Masaya ang celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil finally ay officially married na sila.
Sinabi ’yan ng aktres nang kumustahin sila ni GMA reporter Aubrey Carampel in a virtual interview na ipinalabas kagabi, November 4, sa 24 Oras.
Natupad daw kasi ang dream wedding nila last October 23 sa San Juan, Batangas kahit may last minute sa pagbabago ng venue at habang may umiiral pang pandemya.
“Happy kami na we’re finally married. May blessing na kami formally sa harap ng altar,” pahayag ni Carla na nagawa pang paiyakin ang kanyang mister noong araw mismo ng kanilang kasal.
S’ya kasi ang pasimuno ng paglalagay ng favorite cowboy hat ng late father ni Tom sa tabi ng p’westo ng mommy nito during the wedding ceremony, maging ang pag incorporate ng old recorded video ng daddy nito na kumakanta na s’yang ginamit nila sa kanilang first dance as husband and wife.
“Kumbaga, in a way, gusto ko pa rin maging part ’yong dad n’ya ng wedding because, of course, it’s Tom’s most special day also. So, sabi ko, kailangan nandu’n din s’ya, kailangang nandu’n din ’yong dad n’ya,” paliwanag ni Carla.
“I just wanted him in a way to be happy and to feel na he [Tom’s late dad] was there. And naniniwala naman kami na nandu’n talaga s’ya.”
At dahil napag-usapan na naman ang surprise ng kanyang misis, hindi napigilang mapaluha ni Tom gaya ng nangyari sa araw ng kanilang kasal.
“Nati-teary eyed s’ya ulit. Hahaha!” sabi ni Carla.
Pabirong palusot naman ni Tom: “May nag-a-ano yata ng sibuyas dito… ’Yong mga aso dito nagluluto ata.”
“May nagsa-slice ng onions. Naluluha na naman s’ya,” natatawang sakay pa ni Carla sa kanyang mister.
Isa pa sa napag-usapan nila ay ang nakaantig na wedding vows ng TomCar couple na isinulat pala nila few minutes bago magsimula ang wedding ceremony.
“Hindi halatang last minute ginawa. Hahaha! Yes, very much last minute,” natatawang pag-amin ni Carla.
“Nagsusulat pa ako papunta [sa simbahan]. S’ya [Carla] din papunta sa church [habang nagsusulat],” nakangiting dagdag pa ni Tom.
Ngayong kasal na, magpo-focus na daw sila sa kanilang married life.
“Hindi wedding ’yong end goal, hindi ’yon ang finish line. It’s actually the start of another race,” paliwanag pa ni Tom.
“Sabi ko nga, I’ve been looking forward to the marriage not the wedding. Kasi sakit sa ulo. Kaya sabi ko, ‘Please, Mama [Carla], we have to make this work kasi…’”
“Ayoko nang ikasal ulit,” sabay na sambit nang natatawang mag-asawa.
At dahil may mga commitment pa sila, sa susunod na taon na lang daw sila magta-travel para sa kanilang honeymoon.
Kailan naman kaya nila balak magkaroon ng anak?
“We honestly don’t want to delay. ’Di ba? We don’t want to delay anymore,” sagot ni Carla.
Hirit naman ni Tom sa sinabi ng kanyang misis, “Akala ko… Kinakabahan ako sa isasagot mo, e.”
“Hindi, kasi isa din ’yon sa reasons talaga kung ba’t gusto na rin namin magpakasal,” dugtong ng aktres.
Matatandaan nga during virtual media conference para sa season break ng The World Between Us last August, sinabi ni Tom na napapayag n’ya si Carla na magka-baby agad sila pagkatapos nilang maikasal.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber