Ogie Diaz, nilinaw na walang "personal na galit" kay Cong. Alfred Vargas

PHOTOS: @ogie_diaz & @alfredvargasofficial on Instagram

PHOTOS: @ogie_diaz & @alfredvargasofficial on Instagram

Nilinaw ng komedyanteng si Ogie Diaz kung may personal ba s'yang galit sa actor-politician na si Alfred Vargas.

Aksidente kasi itong naitanong sa kanya ng kaibigang aktres na si Aiko Melendez nang i-guest n'ya ito sa kanyang YouTube vlog na in-upload last January 16 kung saan kumasa sila sa lie detector challenge. 

Nagsalitan ng mga tanong ang dalawa while using the lie detector gadget para malaman kung nagsasabi ba sila nang totoo. 

At dito, candidly—or more of accidentally—ay natanong ni Aiko si Ogie kung galit ba s'ya sa kongresista.

"Galit ka ba kay Alfred Vargas?" tanong ng aktres sa comedian and talent manager. "Well, ako kasi ka-Facebook kita and naka-public naman 'yong Facebook mo, 'di ba? Medyo nasisita-sita mo si Alfred. Personal ba 'yong galit mo sa kanya? Oo o hindi?"

Bago sagutin ang tanong ay pumalag muna si Ogie.

"Saan ko nasulat, Aiko, na si Alfred ay..." balik n'ya kay Aiko. 

Dito na-realize ni Aiko na nadulas ang kanyang dila.

"Ay! Oh my God," bulalas ng Kapuso actress. "Napag-uusapan lang pala natin. Hahaha. Wala ka ba nasulat sa wall mo?"

"Wala," tugon ni Ogie. 

"Ay, blind item nga pala 'yon," natatawang sabi ni Aiko. "Sorry. Hindi mo ako p'wede i-guest dito. Nadudulas ako."

At dahil naitanong na nga, sinagot na lang ito ni Ogie at sinabing wala naman s'yang personal na galit sa congressman ng District 5, Quezon City. 

"'Yong galit ko hindi personal," paglilinaw n'ya. "Siguro hindi galit 'yon kundi tampo lang, tampo na hindi s'ya nanindigan sa botohan."

Ang tinutukoy ni Ogie ang pag-i-inhibit ni Alfred Vargas sa botohan ng mga kongresista kung bibigyan ba ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN last June, 2020. 

May ilan kasing mga aktor na naging congressman din ang talagang nanindigan at bomoto against the media giant, may ilan ding pumabor, unlike daw kasi kay Alfred na tila hindi nakapagdesisyon.

"Okay lang 'yong iba, e," pagpapatuloy pa n'ya.  "Si Dan Fernandez, yes to shutdown. Si Yul Servo, yes to shutdown. S'ya [si Alfred], nag-abstain. 

"Hindi naman ako bumibilib kina Dan at Yul. Medyo na-pressure din naman sila. Gusto ko na lang intindihin sa part na 'yon."

Sey pa ng comedian-vlogger, nakatulong din naman daw ang Kapamilya network kay Alfred para marating n'ya kung nasaan man s'ya ngayon. 

"Nag-abstain s'ya, e, once upon a time nakatulong din naman kay Afred ang ABS-CBN," lahad pa n'ya. "At nagpakilala din naman ang ABS-CBN sa kanya para mapunta s'ya sa posisyon kung saan s'ya ngayon. 

"So 'yon lang ang tampo ko na sana, e, hindi ka nag-abstain," direktang pag-a-address pa n'ya sa actor-politician. "It's either yes or no. Sa pagka- ganu'n pa, e, 'di ba, parang mas may bayag pa si Yul at si Dan Fernandez. Hinahangaan ko sila kasi may bayag sila pero hindi naman nangangahulugan na gusto ko sila."

Nauna nang naglabas ng statement ang kampo ni Alfred sa ginawa n'yang pag-i-inhibit sa botohan at iyon ay para maiwasan ang "conflict of interest."

Nai-share pa ni Ogie ang usap-usapan na may balak daw tumakbo si Alfred sa pagka-senador sa susunod na eleksyon kaya sinubukan niya itong kumpirmahin kay Aiko. 

Hindi naman daw ito alam ni Aiko. Kaya nag-follow up question na lang siya kay Ogie kung sa tingin ba n'ya ay mananalo si Alfred kung kakandidato nga ito sa pagka-senador.

Tugon ni Ogie, ang mga botante daw ang makakasagot nu'n. 

"Good luck. Hindi ako para mag-decide d'yan. Ang mga tao ang magde-decide d'yan, hindi para panghimasukan ko 'yong boto ng mga tao," pagtatapos ni Ogie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ogie Diaz refused to feature unnamed movie star in his vlog after latter was in favor of ABS-CBN shutdown

Tekla, isiniwalat kay Ogie Diaz na panakot ng dating ka-live in niya tuwing maga-away sila na ipapa-Tulfo siya nito

Ogie Diaz, niyaya daw ng isang aktor para sa "one night stand" noon; inamin ding na-in love kay Michael Locsin at Romnick Sarmenta

 

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.