasamahan sa taping only to find out na wala na pala s'yang pambayad. 

"So ang nangyari, first time ko ata na hindi ko nalagay 'yong wallet ko sa car, tapos nu'ng magbabayad na ako, kasi I bought food for everyone, magbabayad na ako [tapos] wala akong pera."

Naging lesson na daw ang insidente na 'yon sa Viva artist na huwag nang mag-iwan ng valuable things sa set.

"Parang dati sobrang comfortable ako na walang magnanakaw sa set, kahit anong set pa 'yan.  So ngayon, talagang medyo takot na ako. Ayaw ko nang nag-iiwan ng importanteng gamit sa set lalo na kapag bago lang o may mga hindi ka pa talaga kilala," lahad n'ya. 

Mabuti na lang daw ay hindi ganu'n kalaking halaga ang natangay sa kanya. 

Anyway, maliban kina Nathalie at Ella, bibida rin kasama nila sina Meg Imperial at Jennifer Lee, at marami pang iba, sa pelikulang STEAL na kinunan pa sa Japan.

Mapapanood ang Viva-produced film na STEAL, directed by Bona Fajardo, in cinemas starting tomorrow, January 22.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil hiwalay na sa Indian bf, Nathalie Hart, ready na ba sa panibagong lovelife? “Naghiwalay kayo, tapos may ginagawa ka na at naglalandi? Hindi tama 'yon."

Nathalie Hart, excited makatrabaho ang childhood idol na si Andrew E. sa pelikula

Ella Cruz at Julian Trono, may rule na bawal matulog hangga't hindi nare-resolve ang tampuhan

EXCLUSIVE! This is Showbiz (#15) Ella Cruz, nagkwento ng mga struggles ni Julian Trono para “mapa-oo” ang parents niya

 

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.