Ogie Diaz, malakas ang pulso na sasabak na sa pulitika si Coco Martin sa 2022 elections

PHOTOS: @ogie_diaz & @mycocomartin on Instagram

PHOTOS: @ogie_diaz & @mycocomartin on Instagram

May kutob daw ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na papasukin na rin ng aktor na si Coco Martin ang pulitika sa darating na 2022 national election. 

Ito ang napag-usapan nila ni Mama Loi sa kanyang vlog entry last May 5 sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel. 

Si Coco Martin tatakbo, yes, sa 2022,” panimula ng kilalang talent manager and celebrity vlogger. 

Patawang hirit naman ng ka-banter niyang si Mama Loi sa kanyang sinabi, “Lagi naman s’yang tumatakbo du’n sa Probinsyano.”

Oo nga sa Probinsyano, pero ito sa politics,” sagot ni Ogie. 

Pakiramdam raw n’ya ay naimpluwensyahan si Coco ni Sen. Lito Lapid na dati nitong co-star nito sa Probinsyano sa loob ng ilang taon. However, hindi pa raw batid ni Ogie kung congressman o senador ang tina-target na posisyon ni Coco kung sakali.

Hindi malinaw sa ‘tin kung congressman si Coco o senador pero feeling ko national [position] ang target. Feeling ko ‘yan,” lahad pa n’ya. 

Kasi si Lito Lapid nakasama n’ya sa Probinsyano, ‘di ba? So, isa siguro sa mga advisers n’ya si Senator Lito Lapid na nagtutulak sa kanya [na pasukin ang pulitika].”

Pagpapatuloy pa ni Ogie sa vlog: “Siguro ang naging bentahe ni Coco doon ay ‘yong artista s’ya, kilala s’ya, at tagapagtanggol s’ya ng mga naaapi.

Natanong naman ni Mama Loi kung may kaugnayan ba ang sinasabing pagtakbo ni Coco sa pulitika sa bali-balitang magwawakas na ang pinagbibidahan nitong teleserye. 

Pero nu’ng nakaraan pang mga eleksyon umugong-ugong ‘yong tatakbo si Coco pero hindi naman natutuloy. Ngayon, tingin mo matutuloy ito dahil may ugong na din na matatapos na ang Probinsyano?” tanong n’ya sa kaibigan. 

Matatapos naman talaga ‘yong Probinsyano,” sagot sa kanya ni Ogie. “Imagine-in mo, 2015 pa sila [nagsimulang umere]. So, anim na taon din. Nakakaloka, hindi ba? Siguro kay Coco, gusto n’yang lumangoy naman sa ibang beach.”

Inusisa din ni Mama Loi kung tingin niya ay ready na si Coco sa mga magiging hamon kapag pinasok nito ang pulitika.
 
Kasi, s’yempre, ‘di ba, iba ‘yong popularidad lang sa magiging trabaho mo after mong manalo?” tanong ni Mama Loi. “E, d’yan, ‘di ba, balitaktakan…’yong parliamentary procedure. ‘Di ba, mga nag-e-English-English [ang mga tao] d’yan? Privilege speeches…”

Dinepensahan naman ni Ogie ang aktor at sinabing, “Ikaw naman, iniinsulto mo naman si Coco [na] hindi n’ya alam ‘yon?

Hindi,” paglilinaw ni Mama Loi. “Kaya ko nga tinatanong sa ’yo. Sa tingin mo ba prepared na s’ya para d’yan?

Kung ‘yon lang daw ang concern ni Loi ay p’wede naman daw ‘yon aralin, sagot ni Ogie. Inihalimbawa pa n’ya ang naging co-actor ni Coco at senador ngayon na si Lito Lapid. 

Alam mo, inaaral naman ‘yan, Loi. Ano ka ba? Best example [d’yan] si Senator Lito Lapid,” esplika ng komedyante sa kaibigan. “Pumupunta ba ‘yan sa podium para dire-diretso s’yang mag-Ingles? Di ba, minsan may kodigo pa ‘yan? Kasi nobody is perfect. 

Basta ang puso mo ay sincere sa paglilingkod, ang puso mo ay nakalaan talaga para sa taumbayan, e di go ahead. ‘Di ba, lahat may karapatang tumakbo. Ang question d’yan, lahat ba may kakayahan [manuno at maglingkod]?”

Sumang-ayon naman si Mama Loi at muling nagtanong, “Ikaw ba sa tingin mo may kakayahan si [Coco]?”

Sa puntong ito sinabi ni Ogie na hindi naman daw batayan ng pagiging magaling at effective na lider ang husay nito sa pagsasalita sa wikang Ingles. 

Bakit naman hindi? E marami nga tayong inaasahan na ibinoto, hindi ba? Nag-i-Ingles-Ingles pa pero corrupt…pero baluktot ang pag-iisip. Mga nag-i-Ingles-Ingles ‘yan, ‘di ba? Minsan may abogado pa pero tinu-twist n’ya ‘yong facts. Gumagawa pa ng fake news,” tila may hugot na lahad ni Ogie sa video. 

“So, anong batayan mo na dapat magaling mag-English [ang isang elected official]? E ‘yon [iba] nga, magaling mag-English pero wala namang ginagawa,” patuloy ni Ogie.

Dagdag pa n’ya, “Alam mo, importante sa ‘tin ngayon, ano, sa panahon ng pandemya ‘yong kung sino man ang tatakbo for national election, dapat nakikita nila doon sa baba. Bumababa. Hindi lang nagbababa ng salita pero s’ya mismo physically hindi bumababa. ‘Yan ang importante ngayon.

At muli na namang nangulit si Mama Loi at nagtanong, “So, nay, iboboto mo si Coco?”

Bakit naman hindi?” Agad na sagot ni Ogie. “Kasi kapag si Coco nanalo, aalalayan ko ‘yan.

Basta ang importante, ang puso mo para sa tao at tsaka para sa bayan at para sa [D’yos],” dugtong pa n’ya. “Pag hindi mo s’ya inisip [at] puro katarantaduhan ‘yang ginawa mo, p’wede kang mag-prosper pero may bawi ‘yan. ‘Yon ang aabangan mo. 

Kaya kung tatakbo si Coco bilang senador, go!” pasigaw n’yang sambit.

“Huh? E, ‘di ba, senador naman na s’ya?” tila naguluhang tanong naman ni Mama Loi. “Si Coco.”

Na-gets naman agad ni Ogie ang joke ni Mama Loi at sinabing, “Si Pimentel ‘yon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Montes shares a photo of her comeback project; receives massive support from celebrity friends and excited fans

Pika's Pick: Julia Montes is heavily promoting Coco Martin’s MMFF 2019 movie

Pika's Pick: Julia Montes shows support to rumored boyfriend Coco Martin by helping promote his MMFF movie

Pika’s Pick: Coco Martin posts the same photo that Julia Montes first posted to greet him on his birthday

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.