Pa-flooding ni Kris Bernal ng mga sexy birthday pictures sa socmed, self-tribute daw panangga sa mga bansag na “Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan...”

“There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.”

Photos: @krisbernal

“There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.”

Ilang araw bago ang actual birthday ni Kris Bernal, nag-post ito ng sunod-sunod na pasabog sa kanyang Instagram account ng mga almost-in-birthday-suit photos niya.

Mga topless (pero may takip pa rin) photos  na may pasilip sa kanyang makurbang likuran ang mga post ni Kris kasabay ang mga hashtags na “Kris Never Been This Free” at “Kris B at 32.”

Sinabayan niya ang bawat post ng mga positive one-word caption gaya ng “Maturity,” “Growth,” “Body Positivity,” “Acceptance,” at “Contentment.”

At dahil sa kanyang body type, pinagdaanan din ni Kris ang iba’t-ibang pamumuna, pangungutya, at pambabash ng publiko. Aminado siyang naka-apekto ang mga ito sa kanyang metal health noon.

Sa caption nga niya under ‘body positivity,’ binalikan niya kung anu-ano ang mga negatibong itinawag sa kanya ng mga Netizens noon. Pero natutunan na raw niyang isantabi ang mga mapanyurak na comments at mag-pokus sa self-love instead.

Aniya; “Body positivity is not just about how someone looks. It’s embracing who you are as a person. Tbh, before I used to get affected on how people perceive how I look, ‘Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan...’ and the list goes on, but now I learned how to bring positivity to myself and other people by embracing my flaws. There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.”

At dahil marami na siyang natatanggap na feedback dahil sa mga sexy pictorial na pino-post niya, tinanong ni Kris ang fiancé na si Perry Choi kung ano ang reaksyon nito. Ang sagot ni Perry ay ipinost naman niya sa kanyang Instagram stories.

“Anong comment mo sa mga Instagram post ko? Sabi nila, magbo-bold na raw ako,” tanong ni Kris sa kasintahan.

Imbes na sumagot ay tumitig lang sa kanya ang kanyang fiancé. “Wala lang, dedma lang siya,” natatawang repost ni Kris sa kanyang mga followers.

Noong May 17 ang actual birthday ni Kris. Pero the night before that, nagkaroon siya ng birthday dinner sa Sofitel Hotel kasama ang g fiancé na si Perry.

Dahil sa takot na mahawahan ng COVID-19, madalang lang daw silang magkita at lalong hindi raw sila kumakain sa labas tulad ng dati. Kung magkita man daw sila ay madalas na nasa loob lang umano sila ng sasakyan.

Sa mismong kaarawan naman niya, nagkaroon na si Kris at ang fiancé niya ng pagkakataon na makalabas ng Manila para makapag-beach.

Posibleng huling kaarawan na ito ni Kris as a single person dahil kahit may pandemic pa ay patuloy pa rin naman daw ng kanilang wedding preparations.

At dahil nakapag-beach, tinuloy-tuloy na ni Kris ang mga pa-two-piece at pa-sexy posts niya. At ipinaliwanag naman niya kung bakit may pa-flooding siya ng mga birthday posts.

“Apologies if it may seem that I post so much about my bday,” esplika  ni Kris. “Tbh, this is the only time that I was able to go out NOT because of work. This is the only time that I am able to enjoy with Perry and have my ME time. As you may know, I’m always busy because of my work, business, and my mind would always wander around as well.  I can’t stand not doing anything. There’s always got to be something that I’m doing.

“This is why I’m so grateful and happy for having quality time with Perry and myself. Pasensya na po! Pagbigyan nyo na po, it’ll end soon!”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kris Bernal, nakikisali sa #ReformatGMANetwork clamour ng Netizens?

Saloobin ni Kris Bernal sa panibagong lockdown: “Nakakapagod na. Paulit-ulit.”

Mayabang na lyrics ng “Pangmalakasan” single ni Janno Gibbs, “joke lang” daw

Judy Ann Santos sa pagpili ng anumang proyekto: “Tapos na ‘kong mag-trabaho nang hindi ko gusto.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.