Ngayong mga tatay na, StarStruck alumni na sina Mark Herras at Mike Tan both realize na “’Yong pagiging parent 24/7...Hindi s’ya humihinto.”

Parehong tatay na nga ang StarStruck Season 1 and Season 2 ultimate survivors na sina Mark Herras and Mike Tan respectively. May Baby Corky na si Mark at wife n’yang si Nicole Donesa; habang may two daughters na—namely Tori and Priscilla—si Mike at ang non-showbiz wife n’ya. Kaya maliban sa pagiging mga inspirado sa pagtatrabaho, nakatuon na rin daw ang priority nila sa pag-aalaga ng kanilang anak during their free time.  “Ang laki…ang laki ng binago sa buhay kasi kung before nagtatrabaho kami, after that, relax, pahinga, chill...Ngayon talaga, after work, gusto naming umuwi ni Mike hindi para mag-relax [kundi], para bumalik du’n sa dati naming ginagawa which is alagaan ’yong mga anak namin,” natatawang pag-amin ni Mark.

PHOTOS: @herrasmarkangeloofficial & @imiketan on Instagram

Parehong tatay na nga ang StarStruck Season 1 and Season 2 ultimate survivors na sina Mark Herras and Mike Tan respectively. May Baby Corky na si Mark at wife n’yang si Nicole Donesa; habang may two daughters na—namely Tori and Priscilla—si Mike at ang non-showbiz wife n’ya. Kaya maliban sa pagiging mga inspirado sa pagtatrabaho, nakatuon na rin daw ang priority nila sa pag-aalaga ng kanilang anak during their free time. “Ang laki…ang laki ng binago sa buhay kasi kung before nagtatrabaho kami, after that, relax, pahinga, chill...Ngayon talaga, after work, gusto naming umuwi ni Mike hindi para mag-relax [kundi], para bumalik du’n sa dati naming ginagawa which is alagaan ’yong mga anak namin,” natatawang pag-amin ni Mark.

Malaki daw ang ipinag-iba ng mga pananaw sa buhay ng mga Kapuso actors na sina Mark Herras at Mike Tan ngayong mga ganap na silang ama ng tahanan. Ito ang ibinahagi ng celebrity daddies sa virtual media conference ng upcoming soap opera nilang Artikulo 247 last March 1.

Parehong tatay na nga kasi ang StarStruck Season 1 and Season 2 ultimate survivors. May Baby Corky na si Mark at wife n’yang si Nicole Donesa; habang may two daughters na—namely Tori and Priscilla—si Mike at ang non-showbiz wife n’ya.

Unang-una siguro towards work, feeling ko parehas kami ni Mike, iba na ’yong mindset namin pag dating sa trabaho,” panimulang k’wento ni Mark.

Mas seryoso na daw sila ngayon sa kanilang work bilang artista dahil iba daw ang inspirasyon na nakukuha nila sa kani-kanilang anak. 

Siguro masasabi ko na mas nag-seryoso kami. Legit na mas nag-seryoso kami this time. Kasi s’yempre, iba ’yong inspiration namin ngayon. Iba kasi ’yong dating ng mga bata. Iba ’yong binibigay sa aming saya,” diin n’ya.

Bukod pa doon, purisgido daw silang magtrabaho  dahil gusto din daw nilang maging good provider at maging good example na rin para sa mga bata. 

Gusto naming magtrabaho for them not just to provide but basically, maging magandang ehemplo someday for them,” sey pa ni Mark.

Maliban sa pagiging mga inspirado sa pagtatrabaho, nakatuon na rin daw ang priority nila sa pag-aalaga ng kanilang anak during their free time. 

Ang laki…ang laki ng binago sa buhay kasi kung before nagtatrabaho kami, after that, relax, pahinga, chill...Ngayon talaga, after work, gusto naming umuwi ni Mike hindi para mag-relax [kundi], para bumalik du’n sa dati naming ginagawa which is alagaan ’yong mga anak namin,” natatawang pag-amin ni Mark na ikinatawa na rin ni Mike. 

“It’s really different. Parang part of my life ngayon talagang masaya. Masaya lang ’yong pakiramdam. And I’m really happy na nagagamit ko s’ya sa trabaho.

Agree naman si Mike sa mga inilahad ng co-actor n’yang si Mark lalo na sa huling sinabi nito tungkol sa pag-aalaga ng anak kapag tapos ang trabaho.

“’Di ba, nagtatrabaho ka, galing kang taping tapos uuwi ka para magpahinga—dati. Ngayon, hindi. Uuwi ka para gawin mo uli ’yong normal mong ginagawa,” pagbabahagi ni Mike.

Mag-aalaga ka ng bata. Bukod sa pag-aalaga sa bata kailangan mong maging asawa doon sa asawa mo,” dagdag pa niya.

“So, kung sa tingin ng iba nakakapagod ’yong trabaho namin, kapag uwi sa bahay, mas nakakapagod minsan,” natatawang sabi n’ya na ikinatawa na rin ni Mark sa kabilang linya ng Zoom. “Ganu’n ’yong nangyayari kasi non-stop ’yon, e.

Singit naman ni Mark: “Kasi sa taping, may rest day, e.

Oo. Sa bahay wala, walang rest day. So ’yon nga, ’yong mindset nababago talaga,” pagsang-ayong muli ni Mike. “Ako naman, never ko naman tineyk for granted ang trabaho ko. Siguro nu’ng mga 18 years old ako, baka ’yon. Pero nu’ng nag-mature ako hindi na.

Kung meron man daw kinatatakutan si Mike ngayon, iyon ay ang mabakante o mawalan ng work. Iyon daw ang laging nasa isip n’ya kaya pinagbubutihan n’ya ang pagtatrabaho. 

Iba na kasi ’yong fear ngayon,” pag-amin  niya. “Sa akin, ang laging mindset ko, I always need to prove myself. Kumbaga, ano ba ’yong resumé ko? Ang resumé ko lagi ’yong last show ko. Kung hindi maayos ang last show ko, may fear ako na p’wede akong matanggalan ng trabaho or hindi ako agad makakuha ng trabaho. 

Kasi andu’n ’yong fear na, ‘Kung wala ’tong job na ’to paano ako makakapag-provide sa family ko?’ Parang ganu’n ’yon.

S’yempre, gusto n’ya daw mabigyan nang maayos na buhay ang kanyang mag-iina. 

Sa mga anak ko, gusto kong makasanayan nila ’yong buhay na naibigay ko sa kanila, pati sa asawa ko. ’Yon ’yong laging umiikot sa isip ko,” aniya. 

“Aside from providing, kung ano pa ’yong moral support na maibibigay ko sa mga bata, paano mo sila mapapalaki? Ang dami mo nang iisipin. Magulo na s’ya sa isip minsan. 

Minsan gusto mong mag-relax but you don’t have time to relax kasi ’yong pagiging parent 24/7 ’yan. Hindi s’ya humihinto,” pagtatapos ni Mike.

Makasama nina Mark at Mike sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves at iba pa sa crime series na Artikulo 247 na mapapanood na simula March 7 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.