Nora Aunor at anak si Matet de Leon, nagkita at nagkaayos na!

Ayon sa pa sa text na inilagay ng singer-rapper na si John sa kanyang birthday vlog, bago pa umano matapos ang taong 2022 ay nagkausap na via phone call at nagkaayos na sina Ate Guy at Matet.  “Before New Year ay itinext po ni Ate Guy si Matet at nag reply naman po siya sa Mommy nya. At nagkausap din po sila sa telepono at nagkaunawaan na po sila,” pagbabahagi ni John. 

PHOTOS: Nora Aunor on Facebook, @misismatet on Instagram & John Rendez Official on YouTube

Ayon sa pa sa text na inilagay ng singer-rapper na si John sa kanyang birthday vlog, bago pa umano matapos ang taong 2022 ay nagkausap na via phone call at nagkaayos na sina Ate Guy at Matet. “Before New Year ay itinext po ni Ate Guy si Matet at nag reply naman po siya sa Mommy nya. At nagkausap din po sila sa telepono at nagkaunawaan na po sila,” pagbabahagi ni John. 

Good news para sa mga taga-suporta ni Superstar Nora Aunor at ng kanyang pamilya dahil maayos na muli ang relasyon nila ng kanyang anak na si Matet de Leon.

Nagkita at nagkausap na nang personal ang mag-ina nang dumalo si Matet sa birthday party ng singer-rapper na si John Rendez, ang special person at masasabing constant sa buhay ng Superstar.

Sa part two ng birthday vlog ni John na in-upload last January 7, makikitang si Ate Guy mismo ang sumalubong kay Matet at sa anak nito, at sabay silang pumasok sa loob kung saan idinaos ang salusalo.

Ayon sa pa sa text na inilagay ni John sa video, bago pa umano matapos ang taong 2022 ay nagkausap na via phone call at nagkaayos na sina Ate Guy at Matet.

“Before New Year ay itinext po ni Ate Guy si Matet at nag reply naman po siya sa Mommy nya. At nagkausap din po sila sa telepono at nagkaunawaan na po sila,” pagbabahagi ni John. 

Katunayan, ang Superstar nga daw mismo ang nagkumbida sa anak nito para dumalo sa birthday celebration n’ya na s’ya namang pinaunlakan ni Matet. 

“Ininvite po ni Ate Guy si Matet para sa aking BIRTHDAY at nagpaunlak naman po siya. Masayang Masaya po kami ni Ate Guy nung dumating si Matet at kasama ang kanyang anak na bunso na si Mia,” aniya. 

“Masaya po ako para kay Ate Guy at Matet. Dahil nagkausap po sila ng masinsinan,” pagtatapos ni John.

Matatandaan na noong nakalipas na November ay naglabas ng kanyang saloobin si Matet hinggil sa diumano’y kinukumpitensya s’ya ng kanyang ina matapos nito umanong gayahin ang kanyang bottled tuyo and tinapa gourmet business.

Nakapagbitiw pa si Matet sa kanyang vlog, bilang pagrespeto at pagmamahal umano sa kanyang ina, ay hindi na s’ya magpapakita at makikipag-usap dito. 

Ikinatuwa naman ng supporters ng kanilang pamilya na maayos na muli ang relasyon nina Ate Guy at Matet.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Matet de Leon, severs ties with adoptive mom Nora Aunor over gourmet tuyo and tinapa product line tapatan; says "ampon na ampon ’yong pakiramdam ko ngayon."

Matet de Leon addresses "walang utang na loob" paratang anew; credits her Ate Lotlot as her and her siblings' real mother figure

Magkakapatid na Ian, Matet, Kenneth, at Kiko de Leon, binisita ang inang si Nora Aunor; Lotlot-Ate Guy reunion, susunod na daw kaya?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.