Ninety-four-year old na tatay ni Angel Locsin, na-Covid!

@therealangellocsin

@therealangellocsin

Halos napuno ng praying emojis ang lastest Instagram post ni Angel Locsin na tungkol sa ama niyang may karamdaman.  

Kahit sa picture at video pa lang na ibinahagi niya kung saan makikitang isinasakay sa ambulance ang kanyang ama na si Mr. Angelo Colmenares ay napakalungkot nang tingnan o panooorin.

Maririnig sa video na pinost niya ang boses ni Angel na tinatawag nito ang ama na, “Daddy…”

Nang paalis na ang ambulansiya, narinig din ang boses niya na, “Bye Daddy…” At saka nagsabi na “mag-ingat” daw ang mga medical people na naka-PPE at kumuha sa ama niya at naging kasama sa ambulance.

Maririnig din nang sabihin ni Angel na: “Sunod po kami, sunod po kami.”

Sa Instagram din ay ibinalita nga ni Angel na ang kanyang 94-year-old bulag na ama ay nag-positibo sa COVID-19.

Ang actual na caption ni Angel: “It’s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings. 

“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit!🤗 This too shall pass.”

Sa loob ng 30 minuto mula nang i-post ito ni Angel, kulang 2,000 na ang nag-post ng comment at kabilang rito ang ilan sa mga kilalang artista.

Si Marian Rivera ay isa sa nag-reply ng praying emoji. Si Judy Ann Santos naman ay nag-comment na, “Praying for your dad’s fast recovery…”  Gayundin si Bea Alonzo na, “I’m praying for your family, Gel. Yakap.”

Ang best friend niya na si Dimples Romana ay nagpa-abot din ng suporta.

Ayon dito: “Praying for your Daddy!!! Dito lang kaming lahat praying with you Mars.”

Kilalang Daddy’s girl si Angel kaya’t nai-imagine namin ang hirap ng kalooban nito ngayon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin at Neil Arce, nanggulat; kasal na pala

Angel Locsin, two years lang ang taning sa pagso-showbiz niya noon

Angel Locsin, patuloy na nasasaktan pero patuloy na lalaban para sa ABS-CBN; “slowly healing” na rin daw matapos ang ill-fated community pantry niya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.