Nikko Natividad sa biro ni Wilbert Ross na huwag na siyang lumipat sa Viva: “Hindi naman kita aagawan ng trabaho. Sa ’yo na ’yang mga bed scene na ’yan.”

Nag-joke na daw dati pa si Nikko Natividad na lilipat sa s’ya sa Viva pero pabiro din s’yang dini-discourage noon ni Wilbert. “Biniro pa n’ya ako nu’ng time na sabi ko, ‘Bro, mag-Viva kaya ako.’ Sabi pa n’ya sa akin nu’ng una noong hindi pa s’ya nagbo-Boy Bastos, ‘Wag na…magbi-Viva ka pa…’ Ayaw n’ya,” pagre-recall ng aktor.

PHOTOS: @hashtag_nikko & @hashtag_wilbert on Instagram

Nag-joke na daw dati pa si Nikko Natividad na lilipat sa s’ya sa Viva pero pabiro din s’yang dini-discourage noon ni Wilbert. “Biniro pa n’ya ako nu’ng time na sabi ko, ‘Bro, mag-Viva kaya ako.’ Sabi pa n’ya sa akin nu’ng una noong hindi pa s’ya nagbo-Boy Bastos, ‘Wag na…magbi-Viva ka pa…’ Ayaw n’ya,” pagre-recall ng aktor.

Nagpapalipad-hangin na pala noon ang comedian-actor na si Nikko Natividad sa Hashtag brother n’ya na si Wilbert Ross na balak n’yang lumipat ng management sa Viva. 

Ikinuwento n’ya ito sa exclusive interview n’ya with pikapika.ph kahapon, September 8, matapos s’yang ipakilala na kabilang na sa roster ng mga artista under Viva Artist Agency. 

Nabanggit n’ya kasi sa kanyang solo virtual media conference kahapon na game at excited s’yang maka-work si Wilbert – lalo pa’t pareho sila ng kinabibilangang genre, ang sexy-comedy – natanong namin ang reaksyon nito nang malamang nasa Viva na rin s’ya. 

Dito n’ya naikuwento ang naging usapan nila noon ng kanyang kaibigan. 

Lagi nga naming pinag-uusapan ni Wilbert pag nagkikita kami, ‘Wilbert, ang dami mong project. Ang busy mo.’ Sabi ko, ‘Lamang ka lang ng dalawang tulog kay Piolo [Pascual]. Sobrang busy mo na, ah.’ Binibiro ko s’yang ganu’n,” panimulang lahad ni Nikko ng back story sa amin. 

Nag-joke nga daw s’ya dati na lilipat sa Viva pero pabirong dini-discourage daw s’ya noon ni Wilbert.

Biniro pa n’ya ako nu’ng time na sabi ko, ‘Bro, mag-Viva kaya ako.’ Sabi pa n’ya sa akin nu’ng una noong hindi pa s’ya nagbo-Boy Bastos, ‘Wag na…magbi-Viva ka pa…’ Ayaw n’ya,” pagre-recall ng aktor. 

Kaya niloloko ko s’ya na, ‘Hindi naman kita aagawan ng trabaho. Sa ’yo na ’yang mga bed scene-bed scene na ’yan. Oo na, sa ’yo na. Sa akin naman may daya. Sa ’yo walang daya.’ Kasi daring talaga ’yong mga ginagawa n’ya. Sa akin, pang-sexy comedy pero may daya,” nakangiting sabi pa n’ya. 

Kaya naman natanong namin kung kaya ba n’yang pantayan ang pagiging daring ni Wilbert sa mga movies nito ngayong nasa Viva na rin s’ya.

Hindi ko pa masabi talaga. Kasi isang beses ko pa lang nagawa, sa The Kangks Show nga, na topless…lahat. Naka-plaster lang. First time ko nga magsuot ng plaster nu’n. Nagawa ko naman s’ya, na-pull off ko naman s’ya,” saad n’ya.

May pagka-pilyo lang daw talaga s’ya pag dating sa social media pero ibang usapan daw kasi ang next level na pagpapa-sexy sa pelikula. 

’Yon nga ang nakakatawa, e. Sobrang naughty ko sa social media pero pag tinatanong ako ng ganyan, kahit si Boss Vic [del Rosario], tinanong n’ya ako kung kaya ko ba makipaghalikan, bed scene… Hindi agad ako sumagot ng oo. Parang nagho-hold back pa ako. Sabi ko, ‘Boss Vic, titingnan po natin ha,’” pagbabahagi pa ni Nikko.

Hindi naman daw n’ya isinasara ang pinto n’ya para dito. 

Ngayon ang mga manonood [iisipin na] nagpapanggap ako na hindi ko kaya, kasi hindi ko s’ya na-try. Ayoko namang magsalita nang tapos talaga,” aniya. 

And speaking of Wilbert, masaya naman daw s’ya sa takbo ng career nito at masaya rin daw ito for him ngayong nasa iisang tahanan na sila kasama ang isa pang Hashtag co-member nila na si McCoy de Leon.

Masarap ’yong may pinagkakaabalahan talaga lalo na kapag work ang pinag-uusapan. Then, nu’ng sinabi ko sa kanya na magbi-Viva na ako, sobrang excited din s’ya. Masaya s’ya para sa akin,” pagtatapos n’ya.

Congratulations, Nikko!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Wilbert Ross, umaming naging sila ni Andrea Babierra noon; mas priority talaga ang career kesa love life

Hashtag Nikko Natividad, na-depress matapos matangayan ng apat na milyon sa isang investment scam

Hashtag Nikko Natividad, bumwelta sa nagdudang may P4M siya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.