Pag-inhibit ni Alfred Vargas at pagboto ng “yes to deny” nina Yul Servo, Precious Hipolito, at Dan Fernandez, ikinadismaya ng mga ABS-CBN supporters at freedom of the press advocates

PHOTOS: @alfredvargasofficial, @congdanfernandez on Instagram, & Chancellor9000 , Precious Hipolito on Facebook

PHOTOS: @alfredvargasofficial, @congdanfernandez on Instagram, & Chancellor9000 , Precious Hipolito on Facebook

Ikinabuwisit ng ABS-CBN supporters ang pag-i-inhibit ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa botohan sa kamara kahapon, June 10, hinggil sa broadcast franchise application ng Kapamilya network. 

Seventy congressman ang bomoto ng "yes" sa resolusyon ng komite na naglalayong ibasura ang hiling na 25-year broadcasting franshise ng ABS-CBN habang 11 lamang ang bomoto ng "no" para paboran ang media giant. Isa ang abstained at dalawa ang nag-inhibit. Isa na nga doon si Alfred sa dalawang nag-inhibit.

Bago pa man naganap ang botohan ng mga kongresista kahapon, nauna nang naglabas ng statement si Alfred kung ano ang stand n'ya sa franchise issue sa kanyang Twitter account.

Dito sinabi ni Alfred na pinipili n'yang mag-inhibit o hindi bomoto upang maiwasan ang "conflict of interest" lalo pa't naging artista s'ya ng TV network.

Ikinadismaya ito ng mga Netizen lalo na ng mga taga-suporta ng ABS-CBN at binantaan ang kongresista na hindi na muling susuportahan sa susunod na eleksyon. 

Isa rin sa mga nadismaya sa ginawang pag-inhibit ni Alfred ay ang entertainment anchor/writer at talent manager na si Noel Ferrer. 

Sa kanyang Facebook post kahapon, pinayuhan n'ya si Alfred, kasama ang ilan pang mga mambabatas na nagmula sa showbiz na bomoto ng "yes" para i-deny ang franchise ng ABS-CBN gaya nina Precious Hipolito, Yul Servo at Dan Fernandez. 

Ayon kay Noel, dapat daw tularan ng mga nabanggit na lawmakers ang gaya ng aktres at congresswoman na si Vilma Santos na may pagpapahalaga sa freedom of expression.

"YOUR HONORS from our industry ALFRED VARGAS, PRECIOUS HIPOLITO, YUL SERVO, DAN FERNANDEZ, you have a lot to learn from our dear CONGRESSWOMAN VILMA SANTOS-RECTO on being for the people, for free expression and on being on the right side of history. GOD BLESS OUR COUNTRY!" pahayag ni Noel sa kanyang post. 

 

YOUR HONORS from our industry ALFRED VARGAS, PRECIOUS HIPOLITO, YUL SERVO, DAN FERNANDEZ, you have a lot to learn from...

Posted by Noel Ferrer on Friday, July 10, 2020

Si Congresswoman Precious Hipolito ay former child star na napabilang din sa noon sa That's Entertainment bago naging news anchor sa IBC Express Balita na kalaunan ay sumabak din sa politika. 

Isa si Precious sa majority na bomoto ng "yes" kaya naman pinuntirya din s'ya ng mga Netizen sa Twitter.

Tumanggap rin ng pagbatikos ang representative ng Manila 3rd District na si Yul Servo mula sa Netizens sa pagboto n'ya ng "yes" para ibasura ang ABS-CBN franchise application

Hindi rin nakaligtas sa inis ng ABS-CBN supporters ang actor-politician from Laguna na si Dan Fernandez sa hindi nito pagpabor sa Kapamilya network.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.