Nora Aunor, Michelle Gumabao, Shamcey Supsup, Nash Aguas, nanggulat sa pagpa-file ng COCs at CONAs (Showbiz and Politics Part 4)

Ilan sa mga celebrities ang hindi inakala ng marami na susuong sa pulitika bilang kinakatawan ng mga party lists o representante ng mga tinatawag na marginalized sectors. Kabilang sa kanila sina Nora Aunor, Shamcey Supsop, at Michelle Gumabao.

PHOTOS: Divine Reyes/GMA News, Laila Pangilinan/News5 Everywhere, Ian Cruz/GMA News, Vivienne Gulla/ABS-CBN News, @OfficialPageofRonaldBatoDelaRosa, Bernard Jaudian Jr./PTV, Bryan Revilla

Ilan sa mga celebrities ang hindi inakala ng marami na susuong sa pulitika bilang kinakatawan ng mga party lists o representante ng mga tinatawag na marginalized sectors. Kabilang sa kanila sina Nora Aunor, Shamcey Supsop, at Michelle Gumabao.

Ginulat ng ilang celebrities ang publiko sa biglaang paghahain nila ng kani-kanilang certificates of candidacy at ang iba naman ay CONA o certificate of nomination and acceptance (for Party-lists) para sa upcoming 2022 elections. 

Kahapon, October 8, kasi ang huling araw na itinakda ng Commission on Elections o COMELEC para sa mga nagnanais na tumakbo sa mababakanteng national and local positions sa gobyerno. 

Ilan sa mga celebrities ang hindi inakala ng marami na susuong sa pulitika bilang kinakatawan ng mga party lists o representante ng mga tinatawag na marginalized sectors.

Ang iba naman sa kanila ay mga bagong pasok sa political arena habang meron din namang naghahangad na muling mailuklok sa pangalawang termino, kung hindi man ay sa mas mataas na posisyon.

Heto ang huling batch ng mga celebrities and personalities na sasabak sa 2022 elections:


NORA AUNOR
Ginulat ng tinaguriang Superstar na si Nora Aunor ang publiko kahapon nang maghain siya ng kanyang certificate of nomination and acceptance o CONA kahapon, October 8, para sa party-list na National Organization for Responsive Advocacies for the Arts o NORAA.

 

Aktres na si Nora Aunor, naghain ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa partylist group na National...

Posted by GMA News on Thursday, October 7, 2021

 


LUCY TORRES
Mula sa pagiging congresswoman, plano ni Lucy Torres na ipagpatuloy ang mga nagawa ng kanyang mister na si incumbent Ormoc City Mayor Richard Gomez sa kanilang nasasakupan. 

Isa si Lucy sa mga nag-file ng COC sa pagka-alkade ng lungsod para sa 2022 elections. 

 

Candidates of the solid Ormoc Development Team (ODT) file their Certificate of Candidacy (COC) today, October 8, at the COMELEC-Ormoc, led by Congresswoman Lucy Torres-Gomez of the Leyte 4th District, who files her Certificate of Candidacy (COC) for Ormoc City mayor in the 2022 elections. Ormoc City Mayor Richard I. Gomez and his supporters accompanied them.

Posted by Ormoc Development Team on Thursday, October 7, 2021

 


GIAN SOTTO
Muli ring tatakbo for his second term as Quezon City vice mayor ang actor-turned-politician na si Gian Sotto.

Kasama ang misis n’yang si Joy, Gian filed his certificate of candidacy last October 5 bilang running mate ni incumbent QC Mayor Joy Belmonte na isang ring re-electionist.

 

Praise God for a smooth filing of candidacy! Bagamat mabigat ang mga pinagdaanan natin pagsubok sa first term natin,...

Posted by Gian Sotto on Wednesday, October 6, 2021

 


NASH AGUAS
Naghain na din ng kanyang certificate of candidacy ang dating child actor and aspiring politician na si Nash Aguas para makatakbo sa darating na halalan. 

Kakandidato ang young actor sa pagka-konsehal ng Cavite City under LAKAS-CMD Party. 

 
Posted by PTV on Wednesday, October 6, 2021

 


MICHELLE GUMABAO
Nag-trending ang athlete-beauty queen na si Michelle Gumabao sa paghahain n’ya ng kandidatura for the upcoming 2022 elections. Una ay dahil walang nag-akalang tatakbo siya for anything; at pangalawa ay dahil sa pag-tandem niya sa kontrobersyal na si Mocha Sson.

Sa ipinost n’yang photo sa social media kahapon, makikitang kasama n’yang nag-file ng COC ang nabanggit na sexy singer-turned-appointive public official para maging kinatawan ng MOCHA o MOthers for CHAnge Party-list.

“It’s time we become mothers of a movement that will change our country. MOCHA MOthers for CHAnge Party-list,” pahayag ni Michelle sa kanyang post. 

”I’ve always said I would use the platform I was given to advocate and be a voice for women and the youth. This is for every mother who sacrificed for us to be here right now. This is for those who made the choice to care and nurture others. For every woman who wants to be an author of change! This is for those who believe we can change for the better!” pagpapatuloy ng sister ni Marco Gumabao.

“Party-lists are created for those who share the same advocacy and we want to work for a chance to help more people and make a bigger impact in our community @mochauson,” pagtatapos n’ya.

 

It’s time we become mothers of a movement that will change our country. MOCHA MOthers for CHAnge Party-list. I’ve...

Posted by Michele Gumabao on Friday, October 8, 2021

 


INDAY GARUTAY
First time na papasok sa pulitika ang komedyanteng si Inday Garutay na naghain ng kanyang certificate of candidacy kahapon sa pagka-konsehal sa San Juan City. 

 

TINGNAN: Sumabak na rin sa politika ang komedyanteng si Inday Garutay at target niyang maging konsehal sa San Juan City....

Posted by ABS-CBN News on Friday, October 8, 2021

 


SHAMCEY SUPSUP
Susubok din sa pulitika si Binibining Pilipinas-Universe 2011 at ngayo’y Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup-Lee. 

Kahapon ay opisyal nang naghain ng CONA ang architect-turned-beauty queen para sa ARTE Party-list na nagsusulong sa karapatan ng mga kasapi ng entertainment, arts, fashion at creative sector. 

 

LATEST | Former Binibining Pilipinas and national director of Miss Universe Philippines Organization Shamcey Supsup- Lee...

Posted by The Philippine Pageantry on Friday, October 8, 2021


 

BATO DELA ROSA
Humabol din sa huling araw sa filing ng COC si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nag-sumite ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-pangulo ng bansa sa ilalim ng PDP-Laban Cusi Faction. 

Ayon kay Atty. Melvin Matibag ng nasabing partido, si Dela Rosa ang makaka-tandem ni Senator Bong Go na nauna nang naghain ng kanyang COC sa pagka-bise presidente. 

 

TINGNAN: Kinumpirma ni Atty. Melvin Matibag ng PDP-Laban Cusi Faction na si Sen. Ronald Bato Dela Rosa ang pambato ng...

Posted by PTV on Friday, October 8, 2021

 


LANI MERCADO AND BRYAN REVILLA
Sabay na naghain ng kanilang respective COCs kahapon ang mag-inang sina Bacoor City Mayor Lani Mercado at Bryan Revilla.

Kakandidatong congresswoman para sa lone district ng Bacoor si Lani, habang board member naman ng lalawigan ng Cavite ang tina-target na posisyon ni Bryan sa 2022 elections. 

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.