Ogie Diaz, nagbigay ng benefit of the doubt at belated suggestions kay Toni Gonzaga ukol sa naging papel nito sa pag-i-introduce kay Marcoleta

Analysis ni Ogie Diaz sa naging papel ni Toni Gonzaga sa UniTeam proclamation rally:  “Malinaw dito na hindi sinasaklawan ng ABS-CBN workers o ’yong mga nawalan ng trabaho kung sino ’yong choice na presidente ni Toni. Ang hindi lang nagustuhan ay si Toni in-introduce pa ’yong tao na nagpasara sa ABS-CBN. ’Yon lang po ’yon.”

SCREENSHOT: Ogie Diaz Showbiz Update on YouTube & @bongbongmarcos on Instagram

Analysis ni Ogie Diaz sa naging papel ni Toni Gonzaga sa UniTeam proclamation rally: “Malinaw dito na hindi sinasaklawan ng ABS-CBN workers o ’yong mga nawalan ng trabaho kung sino ’yong choice na presidente ni Toni. Ang hindi lang nagustuhan ay si Toni in-introduce pa ’yong tao na nagpasara sa ABS-CBN. ’Yon lang po ’yon.”

Nagbigay ng suggestions ang comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz sa naiintriga ngayon na si Toni Gonzaga dahil sa pagpapapahayag nito ng suporta nito sa UniTeam ng ninong n’ya sa kasal na si dating senador Bongbong Marcos (BBM).

Inuulan kasi ng kristismo ngayon ang TV host-actress mula mismo sa mga dating manggagawa ng ABS-CBN dahil maliban sa pagsuporta n’ya sa anak ng late dictator ay in-introduce din n’ya ang SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta who is running for senator.

Kung matatandaan, isa si Marcoleta sa 70 congressmen na bumoto para hindi na bigyan pa ng bagong prangkisa ang ABS-CBN na nagresulta para mawalan ng trabaho ang libo-libong empleyado ng TV network. 

Tsika ni Ogie sa kanyang vlog na in-upload sa YouTube kahapon, February 10, may mga humingi raw ng reakson n’ya sa naging pasya ni Toni. Matatandaan kasi na dinepensahan pa n’ya noon ang aktres noong naba-bash ito after n’yang ma-interview si Marcos sa kanyang vlog. 

Kung nu’ng nakaraan dinefend ko pa si Toni dahil vlog n’ya ’yon, channel n’ya ’yon. Kahit anong gusto n’yang gawin or kahit sinong gusto n’yang interview-hin ay magagawa n’ya, hindi ba?” pagbabalik-tanaw ni Ogie sa simula. 

“As long as hindi s’ya lumalabag sa community standard ng YouTube so okey lang. Lalo na, alam naman natin na s’ya ay inaanak…silang dalawa ni Paul Soriano ay inaanak sa kasal ni BBM. So understandable ’yon. Kahit ang mga empleyado po ng ABS-CBN, ang mga production staff ng ABS-CBN intinding-intindi ’yon.

Pero hindi raw masisisi ni Toni kung ganu’n na lang ang galit ng mga former employees dahil tila kinalimutan na raw nito ang nangyari sa kanila noon. May kinakaman ang himutok ng mga nawalan ng trabaho sa pag-i-introduce ng dating Pinoy Big Brother host kay Rep. Dante Marcoleta na para sa kanila ay tantamount to Toni supporting the congressman na isa sa masigasig na hindi mabigyan ng prangkisa noon ang ABS-CBN. Dito nag-cringe, so to speak, ang mga taga-ABS-CBN.

Dito po sa kanyang pag-i-intro o sa kanyang pagpapakilala na parang iprinomote pa raw ni Toni Gonzaga si Rodante Marcoleta bilang susunod na senador,” saad ni Ogie. “Na-hurt kasi ’yong mga taga-ABS kasi si Marcoleta nga ang dumikdik para hindi nga mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. So, naiintindihan natin ’yon.

Nagbigay pa ng benefit of the doubt ang talent manager na baka naman daw nakalimutan ng aktres ang naging role ni Marcoleta sa sitwasyon ng ABS-CBN ngayon. 

Siguro kay Toni, bilang binabasa lang naman n’ya…may binabasa po s’yang monitor kung pa’no n’ya ipakikilala ang susunod na magsasalita, e, doon lang s’ya nakatuon,” pag-i-imagine pa ni Ogie. 

Siguro din, nakalimutan ni Toni na ’yon palang si Marcoleta ang isa sa dahilan kung bakit hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Nakalimutan siguro ’yan ni Toni,” dagdag pa n’ya.

Pero kung ito ay hindi nakalimutan ni Toni at pinaninindigan n’ya…na trabaho n’ya bilang host na ipakilala ang lahat ng magsasalita, so be it.”

Pero dahil ang natapos na event ay cannot be undone, in-analyze na lang ni Ogie ang mga possible sanang ginawa ni Toni para naka-iwas makasakit ng damdamin ng mga dating kasamahan nito sa trabaho. 

May nagtanong sa akin, ‘Ikaw ba i-introduce mo si Marcoleta?’ Ang sagot ko, hindi. Hindi ko s’ya i-introduce. Dapat sa una pa lang, binigay na sa akin ang script, nababasa ko na ’yan,” paliwanag n’ya.

Kung ako ’yon ha, ‘Baka p’wede naman ako magkaroon ng co-host? Para naman ’yong co-host ko s’ya ang mag-introduce nu’n. Kasi ayaw kong saktan ang damdamin ng mga kasamahan ko sa ABS-CBN lalo na’t nagbaba ako ng salita na hinding-hindi namin makakalimutan ’yong mga taong naging dahilan kung bakit nawala ang ABS-CBN,’” sabi n’ya.

Pag-uulit pa Ogie: “Kung ganoon, dapat kumuha si Toni ng co-host. Para ito ’yong mag-introduce sa mga taong ayaw n’yang ipakilala dahil hindi n’ya makalimutan ang ginagawa nito.  Sana ganu’n ang ginawa ni Toni.”

Ayon pa sa kanya, Toni was only doing her job as host pero meron pa rin naman daw itong personal choice. 

Ako, personally, ginagawa lang ni Toni ang kanyang trabaho. Pero kung meron akong choice bilang ako si Toni at bilang ayokong saktan ang damdamin ng mga kasamahan ko magre-request ako ng co-host,” mahinanong pagsa-suggest ni Ogie regarding what-could-have-been-done.

Lalo na ikapapaos ko ito dahil ako lang pala mag-isa? Di ba? Para kung si Toni naka-red, ’yong co-host n’ya naka-green. Dapat ganu’n, ano? Sayang.

Diin pa n’ya: “Malinaw dito na hindi sinasaklawan ng ABS-CBN workers o ’yong mga nawalan ng trabaho kung sino ’yong choice na presidente ni Toni. Ang hindi lang nagustuhan ay si Toni in-introduce pa ’yong tao na nagpasara sa ABS-CBN. ’Yon lang po ’yon.

At dahil nga sa panawagan ng kanyang mga kritiko, nag-step down na si Toni bilang main host ng Pinoy Big Brother noong Miyerkules, February 9, at in-endorso ang co-host at kaibigang si Bianca Gonzalez bilang kapalit niya.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.