Neri Miranda, nag-offer na sasagutin ang gastos at reception venue ng viral newlyweds na na-scam sa Cebu

Bukod sa reception venue at pagkain, tinodo na ni Neri Miranda ang pagtulong sa na-scam na newlyweds ng Cebu. “Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo.”

PHOTOS: @mrsnerimiranda on Instagram

Bukod sa reception venue at pagkain, tinodo na ni Neri Miranda ang pagtulong sa na-scam na newlyweds ng Cebu. “Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo.”

Trending ngayon sa social media ang actress-entrepreneur na si Neri Miranda dahil sa pagmamagandang-loob niya sa na-scam na newlywed couple ng Minglanilla, Cebu. 

Isa kasing video ng umiiyak na bride ang nag-viral last Wednesday, September 22, matapos malamang na-scam umano sila ng nakuha nilang wedding coordinator. 

 
Newlyweds in Cebu find out about scam on wedding day

BAGONG KASAL, WALANG WEDDING RECEPTION DAHIL SA UMANO'Y SCAM Napahagulgol ang isang bride sa Minglanilla, Cebu dahil walang reception venue at walang pagkain para sa kanilang mga bisita pagkatapos ng kasal. Ito'y matapos nilang magbayad ng P65,000 sa wedding planner. BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/804425/newlyweds-in-cebu-find-out-their-were-scammed-on-wedding-day/story/ Video:Tonskie Elsisura Photography

Posted by GMA News on Thursday, September 23, 2021

Ayon sa mga lumabas na report, dumiretso daw ang bagong kasal na sina Cherry Pie Purisima at Arniel Satingasin, and their guests sa venue ng reception after ng wedding ceremony.

Doon nila nalaman na wala palang na naka-book na event sa lugar at wala ring nakahandang pagkain. 

Doon na rin napahagulgol ang bride habang nasa sidewalk kung saan s'ya nakunan ng video. 

Nagbayad daw kasi sila ng kanyang mister ng Php65,000 para sa wedding package kung saan kasama na daw ang reception arrangements pero wala pala silang madaratnang reception.

To the rescue naman dito ang misis ni Chito Miranda na naantig ang puso sa nag-viral na video ng bride. 

“Just saw this sa Facebook. Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress,” panimula ni Neri sa kanyang Facebook post kagabi, September 23, kalakip ang screenshot ng balita tungkol sa umiiyak na bride. 

Dito na s’ya nagpahayag ng pagtulong para mabigyan nang maayos na reception ang bagong kasal. In-offer niyang venue ang branch ng restaurant nila sa Cebu.

“Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner Jonah Cañedo Bautista. Kami na bahala sa reception niya,” pahayag n’ya. 

“Malapit lang naman ang Jeju Samgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu.”

At hindi lang venue at pagkain ang pledge ni Neri, tinodo na niya.

“Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo,” dagdag pa n’ya. “May pabaon kaming TERRA accessories VERY NERI beddings VERY NERI Sleepwear gift from Saturday Dress para sa bride.”

Idiniin niyang libre ang lahat at hindi na kailangang magbayad ng mag-asawa. 

“Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo,” saad pa n’ya.

“Pahabol pala! Nagmessage sa akin ang may ari ng Skin Magical at Teatalk na si Ate Ghie Pangilinan sagot na raw nya ang tokens para sa mga guests at magbibigay din siya ng cash para sa newlyweds,” pagtatapos ni Neri.

 

Just saw this sa Facebook. 😔 Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin....

Posted by Neri Miranda on Thursday, September 23, 2021

Umani ng positive reactions mula sa netizens ang pagiging bukas-palad ni Neri.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.