Ogie Alcasid on Paulo Avelino and Janine Gutierrez: “Hindi ko alam [kung sila na] pero alam kong may gusto sila sa isa’t isa. ’Yon ang pakiramdam ko.”

Mapapanood ang first leg ng US concert series ni Ogie Alcasid, kung saan guests ang rumored couple na sina Paulo Avelino and Janine Gutierrez, sa March 26 sa Alex Theatre in Glendale, California.  Masusundan ito sa April 2 sa Sycuan Casino Resort & Spa sa San Diego, at ang pinakahuli naman ay sa April 3 sa Morongo Casino Resort & Spa in Cabazon sa California pa rin.

PHOTOS: @OgieAlcasidOfficial on Facebook

Mapapanood ang first leg ng US concert series ni Ogie Alcasid, kung saan guests ang rumored couple na sina Paulo Avelino and Janine Gutierrez, sa March 26 sa Alex Theatre in Glendale, California. Masusundan ito sa April 2 sa Sycuan Casino Resort & Spa sa San Diego, at ang pinakahuli naman ay sa April 3 sa Morongo Casino Resort & Spa in Cabazon sa California pa rin.

Hindi itinanggi ni Ogie Alcasid na nakaka-relate s’ya ngayon sa rumored couple na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Naganap ang pag-amin n’ya sa kanyang virtula media conference kahapon, March 14, para sa upcoming concert n’ya sa US entitled OA sa Love in the U.S.A. kung saan ang tambalang PauNine nina Paulo at Janine ang kanyang special guests. 

Natanong kasi ng entertainment press ang singer-songwriter kung naaalala ba n’ya noon kina Paulo at Janine, na bagama’t pinagdududahang may relasyon na ay ayaw umamin, sa naging set up nila ng misis n’yang si Regine Velasquez.

Magatal din kasi bago isinapubliko noon ni Ogie at Regine ang kanilang relasyon na nauwi naman sa kasalanan. 

Ang sagot ko d’yan ay super [naaalala],” diretsahang sagot ni Ogie sa press. 

Nauunaawan daw n’ya kung may espesyal man daw na relasyon ang Marry Me, Marry You lead stars pero ayaw nilang aminin ’yon sa publiko. 

“Actually, hindi ko rin naman sila masisi, e, kung gusto muna nilang sekretuhin ’yan. Kasi ang sarap kaya nu’n ’yong kayo lang ang nakakaalam, ’di ba?” tile depensa pa n’ya sa dalawa. 

“Parang it has its…special s’ya, e, so naiintindihan ko ’yon. Hahahaha! At the same time, they keep us guessing… Ang maganda d’yan hindi na natin alam kung anong nangyayari pero naiintindihan ko talaga. The answer is definitely yes. I remember the times,” natatawang dagdag pa n’ya.

Panlalaglag pa ni Ogie kina Paulo at Janine, kahit tikom ang mga ito sa real score nila ay ramdam daw n’ya na may kakaibang pagtitinginan ang mga ito. 

Ako, sa totoo lang, hindi ko alam pero alam kong may gusto sila sa isa’t isa. ’Yon ang nararamdaman ko, ’yon ang pakiramdam ko,” pagtatapat ni Ogie. “Hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko. ’Yon ang energy na nakukuha ko, e.

Tawang-tawa naman sina Paulo at Janine sa mga inilahad ni Ogie sa press.

Bigla namang napasok sa usapan ang wife ni Ogie na baka sumali rin sa tanungan at paaminin sina Paulo at Janine. 

Naku, kung alam lang n’ya nandito ako, may presscon, baka bumaba ’yon, e. Sige, tanong natin. Si Janine nakakatrabaho n’ya rin si ate [Regine n’ya]. ’Di ba, niloloko ka rin?” tanong ni Ogie sa aktres. 

Sagot ni Janine, may pagkakataon nga daw  habang nasa Sunday variety show na ASAP Natin ’To ay inusisa s’ya ni Regine tungkol sa estado ng relasyon nila ni Paulo. 

Ay naku, nagtatanong po ’yan in a very Marites way. Wag mo na po s’yang pababain, Sir Ogie. Sa ASAP na lang po tayo magkita-kita,” natatawang saad ni Janine. 

Anyway, mapapanood ang first leg ng US concert series ni Ogie with Paulo and Janine sa March 26 sa Alex Theatre in Glendale.

Masusundan ito sa April 2 sa Sycuan Casino Resort & Spa sa San Diego, at ang pinakahuli naman ay sa April 3 sa Morongo Casino Resort & Spa in Cabazon sa California.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.