Kinaaliwan ng Instagram followers ni Nikko Natividad ang pagsasapubliko n’ya sa natanggap n’yang indecent proposal.
Ipinost kasi ng new Viva actor ngayong araw, October 20, ang screenshot photo ng natanggap n’yang mensahe from his Messenger app kung saan isang tagahanga n’ya ang nag-offer na babayaran s’ya ng sampung libo kapalit ng isang gabi sa piling nito.
“[H]i lodi..pwede ka ba ibooking..10k one night,” alok ng tagahanga ni Nikko sa kanya sa Messenger.
Hindi naman nasilaw dito ang Hashtag member at sa halip ay game na sinupalpal ito ng mas malaking offer but with a catch.
“Ako nalang magbibigay sayo 15k pa sipsipin mo hinlalaki ng paa ko,” pabirong sagot ni Nikko dito.
Tila naangasan naman ang tagahanga ng aktor sa reply n’ya pero mukhang hindi ito natinag.
“[S]uplado naman…para kaseng ang sarap mo po. [L]ahat sisipsin ko sayo,” tugon pa nito.
Nagsitawanan naman sa comment section ang followers ng aktor na nakabasa sa natanggap n’yang indecent offer.
Sinakyan pa ito ng komedyanteng si Chad Kinis na game daw gawin kay Nikko ang hamon nito sa kanyang tagahanga.
“Ok sige payag na ako. Saan? Kelan? Anong petsa? SIGEEEEEEEE!!!!!!” kasa ni Chad sa comment section.
“@chadkinis papayagan kaba manager mo?” balik-tanong naman ni Nikko sa kanyang co-Viva artist.
“@nikkonatividad napagpaalam ko na. Ok na. Kahit ibidyo pa daw for marketing purposes. Pwede din daw i-mall show,” hirit pa ni Chad.

Wala namang masabi ang misis ni Nikko na si Cielo Mae Eusebio sa pangyayari kundi napa-face palm na lang.
.jpg)
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber