Last December 31, humingi ng dispensa ni Ogie Diaz, through his YouTube channel Showbiz Update, kay Marvin Agustin.
Ito ay matapos niyang lektyuran ang actor-entrepreneur, in the same platform, na isoli umano nito ang pera ng mga nadanyos niyang customers noong Kapaskuhan.
Inulan kasi ng batikos si Marvin noong Pasko dahil maraming umorder ng kanyang famed cochinillo ang na-disappoint dahil hindi nakarating on time ang mga orders nila. Mayroon namang nagsabing makunat o hilaw pa ang mga dumating sa kanila. In short, maraming na-badtrip ang Kapaskuhan dahil ang star of noche buena feast nila ay either no-show, late, o kaya naman ay makunat na.
Inako naman ni Marvin ang kasalanan sa public apology na in-issue niya sa kanyang Instagram. Aniya, nasiraan sila ng mga equipment sa kusina at marami umanong riders ang nag-cancel sa kanilang pagpapa-deliver.
Nangako si Marvin na magri-reach out sa mga customers at aayusin ang gusot na naidulot nila.
Bagama’t nag-sorry na si Marvin ay pinitik pa rin ito ni Ogie sa kanyang online show.
Ani Ogie: “Kung talagang gustong itayo ni Marvin ang kanyang dignidad, ang kanyang integridad at kung talagang sincere siya sa kanyang apology, sa kanyang statement na ito, feeling ko dapat si Marvin ay i-refund niya ang bayad ng mga na-disappoint.”
Earlier on ay nakapag-komento din si Ogie na hindi siya nasarapan sa cochinillo ni Marvin nang minsan niya itong matikman sa isang handaan kaya sa paghahanap niya ng lechon para sa kanyang birthday ay hindi umano ang kay Marvin ang oorderin niya.
Nakausap namin si Ogie sa pa-birthday lunch niya sa mga kaibigan niya sa media at naikuwento niyang tinawagan siya ni Marvin matapos mapanood ang kanyang vlog.
[Ogie turned 52 last January 2.]
“Nakakatuwa si Marvin, nag-reach out siya sa akin. Nag-usap kami at very apologetic si Marvin.”
Ani Ogie, siya rin daw ay humingi ng paumanhin sa aktor na malugod naman daw tinanggap nito.
“Sabi ko sa kanya, ‘Uy, Marvin, sorry ha kung napasobra ako ng opinyon.’
“Sabi niya, ‘Valid naman ’yung opinyon mo. We took it as constructive criticism. So, wala ’yun, Ogs. Mas pagbubutihin pa namin next time. Sana matikman mo ’yong [bagong] cochinillo namin sa susunod kasi mas pabo-bonggahin pa namin. Sobra ’tong year na ’to. Hindi namin ’to makakalimutan.’”
Bumawi naman daw siya kay Marvin dahil pinuri niya ang pagpapakumbaba nito. Inulit na rin daw niya ang pagso-sorry dito.
“Sabi ko, ‘Alam mo, maganda ‘yang attitude mong ‘yan. Hindi ’yung nagmamalaki pa. Pero, sorry ha, kung medyo napasobra ako ng opinyon.’”
Magaan na raw ang pakiramdam niya ngayong nagkapaliwanagan na sila ni Marvin.
“Ganu’n naman talaga di ba? Masarap matulog sa gabi [na wala kang kasamaan ng loob],” patuloy ni Ogie. “Meron ba namang nag-comment na, ‘Nag-sorry ka tapos gagawa ka naman ng mali.’
“Malay ko ba naman kung mali sa iba ’yong sa akin, e, tama? Di ba? E, kung na-hurt kita, e, di magso-sorry ako. Ayaw ko ring matulog ka na buwisit ka sa akin,” paliwanag pa ni Ogie.
Samantala, pagkatapos akuin ni Marvin ang lahat ng pagkakamali involving his cochinillo orders noong Pasko at nangakong pag-iigihin na ang serbisyo ngayong 2022, ay maaliwalas na dating na kanyang bagong Instagram post. Tanda ito na naka-move on na ang actor-businessman sa pinagdaanan na tinawag niyang “my worst Christmas.”
“Happy New Year sa lahat,” panimula niya a kanyang January 1 post.
“We live and we learn to fight another day. We are roasting now your COCHI orders (praying hands emoji).
“We have prepared and gave our all to make everything good.
“Enjoy the COCHI we all worked hard for to give you a delicious experience (emoji praying hands).”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber