Noli de Castro, babalik sa broadcasting matapos umurong sa senatorial race

Mananatiling member daw ng Aksyon Demokratiko si Noli de Castro ayon sa chairperson ng partido na si Ernest Ramel.  “We will continue to consult with him having vast experience in public service and his dedication to the welfare of the Filipinos. We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors.”

PHOTOS: @kabayangnoli on Facebook & Robertzon Ramirez/Philippine Star

Mananatiling member daw ng Aksyon Demokratiko si Noli de Castro ayon sa chairperson ng partido na si Ernest Ramel. “We will continue to consult with him having vast experience in public service and his dedication to the welfare of the Filipinos. We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors.”

Umatras na sa kanyang pagtakbo sa 2022 elections ang broadcast journalist at former TV Patrol news anchor Noli de Castro.

Matatandaan na nagpaalam na ang Kapamilya anchor sa TV Patrol last October 7 at naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-senador kinabukasan, October 8.

Sa Facebook account ng daughter n’yang si Kat de Castro ipinadaan ni Kabayan Noli ang kanyang statement ngayong araw, October 13, na hindi na n’ya itutuloy ang kanyang candidacy. 

“Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura,” pahayag ni Noli.

Nagbago man daw ang kanyang pasya ay mananatili daw ang kanyang hangarin para sa publiko. 

“Gayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN,” pagpapatuloy n’ya. 

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.

“Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.”

Nagpahiwatig din s’ya na ipagpapatuloy na lang n’ya ang kanyang trabaho bilang mamamahayag. 

“Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan,” aniya. 

Nagpasalamat din si Kabayan Noli sa president at standard bearer ng Aksyon Demokratiko Party na si Manila City Mayor Isko Moreno sa pagtanggap nito sa kanya. 

“Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido. Maraming salamat po,” pahayag n’ya. 

“At sa lahat ng nagtitiwala sa aking mga kabayan, maraming maraming salamat! Hawak ko sa aking puso ang ipinapakita ninyong pagmamahal, suporta, at tiwala.

“Ituloy po natin ang pagtutulungan para sa mas malakas na boses ng bayan. Salamat po mga kabayan!” pagtatapos ni Noli.

 

KABAYAN NOLI DE CASTRO’S STATEMENT RE: WITHDRAWAL OF CANDIDACY Nitong mga nakaraang araw, taimtim kong pinag-isipan ang...

Posted by Kat Sinsuat De Castro on Tuesday, October 12, 2021

Sa report na inilabas ng PTV News, sinabi ni Aksyon Demokratiko Chairperson Ernest Ramel na ikinalungkot nila ang naging pasya ni Noli na huwag nang tumakbo sa upcoming elections pero nirerespeto daw nila ito. 

“The former vice-president will continue to be a member of Aksyon Demokratiko and we will continue to consult with him having vast experience in public service and his dedication to the welfare of the Filipinos. We are saddened by his decision but we wish him all the best in his future endeavors,” saad ni Ramel.

Nanalo at nagsilbi na noon si Kabayan Noli bilang senador noong 2001 at nahalal din bilang vice president under Gloria Macapagal-Arroyo’s administration mula 2004 to 2010.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.