Operasyon ng one-month-old baby ni Super Tekla, successful!

PHOTOS: @SuperTeklaLibrada on Facebook

PHOTOS: @SuperTeklaLibrada on Facebook

Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ni Kapuso comedian-host na si Super Tekla kahapon, July 23, nang sumalang sa isang kumplikadong operasyon ang ang one-month old na anak na si Baby Angelo.

Habang naghihintay ng result ng operasyon ng anak ay idinaan ni Super Tekla—ang komedyanteng nakilala sa pagbibihis babae kahit isa siyang straight na lalaki—sa pagbibigay-update sa kanyang Facebook page para maibsan kahit paano ang kabang nararamdaman.

Sobrang kaba at nagangatog,ang buong katawan ko sa sobrang kaba," paglalarawan ni Tekla sa FB sa nararamdaman n’ya nang mga sandaling iyon. 

Dinadaan ko nalng sa tawa at pinapatibay ang loob ko sa pamagitan ng inyong mga dasal as of 1:49pm natapos na ang Neurosurgical operation Ni BABY Angelo. Antay Nalng Kami Lumabas Mga Doctor pero wala parin tigil ang kaba KO.sa ngayon.MAG update ulit ako paglabas ng mga doctor nya sa O.R. (sic)”

 

Sobrang kaba at nagangatog,ang buong katawan ko sa sobrang kaba dinadaan ko nalng sa tawa at pinapatibay ang loob ko sa...

Posted by SuperTeklah Librada on Wednesday, July 22, 2020

Dalawang oras matapos ang kanyang naunang FB post kahapon, muling nag-update si Tekla. This time, he shared a photo of his son at ang recorded video call niya sa anak habang nasa opsital ito. Halatang kampante na si Tekla sa kanyang second post dahil successful umano ang naging operasyon.

“I love you Son Angelo,” bati ni Tekla sa kanyang anak. “Happy 1month Old. Mahal na mahal ka ni Daddy at ate mo Airakot Sobrang strong mo anak Salamat Papa Jesus.”

 

I love you Son Angelo Happy 1month Old Mahal na mahal ka ni Daddy at ate mo Airakot Sobrang strong mo anak Salamat Papa Jesus๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

Posted by SuperTeklah Librada on Thursday, July 23, 2020

“I love you anak, Angelo,” sambit pa ng teary-eyed comedian sa recorded video call niya sa anak. “I love you. Ang daming nagmamahal sa’yo anak, ’no. I love you ’nak. Ang galing-galing naman, ang strong-strong naman. Love you. Pagaling ka ha.

 

 

Posted by SuperTeklah Librada on Thursday, 23 July 2020

Matatandaang last June 25, umiiyak na nagpa-interview ang Kapuso comedian sa news program na 24 Oras hinggil sa kalagayan ng kanyang noo’y bagong-silang na sanggol. 

Ipinanganak kasi itong may rare medical condition na anorectal malformation o iyong walang butas ang puwet at kinakailangang maoperahan kaagad.

Bukod sa maselang kalagayan ng anak, pino-problema din ni Tekla that time kung saan kukunin ang ipangtu-tustos para sa operasyon ni Baby Angelo dahil sapilitang tumigil ang mga TV productions at nagsara ang mga comedy bars due to the coronavirus pandemic. 

Marami ang naantig sa k’wento ng The Boobay and Tekla Show host kaya naman nagpaabot ng tulong ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya kabilang ang nakasamaan niya ng loob noon na si Willie Revillame.

Nagsagawa naman ng auction si Bubble Gang actress Lovely Abella para makalikom ng fund for Baby Angelo. 

Maging ang mga kasamahang artista ni Tekla sa Sunday musical-variety show na All Out Sunday [AOS] at GMA Artist Center ay nagsanib-pwersa din para sa isang online benefit concert for Baby Angelo last July 7. 

At sa tulong ng mga kasamahan sa showbiz, eto nga’t naitawid na ni Super Tekla ang operasyon ng mahal na anak.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Super Tekla, "magpapaka-lalaki" na in two years

Super Tekla, sinubukan daw balikan ang babaeng naanakan

“Wowowin” contestant mistakenly curses at Willie Revillame; calls him “G*go!”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.