Pa-bulaklak ng mister, nagpa-hagulgol kay Ai-Ai delas Alas

Kasali raw sa monthsary prayer ni Ai-Ai dels Alas ang pagpapasalamat sa pagbibigay ng Diyos sa kanya ng mabuting asawa. At sana raw ay hindi magbago ito. “[S]ana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko ... thank you darl miss na miss na kita.”

PHOTOS: @msaiaidelasalas on Instagram

Kasali raw sa monthsary prayer ni Ai-Ai dels Alas ang pagpapasalamat sa pagbibigay ng Diyos sa kanya ng mabuting asawa. At sana raw ay hindi magbago ito. “[S]ana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko ... thank you darl miss na miss na kita.”

Hindi napigilang maiyak ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas nang matanggap n’ya ang surprise monthsary gift mula sa asawang si Gerald Sibayan. 

Sa ipinost na short video ni Ai-Ai sa Instagram last September 12, ikinuwento niyang papauwi daw s’ya mula sa kanyang baking class nang madatnan niya ang pa-surprise ng kanyang asawa.

Galing ako sa school at talagang nakaganito ako kasi meron kaming pa-pictorial every Sunday doon sa mga breads namin nang bigla na lang pag dating ko sa kotse merong ganito [bouquet of flowers]. Padala ni Darl,” pahayag ni Ai-Ai.

At dito na naging emosyonal ang Kapuso comedienne dahil LDR o long distance relationship ang ganap nila ngayon ni Gerald na kasalukuyang nasa US for a badminton tournament. 

Na-miss ko tuloy si Darl,” naiiyak na sabi ni Ai-Ai sa video. “Kahit wala s’ya hindi n’ya nakakalimutan ’yong monthsary [namin]. I miss you, Darl. Thank you. I love you. I miss you. Thank you sa flowers.”

Sa caption ng video post, muli n’yang pinasalamatan ang asawa sa sweet gesture nito despite the distance. 

“Crayola akiz bakla ... pero na-surprise ako grabe hindi mo nakakalimutan talagang bigyan ako ng flowers my darling tuwing monthsary naten ... salamat asawa ko happy monthsary,” aniya.

Dagdag pa ng komedyana, “[A]nd kanina nag pasalamat ako kay LORD .. bukod sa wala tayong covid binigay kannya saken (sic).”

Hiling pa ni Ai-Ai, huwag daw sanang magbago ang pagmamahal ng kanyang mister hanggang sa dulo. 

“[S]ana wag ka mag bago hanggang sa expiration ko ... thank you darl miss na miss na kita.”

“[I]ngat ka parate dyan darl ...   @gerald_sibayan #badmintontournament #bandmintonusopen #mahiraptalagaLDR,” pagtatapos ni Ai-Ai.

Sagot naman sa kanya ni Gerald sa comment section, “[I] love you so much my wife @msaiaidelasalas i miss you happy monthsary.”

At muling tugon ni Ai-Ai sa mister, “@gerald_sibayan labyu my darling salamat sa walang kapantay mong pagibig.”

SCREENSHOT: @msaiaidelasalas on Instagram

December 12, 2017 nang magpakasal sina Ai-Ai at Gerald in a star-studded ceremony held at the Christ the King Parish in Greenmeadows, Quezon City.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai delas Alas, deadma sa mga haters ng pagbi-Blink niya

Ai-Ai delas Alas, lilipad papuntang Amerika para doon magpa-vaccinate; “Para ’yong para sa amin [na bakuna dito], mapunta nasa ibang may kailangan din.”

Ai-Ai delas Alas, nagluluksa sa pagpanaw ng kaibigan at mentor dahil sa COVID-19

Ai-Ai Delas Alas, “feelingerang” nakiiyak sa naging wedding proposal sa unica hija niyang si Sophia

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.