Ogie Alcasid at Regine Velasquez, kinilig sa duet at ka-sweet-an nina Rico Blanco at Maris Racal

“Aba, iba! In love ang Rico!”—Ogie Alcasid on Rico Blanco

Photos: Screengrab from ABS-CBN|ASAP YouTube Channel / @marisforevs

“Aba, iba! In love ang Rico!”—Ogie Alcasid on Rico Blanco

Taong 2019 pa nang mabuo nina Rico Blanco at Maris Racal ang awiting “Abot Langit,” ang first collab nila na maituturing na isang wish granted for Maris na matagal nang nagpa-fangirling sa iconic singer-songwriter. In fact, their love story started with Maris tweeting in 2017 ng isang simpleng mensahe na: “Hay Rico Blanco when will I hear you sing live?”

That same year, 2019, nag-viral ang simpleng music video’ng ginawa nila para dito na in-upload sa YouTube Channel ni Rico, na follow up sa official music video release ng Star Music.

Doon palang ay nakaramdam na ng kakaibang kilig ang Netizens sa kanila. May chemistry kasi hindi lang boses nila kundi maging ang presence nila together.

Fast forward to March 17, 2021. Nag-post ng simpleng birthday message si Maris para kay Rico na sinagot ng huli ng: “hahaha love you” na sinundan ng isa pang post, this time, ay isang video kung saan makikitang sweet silang kumakanta together. Those posts broke the internet that day at agad nag-assume ang netizens na item na ang dalawa.

At hindi naman nagkamali ng hula ang Netizens dahil by May 2021, sa virtual press conference ng MMK, ay kinumpirma ni Maris na may namamagitan na nga sa kanila ni Rico.

Samantala, for the first time ay pormal na kinanta ng lovebirds ang first collab single nilang “Abot Langit” last Sunday, September 12, sa ASAP Natin ’To, kung saan inintroduce sila as collab to co-love couple.

Habang kumakanta sila ay kapansin-pansin na panay ang sulyap ng binata sa dalaga habang kumakanta ito nang nakapikit. Kilig heaven tuloy ang naging tawag sa duet nila that daw sa dami ng fans na kinilig.

Nakakatuwa dahil ang kilalang rakista ay heto at kumakanta ng love song kasama ang babaeng nagpapatibok ng puso niya.

Bago pa man ang panayam nila with the ASAP hosts, ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, ay hinawakan ni Maris ang kamay ng lalaking mahal at inspirasyon niya, na agad namang gumanti ng mahigpit na paghawak din ng kamay ni Maris.

“It’s our first time together in ASAP,” ani Maris pagkatapos ng number nila. “Masaya kasi I get to sing with Rico.”

Tahimik lang si Rico noon kaya nga ang biro nina Ogie at Regine dito ay magsalita naman daw ito. 

“First time kong ganito,” nakangiting say naman ni Rico.

“Heart ko siya (Maris) kasi she’s an amazing person,” ani Rico habang iginagala ang mata sa paligid ng studio. “Sa’n ang pinakamalaking heart dito?” birong sakay pa ni Rico sa trending noong pa-hashtag ng ASAP na #ASAPIheartyou.

“Aba, iba!” excited na sundot ni Ogie sa kapwa singer-songwriter. “In love ang Rico!”

“Ano’ng reaksyon mo do’n naghahanap ng malaking heart si Rico?” urot ni Ogie kay Maris.

“Malaking heart?  Ako ang malaking heart,” tumawang sakay ng dalaga habang nakatingin kay Rico.

“Competitive!” birong saad naman ni Rico.

Hirit naman ni Regine kay Rico: “Nakikita ko sa mga mata mo, kinikilig ka!”

“At kinakabahan yata,” natatawang pag-amin naman ng boyfriend ni Maris.

Samantala, sa ginanap na Zoom mediacon ni Rico kasama ang ABS-CBN music creative director na si Jonathan Manalo ay gusto sana naming mag-follow –up ng tanong sa una tungkol sa relasyon nila ni Maris pero hindi kami pinagbigyan at mag-concentrate nalang umano tungkol sa bagong areglo ng awiting “Pinoy Tayo” na dating “Pinoy Ako” ng bandang Orange and Lemons.

Ang bagong areglong ginawa ni Rico na “Pinoy Tayo” ang magiging theme song ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother sa pagbubukas nito ng Season 10 sa Kumu app.

Additionally, handog din umano niya ito para sa 20th anniversary ng kaibigang si Jonathan sa music industry.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maris Racal, aminadong natakot noon sa magiging reaksyon ng publiko sa “strange relationship” nila ni Rico Blanco

Para kay Maris Racal, maturity ng songwriting skills niya ang positive effect ng relasyon niya kay Rico Blanco

Maris Racal sa relasyon nila ni Rico Blanco: “I think, based po sa post na ginawa ko po, it’s very obvious...”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.