Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid and his team na ang manager ni Liza Soberano; pasasalamat lang meron siya kay Liza at hindi sama ng loob

Ani Ogie Diaz, imbes na sama ng loob ay pasasalamat lang ang meron siya kay Liza Soberano. “’Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ’yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay ’yung anak ko na si Miracle. “’Yun man lang maisip ko para wala kang itatanim na sama ng loob sa bata, wala kang bitbit, wala kang kargo sa loob mo kasi doon man lang. “Timing na timing ang pag dating ni Liza Soberano sa buhay ko at in fairness sa bata nagpasalamat siya dahil magkatuwang naming binuo ang mga pangarap niya. Kaya nu’ng nagsabi siya na gusto muna niyang i-handle ang kanyang sarili ay pinabayaan ko siya. “Para alam niya kung ano ang gusto niya, anong branding na gusto niya o gagawin niya.”

Photos: Instagram @lizasoberano l @james l @ogie_diaz

Ani Ogie Diaz, imbes na sama ng loob ay pasasalamat lang ang meron siya kay Liza Soberano. “’Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ’yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay ’yung anak ko na si Miracle. “’Yun man lang maisip ko para wala kang itatanim na sama ng loob sa bata, wala kang bitbit, wala kang kargo sa loob mo kasi doon man lang. “Timing na timing ang pag dating ni Liza Soberano sa buhay ko at in fairness sa bata nagpasalamat siya dahil magkatuwang naming binuo ang mga pangarap niya. Kaya nu’ng nagsabi siya na gusto muna niyang i-handle ang kanyang sarili ay pinabayaan ko siya. “Para alam niya kung ano ang gusto niya, anong branding na gusto niya o gagawin niya.”

Tinuldukan na nina Ogie Diaz at Liza Soberano ang relasyon nila bilang manager at talent pagkalipas nang labing isang taon.

Ito ang ini-reveal ng talent manager at comedian vlogger sa kanilang Showbiz Update vlog ni Mama Loi kasama si Tita Jegs ngayong hapon, May 27.

Nagsimula ang alingasngas na hindi na si Ogie ang manager ni Liza nang mabalitang gusto nitong subukan ang karera niya sa Hollywood at si James Reid umano, who is now also venturing into talent management, ang tumutulong sa kanya dito. Nagkataon naman na dumalo ito sa Gold House’s 1st Annual Gold Gala sa Los Angeles kasama ang actor-turned musician na si James Reid.

Binigyang-linaw na ni Ogie Diaz mismo ang mga balita ukol sa paghihiwalay nila ng landas.

“Okay, marami na ring tumatawag sa akin, naga-approach sa akin kung si Liza ba ay [under]

my management pa rin at pag may nag-i-inquire sa akin ay [bakit] ipinapasa ko sa iba,” panimula ni Ogie sa kanilang vlog.

“Unang-una sa lahat, technically and legally speaking, ako pa rin ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022.

Sa pagpapatuloy ni Ogie: “Yes, eleven years po kaming nagsama ni Liza bilang mag-ama at bilang manager-talent.  Siyempre meron din kaming [mga pinagdaanan], mga struggling days, difficulties namin, mga adversities na itinawid namin at nalampasan namin at alam naman naming pareho kung ano ’yun at ’yung mga taong nakapaligid sa amin, alam na alam din ’yun.”

Inamin din ni Ogie na bago pa mag-expire ang kontrata ng aktres ay nagtanong siya kung magre-renew ba ulit ito sa kanya. At ang sagot umanio ng tiyahin ni Liza ay pag-iisapan pa nila.

“Matatapos na lang ’yung kontrata hindi ako nagsalita, na nu’ng nag-Zoom meeting kami kasama si Tita Joni [tiyahin ng dalaga], tinanong ko siya, ‘’Nak gusto mo bang mag-renew sa akin?’ Tapos, pag-iisipan nila. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ayun. Wala na akong utang sa sarili ko kasi nasabi ko na ’yung aking intensyon na mag-renew.”

Magalang naman daw na nag-message nang hiwalay sa kanya si Liza sa pamamagitan ng Viber.

Hindi na idinetalye ni Ogie ang laman ng mensahe ni Liza pero long story short, pinayagan umano niya ito sa pagpapa-alam nito.

“Pag happiness ng tao ’yung concern, ibinibigay ko ‘yan.  Pag may mga talents na nagpapaalam sa akin na aalis na, pinapayagan ko agad

“Ang sine-save ko kasi ’yung friendship kasi ang haba ng panahon na pinagsamahan ninyo, e. Hindi mo dapat sayangin ’yun dahil wala ka nang kinikita sa bata o wala na akong naibibigay na project sa bata.

“Hindi doon nagtatapos ang relasyon dahil lagi ko ring sinasabi yan kay Liza na hindi mo dapat pinuputol ’yung tulay. Kasama don sa kanyang mensahe na gusto niyang mag-try sa Hollywood.”

Aminado naman daw siyang hindi sakop ng kanyang kapasidad as manager ang level-up na pangarap ni Liza. 

“At s’yempre hindi naman ako ’yung tipong alam ko rin hanggang Hollywood. Hanggang dito [Pilipinas] lang ang kaalaman ko bilang manager. Sasabihin siguro ng iba, ‘Ang babaw naman kung ‘yun lang baka may mas mabigat pang dahilan kung bakit maghihiwalay na kayo ni Liza Soberano?’

“Ang sagot ko d’yan siyempre naman eleven years hindi na po masama ’yung eleven years na pagsasamang nabuo namin nu’ng bata bilang ako ’yung pangalawang ama niya,” pagpapatuloy ni Ogie.

Hindi rin niya nakalimutang i-share sa kanyang mga manonood na malaki ang utang na loob niya kay Liza dahil sa laki ng mga kinita niya dito bilang manager na naging dahilan para maipagamot at madutungan ang buhay ng kanyang bunsong anak na si Meerah, na ititunuring nilang miracle sa tunay na buhay.

“’Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki dahil ’yung mga kinita ko sa kanya, doon din naman ako humugot para mabuhay ’yung anak ko na si Miracle.

“’Yun man lang maisip ko para wala kang itatanim na sama ng loob sa bata, wala kang bitbit, wala kang kargo sa loob mo kasi doon man lang. Timing na timing ang pag dating ni Liza Soberano sa buhay ko at in fairness sa bata nagpasalamat siya dahil magkatuwang naming binuo ang mga pangarap niya. Kaya nu’ng nagsabi siya na gusto muna niyang i-handle ang kanyang sarili ay pinabayaan ko siya.

“Para alam niya kung ano ang gusto niya, anong branding na gusto niya o gagawin niya.”

Sa huli, siniguro daw niyang alam ni Liza na hindi pa rin siya tinatalikuran ni Ogie at mananatili ito present para sa kanya any time.

“Ito lang ang iniwan ko sa kanya: ‘Anak kapag may problema ka, kapag may gusto kang malaman, kapag mayroon kang tanong na hindi mo alam ang sagot, nandito lang ako.’”

Ipinagdiinan din ni Ogie na hindi porke’t umaalis ang talent sa isang manager ay nangangahulugang mahinang manager na ito; in the same manner na hindi porke’t binitiwan ng isang manager ang isang talent ay mahinang talent na ito.

Inilatag na rin ni Ogie na wala na ring kontrata si Liza sa Star Magic, Star Cinema, at ABS-CBN.

However, klinaro niyang hindi nagkulang ang ABS-CBN at Star Magic kay Liza. Patuloy daw ang pagpi-pitch ng mga ito ng proyekto para sa kanila ni Enrique Gil pero dahil sa pandemic ay hindi na sila nakagawa ng pelikula o teleserye.

Bukod dito, hindi rin nagkatagpo ang mga gusto nina Liza at Enrique in terms of storyline dahil minsan gusto ni Liza, ayaw naman ng aktor; at kapag gusto naman ito ng binata, ay ang aktres naman ang may ayaw.

Ang pangakong binitawan lang daw ni Liza sa ABS-CBN ay kahit wala na siyang kontrata sa network ay dito pa rin siya gagawa ng TV series if ever; na mananatili umano itong Kapamilya kahit saan siya dalhin ng kanyang mga paa.

At tungkol naman sa inaasam na project ni Liza sa Hollywood, inamin ni Ogie na ang Team ni James Reid na ang manager ngayon ng aktres.

“’Yung transition ay unti-unti, pinapasa na namin sa kanila [kina James] at ipinakilala na ako sa team ni James,” sambit pa ng manager ni Liza hanggang sa katapusan ng Mayo.

Sa madaling salita hindi lang as friends ang drama nina James at Liza kaya magkasama sila sa isang event sa Los Angeles kundi as manager-talent na.

“Hindi lang si James ang kasama ni Liza kundi marami sila kasi meron silang business as group,” paglilinaw pa ni Ogie.

Tanong naman ni Mama Loi, “Nay linawin natin ’yan, career sa US at sa Pilipinas [ang ima-manage ng team ni James]?”

“Yes!” mabilis na sagot ni Ogie.

Lahat ng kontrata ni Liza ay si James na daw ang signatory.

At dito na masayang ibinalita rin ni Ogie na marami raw nag-renew ng endorsement contracts kay Liza na kasama pa rin daw siya sa pakikipag-usap bilang bahagi ng transition pero si James na umano ang signatory.

Sa kasalukuyan ay hindi pa raw nagkikita at nagkakausap nang harapan sina Ogie, Liza, at team ni James para sa pormal na turn over dahil nga wala sa bansa ang aktres at ang singer/actor/talent manager.

Sa huli, natanong ni Mama Loi kung nasaktan si ba si Ogie sa hindi na pagre-renew si Liza sa kanya?

“Ay mamatay, wala! Kasi ganu’n nga akong tao pag gusto ng talent ng growth at feeling niya magkakaroon siya ng growth sa iba at feeling niya mas sasaya siya sa iba, ibinibigay ko. 

“Kasi napaka-importante ngayon, Loi, ng mental health. Napaka importante na nandoon ka pa rin sa ’yong sanity. So, kailangan ibigay mo /yung happiness doon sa tao,” pagtatapos ng manager  ni Liza Soberano for eleven years.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.