Newest Viva love team na sina Andre Yllana and Ashley Diaz, gustong sundan ang yapak ng KathNiel—on and off-cam

Kapwa anak ng mga bigating showbiz personalities  ang dalawa. Andre is the 23-year-old son of former couple Jomari Yllana and Aiko Melendez; habang si Ashley naman ay daughter ni action star Joko Diaz at apo ng late movie icon na si Pacquito Diaz.

PHOTOS: @andreyllana & @_ashleydiaz on Instagram INSET: @kathniellifetime on Instagram

Kapwa anak ng mga bigating showbiz personalities ang dalawa. Andre is the 23-year-old son of former couple Jomari Yllana and Aiko Melendez; habang si Ashley naman ay daughter ni action star Joko Diaz at apo ng late movie icon na si Pacquito Diaz.

Bukas daw sa posibilidad na magka-in love-an ang mga young stars na sina Andre Yllana at Ashley Diaz na siyang pinagtatambal ngayon ng Viva.

Ito ang sinabi ng dalawang newbie Viva stars nang sabay silang humarap sa entertainment press sa ginanap na virtual media conference nila kahapon, September 27, bilang pagpapakilala sa kanilang tambalan.

Kapwa anak ng mga bigating showbiz personalities ang dalawa. Andre is the 23-year-old son of former couple Jomari Yllana and Aiko Melendez; habang si Ashley naman ay daughter ni action star Joko Diaz at apo ng late movie icon na si Pacquito Diaz.

Ngayong magka-love team na sila ay nausisa ng press sina Andre at Ashley kung gaano na ba sila ka-close sa isa’t isa.  

“We’re good friends naman po and from time to time nag-uusap naman po kami, mga catch up sa anumang nangyayari sa buhay,” kaswal na lahat ng binata ni Aiko na si Andre.

“So, I could say naman na… close naman tayo, ’di ba?” baling n’ya sa katabing si Ashley with matching pasimpleng siko dito.

Pagsang-ayon naman ng 17-year-old actress: “Close naman po [kami]. And given nga po ’yong lock-in taping po, madami pong time na we spent together. So, we really got the chance to get to know each other po.

Sina Andre at Ashley ay kasama sa cast ng Di Na Muli nina Julia Barretto at Marco Gumabao na napapanood tuwing Sabado sa TV5.

Natanong din ang dalawa kung sinong magka-love team ba ang hinahangaan nila at gusto nilang sundan ang yapak sa tatahakin nilang career together. 

Sabay nilang sagot: “KathNiel [Kathryn Bernardo and Daniel Padilla] po.”

Nakaka-inspire daw kasi ang pagiging solid ng tandem ng dalawang prized Kapamilya actors and lovers who just celebrated their 10th anniversary as on-screen partners last September 25.

“For me po kasi, parang very inspiring po silang dalawa. Nu’ng bata pa po sila until now buo pa rin po. Tapos ang galing po nilang mag-act,” saad ni Ashley. 

Saka ang cute po kasi nila sa camera,” dugtong naman ni Andre. 

At dahil alam naman ng lahat na reel and real-life sweethearts sina Kathryn at Daniel, natanong tuloy sina Andre at Ashley kung may chance ba na maging sila din sa totoong buhay gaya ng KathNiel love team.

Confident na sagot ni Andre sa press, “Bakit hindi po, ’di ba?

Sey naman ni Ashley, “Siguro po with the right effort [mula kay Andre].”

Subaybayan ang pagpapakilig nina Andre at Ashley sa weekly romance drama na Di Na Muli, tuwing Sabado ng gabi (8PM) sa TV5.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.