Ogie Alcasid, “nagkalat” sa party ni Bitoy

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Taun-taon ay nakagawian na ni Michael V.—or Bitoy sa mga kaibigan niya—na i-celebrate ang birthday niya kasama ang mga mahal sa buhay at ilang piling kaibigan. Kalimitan ay ginaganap ito sa bahay niya sa isang private village sa Quezon City at nagpapa-cater na lamang. Karaniwan ding nauuwi ito sa isang sing-along party with a live band.

 

Taun-taon din nandoon ang best friend at kapitbahay niyang si Ogie Alcasid na matagal niyang nakasama sa show na Bubble Gang sa GMA-7 bago ito lumipat ng TV 5 at ngayon ay nasa ABS-CBN naman ito.

 

Bagamat magka-iba na ng istasyon, hindi pa rin natitinag ang friendship ng dalawang comedy geniuses kaya kahit pagod dahil sa sunod-sunond na taping sa mga shows nito sa ABS-CBN ay dumaan pa rin si Ogie sa bahay ng kaibigan para makisaya at makisalubong sa 49th birthday nito last December 16, 2018.

 

At hayan ang nakaugalian, hindi na kailangan pang yayain itong maki-kanta kundi nagbo-volunteer pa. Isang Hotdogs medley ang napiling salihan ni Ogie that night kasama ang Pepito Manaloto tropa ni Bitoy na sina John Feir at Manilyn Reynes at si Bitoy mismo. Pero biglang nag-segue ang banda sa VST and company medley and the gang decided to give the floor to Ogie sa entrada ng kanta. Kaso….

 

Panoorin ang nakaka-aliw na video ng masayang barkadahan na nagpapatunay na kahit professional singers, bumu-blooper din.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.