Ogie Diaz sa mga bashers ni Angel Locsin: “Kung ikamamatay n’yo na ganu’n ang size ni Angel, ipalilibing ko kayo...”

PHOTOS: @ogie_diaz on Instagram & @KyahmoREY on Facebook

PHOTOS: @ogie_diaz on Instagram & @KyahmoREY on Facebook

Binanatan ng comedian and talent manager na si Ogie Diaz ang mga bashers ng aktres na si Angel Locsin.

Ito ang naging content ni Ogie sa kanyang latest vlog entry na in-upload last February 16 sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Sa nasabing video kasi, napag-usapan nila ng co-host n’ya na si Mama Loi ang nag-viral na photos ni Angel in her red dress last week na tila behind-the-scene shots sa weekly show n’ya na Iba ‘Yan.

Pinuri ng ilang Netizens ang aktres dahil sa patuloy pa rin nitong pagkakawang-gawa; habang may ilan ring mas piniling i-body-shame ang aktres.

Sey naman ni Ogie, manhid na daw sa negatibong komento ang aktres dahil nasanay na ito sa tagal nitong nasa showbiz.  

“Feeling ko, hindi na nasasaktan sa mga ganyang paninira o ganyang panlilibak si Angel Locsin,” pahayag ng comedian-vlogger.  “Kumbaga, sa tagal n’ya dito sa industriya hindi na para iyakan pa ‘yan ni Angel. Pinanday na ‘yan ng panahon sa mga intriga sa kanya.

Hindi daw kasi alam ng karamihan na may iniindang sakit sa likod ang aktres na nakuha n’ya habang nagti-training noong 2015 para sa pagbibidahan sana n’yang Darna movie.

Alam mo, hindi alam ng iba ‘yong hirap ni Angel kasi meron s’yang ano, ‘di ba? Parang may lower back problem s’ya na ipinunta pa n’ya ‘yan sa Singapore pero parang bale wala din,” pagre-recall ni Ogie.

Ito ang dahilan kung bakit nag-back out ang aktres at napunta kay Liza Soberano ang role na kalaunan ay umayaw din dahil din sa isang aksidente. At present ay si Jane de Leon na ang napili para gampanan ang role ng iconic Pinay superhero.

Pagpapatuloy pa ni Ogie, ang mas importante palagi ay ang happiness ng isang tao. 

Itong si Angel, sa sobrang sanay na s’ya sa showbiz hindi na ‘yan nagre-react,” dagdag pa n’ya. “Kahit naman ako. D’yos ko. Alam mo, at the end of the day, ang importante [ay] happiness. And Angel chose to be happy. Kung ganu’n ang built n’ya e baka happy si Angel. 

Sino naman tayo para kumontra? Sa inyo ba kumukuha ng ipangkakain si Angel para s’ya ay lumaki nang ganu’n?” buwelta pa n’ya sa mga bashers ng aktres. 

Pagsa-suggest pa n’ya sa mga ito, i-edit na lang daw nila ang photo ni Angel kung naiinis silang makita ‘yon.

“Kung nakikita n’yo ang mga larawan ni Angel at kayo ay naiirita dahil sa laki ni Angel, marunong naman siguro kayo mag-edit. I-edit n’yo na lang ‘yong picture,” sey pa ni Ogie. “Kayo nga hindi pinoproblema ni Angel Locsin. Kayo pa poproblemahin ni Angel Locsin? Hello?”

At kung halimbawang s’ya ang naging manager ni Angel Locsin, wala daw s’yang choice kundi suportahan ang aktres dahil ito at ito lang din ang makakapag-decide para sa kanyang sarili.  

“Anyway, pinili naman ni Angel ‘yan. Kung sa edad ni Angel ha, gan’yan pa rin s’ya kalaki, ako bilang manager okey na ‘yan basta happy ka,” lahad pa ni Ogie. “Alam mo, sa panahon ngayon na nauuso ang anxiety attack, panic attack, depression… Hindi para gulugin mo pa ‘yong utak ni Angel.”

Nagbigay pa s’ya ng scenario na kunwari ay pinagsasabihan n’ya ang actress-humanitarian aid worker tungkol sa body size nito. 

Sasabihin mo kay Angel, ‘Hoy, Angel, ako ang manager mo. Makinig ka sa akin. Hindi tayo kikita hangga’t hindi ka pumapayat, hindi ka naglo-lose ng weight. Hindi tayo kikita.’ 

“Pa’no kung sagutin ako ni Angel na, ‘Nakapag-invest naman na po ako. So ano pong problema ko? Wala po. Happy po ako this way.’

O, ‘di ba? At the end of the day, ikaw pa rin ang may kinalaman at may concern sa sarili mo. Kasi nu’ng paanong sexy naman si Angel e kung puri-purihin din naman s’ya ng mga tao sa kanyang ka-sexy-han. Siguro ngayon… Naabutan kasi si Angel na payat s’ya at naabutan ngayon ng mga tao noon na s’ya ay lumaki ngayon kaya siguro naikumpara nila.

At muli na naman n’yang binuweltahan ang mga bashers ng aktres.

Bakit kayo maiirita? Bakit n’yo poproblemahin ‘yong problema ni Angel?” tanong n’ya. “E, si Angel nga hindi pinoproblema ‘yon. So anong problema n’yo? Bakit n’yo poproblemahin ang isang bagay na hindi naman problema? May problema [ba]?”

Dagdag pa ng komedyante, “Ang importente, buhay si Angel. Masaya si Angel. Nakakatulong si Angel sa mga nangangailangan. At ang tanong ko dito sa mga bashers na ito, kung ‘yon ang mga nagagawa ni Angel sa buhay n’ya ngayon na alam na alam natin… Ikaw, anong ambag mo?

Kung ikamamatay n’yo na ganu’n ang size ni Angel, ipalilibing ko kayo. Charot!” natatawang pagbibiro pa ni Ogie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Angel Locsin, ipapangalan sa mga kaibigang sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Angelica Panganiban ang mga alagang manok

Angel Locsin remains bothered by DepEd’s statement on module body shaming her

Ogie Diaz refused to feature unnamed movie star in his vlog after latter was in favor of ABS-CBN shutdown

Tekla, isiniwalat kay Ogie Diaz na panakot ng dating ka-live in niya tuwing maga-away sila na ipapa-Tulfo siya nito

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.