Ogie Diaz, wala raw galit kay BB Gandanghari; “Kung galit ka sa’kin, choice mo ’yan. Ako, choice kong hindi magalit sa’yo. Mahirap [kung] may karga.”

Open daw si Ogie Diaz sa  pakikipagkasundo kay BB Gandanghari kung sakali. “Hindi ko sinasara ang pinto. Pero s’ya pag nagsara ng pinto, again, choice n’ya ’yon. Hindi ko choice ’yon. Hindi kailangang mamagitan si Pareng Robin [Padilla]. Pero kung kinakailangan, why not?”

PHOTOS: @ogie.diaz.5 on Facebook & @gandangharibb on Instagram

Open daw si Ogie Diaz sa pakikipagkasundo kay BB Gandanghari kung sakali. “Hindi ko sinasara ang pinto. Pero s’ya pag nagsara ng pinto, again, choice n’ya ’yon. Hindi ko choice ’yon. Hindi kailangang mamagitan si Pareng Robin [Padilla]. Pero kung kinakailangan, why not?”

Ginawang kwela at light ng comedian-vlogger at talent manager na si Ogie Diaz ang pagsagot n’ya sa mga patutsada sa kanya ng actress at online personality na si BB Gandanghari.

Matatandaan kasi sa kanyang Instagram livestream ay binuweltahan ni BB si Ogie sa naging komento ng huli sa advice n’ya sa pamangking si Kylie Padilla at estranged husband nitong si Aljur Abrenica.

Payo ni BB sa former couple, “Being younger that you are, try to keep your dirty linen in the washroom…Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo, unang una.

Komento dito ni Ogie, paano daw pakikinggan nina Kylie si BB kung ito daw mismo ay hindi marunong magtago ng kanyang mga dirty linens dahil binubuko rin nito sa publiko ang mga dapat ay private knowledge lang.

Hindi ito ikinatuwa ng actress-vlogger kaya while driving ay naglintanya ito sa kanyang IG livestream against Ogie. Doon ay tinawag pa n’yang walang credibility ang komedyante. 

Sa vlog naman ni Ogie with Mama Loi kahapon, November 7, isa-isa n’yang sinagot ang mga naging patutsada sa kanya ni BB. 

Bakit? Ako ba ang pinatutungkulan n’ya? Hindi ako ang tinukoy n’ya, darling. Si Ogie Alcasid. Diaz po ako. Hahaha!” panimulang hirit ni Ogie.

Aniya, dahil sa mga sinabi ni BB ay ito daw mismo ang nagpatunay na may kredibilidad s’ya. 

Dito ko napatunayan na meron akong credibility. S’ya ang nagbigay sa akin ng credibility,” tila nag-aasar na sabi ni Ogie.  

“You know why? Kasi sinasabi naman natin dito na, ‘D’yos ko. Si BB pa? E, wala naman magagandang sinabi ’yan tungkol sa akin.’ 

“So, ine-expect ko na ’yan na titirahin n’ya ako. Ayan, nangyari na. Tinitira ako. E di, tama ako, ’di ba? E di, buo ang credibility ko. Hahaha! Kasi kung pinuri n’ya ako, ‘Ay, mali si Ogie.’ Nasanay na ako kay BB.”

Pag-amin pa n’ya dito, “Actually, pinanonood kita, BB, ha. Aliw na aliw ako sa’yo, promise. Wa echos.”

At naging seryoso si Ogie nang mapag-usapan ang manner ng pagla-livestream ni BB. Isang kamay lang kasi ang gamit nito sa pagmamaneho at ang isang kamay ay may hawak na camera stick. 

“BB, seriously ha. Grabe, hindi namin kaya ’yon…’yong nagla-live ka o nagba-vlog ka na ’yong isang kamay mo nasa manibela tapos ikaw nakaganyan ka [nakahawak sa selfie stick o monopod]. Sabi ko, ‘D’yos ko.’ Habang nagmamaneho…” pagpapatuloy ni Ogie. 

Nakaloka ang mga comment. Baka ma-misinterpret mo naman ang pagmamalasakit nila, lalo na kami. ’Wag mo nang gagawin ’yan next time. Baka kasi may ibang gumaya sa’yo na habang nagba-vlog ka o nagla-live ka e nagmamaneho ka. Baka madisgrasya ka.

Ogie went on: “Nakakaloka lang. S’yempre, tayo’y nangangamba para sa kanyang kaligtasan. Kahit galit ka sa’min, ang iisipin ko pa rin, e, ’yong kaligtasan mo, BB. Hindi mo na dapat ginagawa ’yon. Gawin mo ’yan sa bahay mo. 

’Wag habang nagmamaneho ka nagba-vlog ka. Kung mabangga ka ako pa sisisihin ng mga fans mo, ’di ba? Kasi tungkol sa akin ’yong kinukuda mo. E, alam mo naman, ’di ba? Rustom [Padilla] is dead. ’Wag na nating dagdagan,” pagbibiro pa n’ya.

Dapat daw ay maging halimbawa s’ya para pakinggan ng mga mas nakababata sa kanya ang kanyang payo. 

“Seriously speaking, ’wag mo nang dagdagan. Pa’no ka susundin ni Kylie at ni Aljur kung ikaw mismo naggaga-ganyan ka, ’di ba?” sey pa ng talent manager ni Liza Soberano. 

Bilang tito…tita ni Kylie, tama naman ’yong payo mo talaga. Kaya nga lang, ang point ko dito, mas maganda siguro kung hindi ka nambubuko ng iba.”

Sinagot din n’ya ang pagkakadamay ni Piolo Pascual sa issue nila. Depensa ni Ogie, hindi sila kundi si BB ang nagbanggit sa pangalan ng aktor. 

Nakakaloka ha. May binanggit kami?” tanong n’ya dito. “Wala kaming binabanggit. Ikaw ang nagba-blind item. Tapos ngayon hindi ka makatiis babanggitin mo ngayon ang pangalan. Nakakaloka. Nag-blind item ka pa. Hahaha!”

Wala din daw s’yang sey kung bakit nasama pa si Carmina Villarroel sa paliwanag ni BB sa livestream nito. 

Hindi ko naman kayo ginugulo. Ginugulo ko ba kayo ni Carmina? Hindi naman, ’di ba? O, anong issue? Hahaha!” natatawang saad n’ya. 

At kung nagtataka daw si BB at may nanonood pa sa mga vlogs ni Ogie, ito ang sagot n’ya: “Hayaan mo na. May kanya-kanya tayong audience, BB. Hindi ko naman para i-justify o hindi naman para i-dignify ’yong sinasabi mo against me. 

Kung wala akong kredibilidad para sa’yo, so be it. Wala akong kredibilidad para sa’yo? Oo, wala akong kredibilidad para sa’yo. Happy? Gusto ko happy ka.

At muling napag-usapan ang way ng pagla-livestream ni BB while driving. Marami kasing netizens ang pumuna dito dahil takaw-aksidente ito. 

Kaya tanong sa kanya ni Ogie: “Pa’no mo sasagutin ’yan? Sige nga. Pag nailusot mo ’yan… D’yos ko… Naku…punong puno ka ng kredibilidad. Hahaha!”

Dugtong pa ng komedyante, “Na-miss ko tuloy si Rustom…Tsika kami ni Rustom. Nu’ng nag-ibang anyo…ayan, hindi na. Hahaha! Nami-miss ko si Rustom. Hindi ako naniniwalang Rustom is dead. Basta nami-miss ko s’ya.

Pero ang importante naman daw sa ngayon ay somehow, nakapagbigay-aliw si BB sa publiko sa mga banat nito sa kanya. At napuri pa n’yang ang ganda daw ng aktres ngayon kaya p’wedeng pwede itong mag-endorse ng beauty products.

Oo, naman. Ako walang karapatang mag-endorse ng mga beauty products. Happy? Hahaha! Ang pangit ko kasi, e. Hahaha!” kargadong patawa n’ya.

Sinabi kasi ni BB sa kanyang livestream sa kanyang analogy about credibility ang pag-e-endorse ni Vice Ganda ng beauty products. Si Vice Ganda ay dating alaga ni Ogie.

Dagdag-linaw pa ni Ogie, hindi s’ya galit kay BB. 

“Promise, hindi ako galit sa’yo, BB,” lahad n’ya. “Kung galit ka sa’kin, choice mo ’yan. Ako, choice kong hindi magalit sa’yo. Mahirap [kung] may karga [ng sama ng loob].”

Bukas din daw s’ya kung mag-reach out si BB sa kanya. Willing naman kaya s’ya na s’ya ang gumawa ng first move sa pagre-reach out kay BB?

Kung gusto n’ya, magpahiwatig lang s’ya. To be honest, pina-follow ko s’ya sa IG. Naku, sinabi ko tuloy dito. Baka i-block ako. Hahaha!” muling patawa n’ya. 

Positibo din daw ang comedian-vlogger na magkakaayos at magkaka-tsikahan din sila ni BB sa tamang panahon. 

Hindi ko sinasara ang pinto. Pero s’ya pag nagsara ng pinto, again, choice n’ya ’yon. Hindi ko choice ’yon,” paliwanag pa n’ya. 

Hindi kailangang mamagitan si Pareng Robin [Padilla]. Pero kung kinakailangan, why not? Magpa-Pasko… Pero hindi kami nanghihingi ng regalo sa ’yo, [BB],” pagtatapos ni Ogie.

Sa huli, muling pinayuhan ni Ogie si BB na mag-ingat sa pagmamaneho lalo pa’t mag-isa lang itong namumuhay sa US at nasa Pilipinas ang kanyang mga ka-anak.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.