Paalam, Manoy: a summary

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Matatandaang noong umaga ng June 8 unang kumalat ang balitang nag-collapse diumano sa set ng Rosang Agimat ang prized actor Eddie Garcia, who fondly called Manoy by his fans, sa Tondo, Manila. 

Ang Rosang Agimat ang comeback project ng aktor sa GMA-7 matapos ang matagal na pagganap niya bilang bida-kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN

Dahil sa pangyayari ay agad itong isinugod sa pinakamalapit na ospital doon, ang Mary Johnston Hospital. Agad kumalat ang balitang comatose ang premyadong actor-director na ikinabahala na showbiz at ng publiko.

Heart attack, stroke, at heat stroke ang mga unang kumalat na diumano’y dahilan ng pagbagsak ng showbiz icon. Heart attack din ang reportedly naging unang diagnosis ng Mary Johnston.

Ang akmang pagre-rescue at pagbuhat sa aktor ng mga sinasabing by-standers ay nakunan ng isa ring taga-Tondo—isang nagngangalang Glaysa Apoyan—at agad niya itong ipinost sa Twitter ang mga larawan. Kasama ng post ang caption na inakala niyang ang pagkakagulo ay bahagi lang nang maaaksyong eksenang kinukuhanan sa lugar.

Narito ang laman ng tweet na ni Glaysa Apoyan (na sa ngayon ang nag-private na ng kanyang account). 

“I thought part of the taping lang yung sigawan kanina but when I saw this, I can't help to get scared for him. I didn't personally see the accident cos I was inside our house, but one of my neighbors has a record. Let's pray for Mr. Eddie Garcia😢🙏.” 

Agad na nag-viral ang mga larawang pinost ni Glyasa at pinik-up maging ng mga legitimate news agencies kaya ng The Philippine Star.

Bandang alast tres ng hapon of the same day, agad ding kumalat ang balitang na-revive na diumano ang aktor at nakatakdang ilipat sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. Napag-alaman later on na false alarm ito at hindi rin sa St. Luke’s inilipat ito kinagabihan kundi sa Makati Medical Center, kung saan inilagak ang aktor sa Neuro-Intensive Care Unit.

Habang nagaganap ang lahat ng ito ay nagba-viral naman ang video footage naman ng isa pang Netizen na si Mhervin Maco, na ipinost noon nito sa social media. Sa anggulo ng footage ni Mhervin Maco, kitang-kita ang mabilis na pagbagsak ng aktor, face down. Kita rin ang isang wire or cable na naka-lapag sa kalsada. Kitang-kita ang paggalaw ng kable. Kita rin sa video footage ang tila naka-umbok or uneven surface sa dinaanan ng aktor.

Dito na kumalat ang sari-saring ispekulasyon. Ang naging paniwala ng marami ay napatid ang aktor sa kable kaya ito bumagsak. Agad inakusahan ng mga Netizens ang GMA-7 ng negligence.

Samantala sa kumalat na “official statement ang pamilya” ng premyadong aktor tungkol sa pagko-collapse nito na dumaan through GMA-7, ang TV network na namamahala sa Rosang Agimat, kinumpirma ang haka-haka sa social media na heart attack ang dahilan ng pagko-collapse ng magaling na aktor. 

Ayon sa statement, na nakarating sa pikapika ng pasado alas-singko ng hapon ng June 8, “severe heart attack” nga ito at nasa kritikal na kundisyon ang aktor dahil dito.

Ang kabuuang statement, na napag-alamang galing sa stepson ng aktor na si Nikki, ang anak ng common-law wife nitong si Lilibeth Romero, ay may header na: “Official statement of the family of Mr. Eddie Garcia”

In full, it read:

“Manoy Eddie Garcia was at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care. 

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concern and extended prayers. Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery. At 90, he is still doing what he loves most, acting. He is a pillar of the industry and is very passionate about his craft. We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest time possible. Thank you.”

Ayon sa nakalap na balita ng pikapika, maging ang common-law-wife ng aktor na si Lilibeth Romero ay naniniwalang napatid sa kable ang asawa. Lalo pa at napag-alaman later on sa Makati Medical Center na hindi inatake or na-stroke ang aktor. Kalituhan ang naging sanhi kung bakit nasambit sa official statement na that the actor suffered from “severe heart attack.” 

Samantala, negatibo ang agad ang naging reaction ng mga tao sa social media patungkol sa diumano ay kapabayaan ng production ng GMA-7 kaya ganoon ang sinapit ng aktor. Hindi daw naging maingat ang mga ito sa pag-aalaga sa aktor. Kumalat din ang balitang walang medic at walang standby na ambulansiya ang GMA na SOP [standard operating procedure] na ngayon sa mga shootings at tapings. Dahilan para ma-delay pa ang pagdadala sa aktor sa ospital. At dahil hindi rin mga medical professionals ang nag-rescue sa aktor, naging mishandled tuloy ito na maaring mas nagpalala pa sa natamo nitong fractured cervical bones na nakita later on sa pagsusuri ng Makati Medical City.

By June 9, or kinabukasan after ng accident, nagpalabas ng official statement ang GMA-7 addressing the cable wire issue.

The official statement read:

“The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collapsing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took, before we make any conclusions on what really transpired.

“The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson. 

“We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition. 

“Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery.”

The next day, June 10, naman in-address ng GMA ang paratang na diumano ay walang medical team sa set ng Rosang Agimat.

The statement read: “It has been the Network’s practice to have medical personnel and ambulance crew on standby whenever the production is executing big action scenes during taping. This has been likewise the practice of other GMA programs. Given this, we are currently investigating the absence of a medical team on the set last Saturday, June 8. 

GMA Network is deeply saddened with what happened to Mr. Eddie Garcia and the management is committed to getting to the bottom of this unfortunate incident.”

As of press time, June 20, wala pa ring follow-up statement ang GMA-7 tungkol sa dalawang magkahiwalay na issue.

Twelve days nakipaglaban sa kamatayan ang magaling na aktor na nilagyan ng life-suppport sa MMC. And in between those days, kumalat naman ang balitang pinag-iisipan nang i-withdraw ng pamilya ang nasabing life support.

Agad itong nilinaw ni Dr. Antonio Rebosa, ang medico-legal at naging spokesman ng Garcia’s family na bagama’t nagsabing “the prognosis is very bad,” ay wala para raw silang authorization para gawin ito.

Ayon sa nasagap ng pikapika, ayaw ni Ms. Lilibeth Romero na gawin ito sa kanyang common-law-husband dahil nakikita pa nito diumano na lumalaban si Manoy.

Pero by June 15, naglabas ng bulletin ang MMC saying na may go-signal na silang ilagay ang aktor sa DNR (do not resuscitate) state, na ibig sabihin, ay sakaling tumigil sa paghinga ang pasyente ay hindi na nila ito susubukang i-revive by doing cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Sa halos araw-araw na pagi-issue ng MMC ng bulletint regarding the actor, laging nakasaad na nananatiling nasa critical condition ang aktor at hinihiling ng ospital sa mga ka-anak na pigilan na ang daloy ng mga bisita para makaiwas sa possible complications.

At kahapon, June 19, ibinahagi muli ng MMC that “Eddie Garcia's EEG (electroencephalogram) study showing minimal brain activity. Still in critical condition.”

At ngayong hapon, June 20, at 4:55 pm, nagbigay na ng final bulletin ang MMC, where it announced the passing of the Pinoy movie icon.

The full bulletin, prepared by MMC Division Head Dr. Artemio Salvador, read: “Mr Eduardo “Eddie” Garcia passed away today, June 20, at 4:55 pm.  We join the entire Filipino community in praying for the soul of Mr. Eddie Garcia and his dearly beloved family and friends. We extend our deepest condolences to the Garcia Family.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Farewell, Sir Manoy

Eddie Garcia, na-revive na matapos mabalitang na-coma

Official Statement of Eddie Garcia’s family confirms the great actor suffered from “severe heart attack.”

Eddie Garcia and Nadine Lustre are Gawad Urian’s best actor/best actress this year!

Yassi, di kinaya ang nag-viral na accident photo ni veteran actor Eddie Garcia

Dingdong, hindi bibitaw sa pangarap na makasama pa rin sa isang project si Eddie Garcia

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.