Ogie Diaz, sinaway ang YouTuber na nagsabing nakabuntis daw ang panganay ni Kris Aquino

PHOTOS: @ogie_diaz & @livelifewithkris on Instagram,

PHOTOS: @ogie_diaz & @livelifewithkris on Instagram,

Hindi pinalagpas ng comedian and talent manager na si Ogie Diaz ang isang YouTuber sa pagpapakalat nito ng fake news tungkol sa panganay ni Kris Aquino na si Joshua.

Sa kanyang vlog entry na in-upload last March 2 sa YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update” kung saan kasama n’ya si Mama Loi, sinaway ni Ogie ang hindi n’ya pinangalanang showbiz vlogger sa ikinakalat nitong pekeng balita. 

Hindi naman natin dinadalian ang pagtsi-tsika,” panimula ng komedyante sa kanyang vlog. “‘Yong iba kasi dinadalian ang pagtsi-tsika. Akala ng iba ganu’n kadali ang pagtsi-tsika.

At dito na n’ya inilahad ang tungkol sa isang showbiz vlogger na naglalabas ng fake news about Joshua Aquino on YouTube. 

Nakakaloka ‘yong isang YouTube talk show or something,” aniya. “Nakakalungkot lang na ang dami na n’yang ginagawang isyu na hindi naman totoo. 

Ang problema gawa ka nang gawa ng isyu hindi naman pinapatulan ng mga artista kaya kami na lang ang papatol,” pagbibiro pa n’ya sa vlog.

Sa inilabas kasing balita ng nasabing showbiz vlogger last February 28, sinabi nito na may girlfriend at nakabuntis daw ang panganay na anak ni Kris Aquino. Nahimatay din daw ang tinaguriang “Queen of All Media” nang malaman nito na magkakaapo s’ya kay Josh. 

Ang sinabi n’ya… Kinonpirm pa na si Joshua Aquino, ‘yong panganay ni Kris Aquino ay ikakasal na dahil ito ay nakabuntis,” paglalahad ni Ogie. “May girlfriend at nabuntis ang girlfriend at ikakasal na at si Kris Aquino daw ang gagastos.

Ang nakakaloka, wala namang statement si Kris [tungkol dito],” pagpapatuloy n’ya. 

Alam n’yo, mga scientist kayo,” pag-a-address pa n’ya sa gumawa nu’ng video report. “Mga imbentor. Wala namang ganu’n. 

At ang nakakaloka, ‘yong babae na nandoon [na naka-insert sa thumbnail]… Unang-una, dapat sinasabi n’yo kung anong pangalan nang nabuntis diumano ni Joshua. Ni wala kayong pangalan. Ang in-insert ata nila si Bingkay na yaya-yaya ni Joshua.”

Hindi naman daw inaalis ni Ogie ang kakayahan na makabuntis at maging ama ng 25-year-old son nina Kris Aquino and Philip Salvador pero wala daw katotohanan ang inilabas na report ng kino-call out n’yang vlogger.

Si Joshua talaga makakabuntis,” pahayag pa n’ya. “Hindi naman natin tinatapos ‘yong future ni Joshua na maging ama. Kaya lang, imposible naman [‘yong inilabas na report]. Gawa naman kayo ng [showbiz report na] makatotohanan.

Sey pa ni Ogie, kung magkaka-apo man daw si Kris sa kanyang panganay ay ito mismo ang unang magbabalita sa publiko. 

Dai, kung meron mang tao na una nating mababalitaan na nakabuntis si Joshua, ‘yan ay si Kris Aquino,” lahad n’ya. “Hindi papahuli si Kris Aquino. Kaya ‘yong nag-iimbento… D’yos ko. Tigilan n’yo ‘yang mga ganyan. Gusto n’yo lang maka-attract ng views.”

Kinuwestiyon din ng Kapamilya talent manager ang pagtu-turn off ng vlogger sa comments section sa inilabas nilang showbiz report. 

Kung totoo ‘yang hanash n’yo… Ang dami na nilang balitang waley ha. Kung totoo ‘yan, bakit tinu-turn off ninyo ang comments [section]?” tanong n’ya. “Wala nga kayong maipakitang screen grab ng IG [Instagram] ni Kris na kinonpirm nga n’ya.”

Binalaan din n’ya ang viewers na huwag agad maniniwala sa video na inilabas ng nasabing vlogger na as of this writing ay meron nang mahigit 457K views.

Sa netizens naman, sa nanonood ng showbiz news sa YouTube, huwag ho kayo basta-basta naniniwala sa mga binabasang report lang pero wala naman hong proweba na ipinapakita. 

Kasi ‘yan pong mga ‘yan ay nang-a-attract lang ng viewers para lumaki ang views at kumita sila,” pagtatapos ni Ogie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ogie Diaz, nilinaw na walang "personal na galit" kay Cong. Alfred Vargas

Ogie Diaz refused to feature unnamed movie star in his vlog after latter was in favor of ABS-CBN shutdown

Ogie Diaz, niyaya daw ng isang aktor para sa "one night stand" noon; inamin ding na-in love kay Michael Locsin at Romnick Sarmenta

Ogie Diaz, naniniwalang hindi ginagamit ni Ion Perez ang kaibigan niyang si Vice Ganda

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.