Newest Viva actor na si Andre Yllana, wish maka-trabaho si Bea Alonzo; aminadong crush na crush pa rin si Liza Soberano

PHOTOS: Viva, @beaalonzo & @lizasoberano on Instagram

PHOTOS: Viva, @beaalonzo & @lizasoberano on Instagram

Nagbigay ng celebrity names ang newest addition sa Viva pool of talents na si Andre Yllana sa mga gusto n’yang maka-trabaho ngayong decided na siyang mag-full blast sa showbiz. 

Kahapon, February 5, ay nagkaroon ng solo virtual press conference si Andre na inihanda para sa kanya ng Viva after n’yang mag-sign ng contract sa media and entertainment company. 

This time around, seryoso na daw ang 22-year-old son nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na sundan ang kanilang mga yapak at pasukin ang mundo ng showbiz. 

Matatandaan kasi na urong-sulong ang pagpasok noon ni Andre sa entertainment industry dahil nakatutok daw s’ya sa kanyang pag-aaral.

Handang handa na po talaga kasi patapos na rin po ako sa pag-aaral. ‘Yon lang din naman ‘yong naging hadlang dati. Kasi nahihirapan po akong pagsabayin [ang pag-aaral at pag-aartista],” paliwanag n’ya. 

Graduating na daw s’ya sa kursong Automotive Technology sa Don Bosco Technical College kaya mas mabibigyan na n’ya ng oras ang pag-aartista. 

Pa-graduate na din po ako ngayon,” pagbabahagi ni Andre. “OJT [On-the-job training] na lang din po [ang tinatapos] kaya mas sure na sure na po tayo ngayon [sa pagpasok sa showbiz].”

Dahil aware na din s’ya sa terrain ng local show business, ready na daw s’ya sa mga challenges na p’wede n’yang ma-encounter along the way. 

“Yes po, ready naman na po tayo d’yan,” lahad n’ya. “Hindi naman po lahat ng tao mapi-please natin. Meron at meron pong  magba-bash sa atin d’yan. Pero hindi naman po siguro mawawala ‘yong supporters natin. Kaya sa mga supporters po natin d’yan, sana po patuloy po nating suportahan ako.” 

Natawa naman ang binata nang matanong kung sino ba ang gusto n’yang makatrabaho sa isang project ngayong magpu-full time na s’ya sa showbiz. 

Mahirap na tanong ‘yan, a,” natatawang sagot ng car racer and digital content creator. “Siguro po ‘yong ka-age ko, si Yllona po. Gusto ko pong maka-work si Yllona.”

Si Yllona Garcia ay ang Filipino-Australian singer and actress na nakilala sa showbiz matapos mapasama sa Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother noong 2015. 

S’yempre, kung mga beteranong aktor daw ang pag-uusapan, nangunguna sa kanyang listahan ang kanyang Mommy Aiko at Daddy Jomari, as well as the award-winning actress Bea Alonzo

Sa mga beterano po gusto ko talaga [makatrabaho] si Mommy o kaya si Daddy. Siguro po si Ms. Bea Alonzo [din] po.” 

Very vocal naman ang newest actor ng Viva, na single daw at the moment, sa kung sino ang kanyang celebrity crush. 

Ang pinaka-crush ko pa rin si Liza Soberano,” pahayag n’ya. 

Open din daw s’ya sa pagkakaroon ng ka-love team o kahit na maging third party ng isang love team kung saan n’ya maipapakita ang kanyang talent. 

At kung may hinahangaan daw s’ya ngayon sa mga aktor at gusto n’yang mai-pattern din ang magiging takbo ng kanyang showbiz career, iyon ay si Kapamilya actor Daniel Padilla.

Si DJ po, si Daniel. Isa po ‘yon sa pinaka-hinahangan ko ngayon,” sey ni Andre. 

Sa ngayon, abangan daw ang mga projects na gagawin n’ya with Viva at kabilang na nga dito ang isang teleserye. 

Congratulations, Andre.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Focus | Claudia Barretto aims to express herself even more with new opportunities under Viva

Pika's Pick: Abellana brothers Rey PJ and Jojo sign up with Viva Artists Agency

Daryl Ong plans to make original songs and become a record producer under Viva Records

Pop rock band True Faith re-signs with Viva Records

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.