Pag dumating na ang taong “worth it,” limitless daw itong mahahalin ni Julie Anne San Jose

“Kapag dumating ang araw na ma-in-love ako ulit, hindi ko alam, e—well, of course, kapag nagmahal ka sa isang tao, kailangan of course na mahalin mo ’yung sarili mo nang buong-buo. Kailangan mo muna talagang mahalin ang sarili mo dahil do’n magre-reflect kung paano ka magmahal ng ibang tao, ’di ba?”—Julie Anne San Jose

Photos: @myjaps

“Kapag dumating ang araw na ma-in-love ako ulit, hindi ko alam, e—well, of course, kapag nagmahal ka sa isang tao, kailangan of course na mahalin mo ’yung sarili mo nang buong-buo. Kailangan mo muna talagang mahalin ang sarili mo dahil do’n magre-reflect kung paano ka magmahal ng ibang tao, ’di ba?”—Julie Anne San Jose

Sa ginanap na online mediacon para sa virtual concert ni Julie Anne San Jose, ang LIMITLESS, A Musical Trilogy, ay sinimulan na rin siyang bansagan bilang “Asia’s Limitless Star.”

Tila kasabay ng titulo ng kanyang virtual concert ay ang bagong title na rin niyang ito na papalit sa naunang bansag sa kanya as “Asia’s Pop Diva.”

Mahaba ang naging reaksyon ni Julie tungkol sa bagong title niyang ito. Nag-ala-acceptance speech na animo’y tumanggap ng award.

“Actually, first time ko po itong narinig today,” masayang lahad ni Julie. “Hindi ko po alam ang mapi-feel ko, surreal lang pong talaga. And of course, nagpapasalamat din ako sa buong team and sa GMA for trusting me and sa support na ibinibigay nila sa akin.

“Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat ng taong sumusuporta sa akin, sa family ko, sa fans, sa mga friends ko...sa walang-sawang pagmamahal and sa guidance and I wouldn’t be where I am right now if it’s not for all of them. 

“And lastly, hindi ko po magagawa ang lahat ng ito kung wala po si Lord, si Lord po talaga ang may bigay or may pahiram sa akin ng mga talento or skills ko na ito.

“So, nagpapasalamat po ako nang sobra and I also feel that I already found my purpose in life. To inspire more people and share my experiences through my craft and my music. It feels amazing and it feels fulfilling kapag nakikita mo na nae-enjoy or naa-appreciate ng mga tao ang ginagawa mo. And nakakataba po ng puso. Sobra. Sobrang salamat po talaga. Hindi ko po ito ine-expect, so thank you for the trust.”

Impressive ang teaser pa lamang ng Limitless concert ni Julie kunsaan, sa gitna ng pandemya ay nakapag-shoot siya sa iba’t ibang lugar ng LuzViMinda—Luzon, Visayas, and Mindanao.

At sa pag-iikot niyang ito sa bansa, nakita umano si Julie Anne na walang kaibahan ang pakiramdam niya sa nararamdaman din ng mga tao sa iba’t ibang lugar ng bansa during these pandemic times.

“Well, first of all, I am a Filipino citizen first bago ako naging artista,” saad niya. “I don’t think may difference, I’m also human and may mga experiences ako na nararanasan ko every day. May mga bagay ako na hindi naise-share sa mga tao. And ’yung pandemic na ’to, ito ’yung parang naging challenge or naging common denominator for everybody because we’ve been struggling since nag-pandemic. Lahat tayo ay naapektuhan in different aspect. 

“Hindi lang ako, lahat tayo ay nakaka-experience ng mga hardships at mga challenges. ’Yung tumatak talaga sa puso ko is the connection do’n sa mga locals sa Mindanao. Nag-strike kasi sa akin noong nakakausap ko sila na sobrang grateful sila na of all places, ito pa ang napuntahan n’yo. Nakaka-antig ng puso. And we also did some activities with the locals. And ’yung experiences na ’yun, food for the soul siya, one for the books.”

Bilang Asia’s Limitless Star na ang bagong bansag sa kanya, natawa ito nang tanungin kung pag dating ba sa pag-ibig ay limitless pa rin siya o natuto na siya sa mga nakaraang relasyon.

“Kapag dumating ang araw na ma-in-love ako ulit, hindi ko alam, e—well, of course, kapag nagmahal ka sa isang tao, kailangan of course na mahalin mo ’yung sarili mo nang buong-buo.

“Kailangan mo muna talagang mahalin ang sarili mo dahil do’n magre-reflect kung paano ka magmahal ng ibang tao, ’di ba?

“And ako kasi ’yung tipo ng tao na kapag mahal ko ang isang tao or kapag mahal ko, bibigyan ko siya ng importansiya. Of course, 100% commitment talaga.”

At saka niya idinugtong na: “Pero sa ngayon, hindi pa naman, wala pa naman. Wala pa, wala pa... basta.”

However, naniniwala naman daw siyang darating din ito.

“Darating din naman po yan and if I know that person is worth it and if it’s the right kind of love, limitless din, of course, ang love [na ibibigay ko].”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tanong kung hunky ba ang next boyfriend na gusto niya, Julie Anne San Jose, napa-“Oh, my God!”

Julie Anne San Jose, nag-sorry kay Barbie Forteza dahil napahawak siya sa “pandesal” ni Jak Roberto

Julie Anne San Jose sa ilangan nila ni Alden Richards: “Okay naman po kaming dalawa... Wala namang tension between us.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.