Ogie Diaz, naniniwalang hindi ginagamit ni Ion Perez ang kaibigan niyang si Vice Ganda

Ang gusto ni Vice kasi ’yong lalaki na hindi siya tinitingnan as Vice Ganda. Ayaw niya. Nao-off siya. Gusto niya si Jose Marie Viceral siya. ’Yon ang tingin sa kanya. Kaya nga naloloka siya pag may mga lalaking, ‘Wala akong pakialam kung Vice Ganda ka noh!’ Mas gusto niya ’yong gano’n.

Photos: Instagram

Ang gusto ni Vice kasi ’yong lalaki na hindi siya tinitingnan as Vice Ganda. Ayaw niya. Nao-off siya. Gusto niya si Jose Marie Viceral siya. ’Yon ang tingin sa kanya. Kaya nga naloloka siya pag may mga lalaking, ‘Wala akong pakialam kung Vice Ganda ka noh!’ Mas gusto niya ’yong gano’n.

Kasalukuyang nasa Shibuya, Japan sina Vice Ganda at ang kanyang “katuwang sa buhay” na si Ion Perez para i-celebrate ang Halloween at para sulitin na rin ang maikling undas holiday.

Ang Shibuya kasi ang paboritong dayuhin ngayon ng mga turista dahil all-out kung mag-cosplay ang mga Hapon kapag Halloween. In fact, hindi nagpatalbog ang magsing-irog na Vice at Ion dahil naki-cosplay sila as Disney’s Princess Jasmine at Aladdin.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Ang relasyong Vice at Ion ang isa sa mga nausisa ng press kay Ogie Diaz sa presscon kamakailan ng co-produced niyang pelikula na Two Love You. Bukod kasi sa dati siyang manager ni Vice ay alam naman ng publiko ang lalim ng kanilang friendship. 

And Ogie has only good words for Ion.

“Si Ion, mabait ’yong bata,” sagot ni Ogie sa tanong kung boto ba siya dito para sa kaibigan. “Nakilala ko, sobrang bait. At sobra siyang [Vice] mahal... sobra siyang mahal. At saka si Ion, pag alam niyang masaya si Vice, mas masaya siya. At saka nakakatuwa si Ion kasi nagbantay talaga kay Vice sa hospital.”  

[Ang tinutukoy ni Ogie na pagkaka-ospital ni Vice ay naganap- lang October 23, kung kailan isinugod si Vice sa ospital dala ng food poisoning.]

At bilang Ate Ogie siya ni Vice, humingi ba ng advise si Vice sa kanya bago nito inamin sa publiko kamakailan ang pagiging hindi na niya nag-iisa?

Naganap ang pag-amin ni Vice at Ion matapos ang special solo performance ni Vice sa 10th anniversary celebration ng It’s Showtime last October 26, kung saan sinabi ni Vice na: “you don't need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and glory that.”

Sinagot naman ito ni Ion ng isang halik sa pisngi at ng mga katagang: “Bonus lang na naging Vice Ganda siya, pero ’yon talaga ’yong minahal ko, si Tutoy.” 

ABS-CBN Entertainment

“Ay malaki na si Vice,” say ni Ogie. “Alam na niya yan at saka nataymingan naman niya o, sino’ng kumuwestyon? May nandiri ba? Wala naman, e. Gano’n na talaga sa panahon ngayon noh! Kahit ma-in love ka sa aso diba? E, happiness niya ’yon, e, diba? Ito pa kaya sa tao?”

Dagdag na ni Ogie, hindi na raw siya nagtaka na nag-fall si Vice kay Ion dala na rin ng pagiging genuine ng huli.

“At saka si Vice, ang gusto ni Vice kasi ’yong lalaki na hindi siya tinitingnan as Vice Ganda. Ayaw niya. Nao-off siya. Gusto niya si Jose Marie Viceral siya. ’Yon ang tingin sa kanya. Kaya nga naloloka siya pag may mga lalaking, ‘Wala akong pakialam kung Vice Ganda ka noh!’ Mas gusto niya ’yong gano’n. Ayaw niya ng: ‘Hi, Vice!’ ’yong huma-haleluya sa kanya. Ayaw niya nang gano’n. Gusto niya tina-trato siyang normal na si Tutoy. Sabi nga ni Ion, ‘Hindi siya si Vice Ganda, si Tutoy siya sa akin.’ Gano’n.”

Ganu’n pa man, meron at merong bashers ang relasyong Vice-Ion lalo pa’t napakalaking artista ni Vice. May mga naniniwalang may nagaganap na pang-ga-gamit sa part ni Ion sa pakikipagmabutihan nito kay Vice.

Hindi agree dito si Ogie.

“Hindi. Hindi Dyusko, kung maka-raket nga si Ion ngayon ang taas ng rate niya. Oo, mataas ang rate ng provincial show ni Ion kaya natutuwa si Vice kasi ang taas ng rate ni Ion. So, kailangan ba niya si Vice na gamitin? Hindi.” 

Pero anu’t anuman daw, labas na raw tayong lahat doon lalo pa’t happiness naman ng isang tao ang involved.

“Pero generally speaking ang mga bakla pag nagbigay kasi gusto nila ’yon, happiness nila ’yon. Walang makakapigil sa kanila.” 

Incidentally, November 13 na ang showing ng pinrodyus ni Ogie na Two Love You which stars Lassy Marquez and MC Muah na mga ka-batuhan din ng jokes ni Vice noong araw sa mga comedy bars. Gaya ni Vice, whom also mentors the two, naniniwala si Ogie na matindi rin ang ibubuga ng dalawang komedyante sa mainsteam showbiz. 

Lassy and MC are joined by Yen Santos, Hashtag Kid Yambao, at Dyosa Pockho in the film, which is directed by Benedict Mique.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda admits relationship with Ion Perez

Vice Ganda, pinag-iisipan na raw magka-anak dahil sa kakakumbinsi ni Ogie Diaz

Vice Ganda posts picture with Ion Perez for the first time on Instagram feed

Vice, nakahanap ng kapayapaan kay Ion?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.